Apat at kalahating oras na pagmamaneho. Hindi yan papuntang probinsya para mag-out of town gimik o bakasyon. Yan ang nangyari sa akin nung isang araw nung sinundo ko ang asawa ko galing sa opisina. Mula Libis, papuntang Ayala tapos pabalik ng Antipolo. Ganon katindi. At masuerte pa kami dahil walang dinaanang baha. At mas blessed pa dahil kahit papano may sasakyan kaming sarili ng araw na yun at hindi nastranded tulad ng iba pang commuters. Pero lahat ng yan ay nararanasan pa rin naman namin dahil mas madalas na magjeep at mag bus pa rin naman kami papasok sa trabaho.
Bukod sa traffic, lan pa sa dinaranas natin ay ang mapagsamantalahan ng ilang masamang loob. Hindi ang mga holdaper o mandurukot pero kasama na rin sila. Lalo na pag ganitong panahon. Yung mga holdaper na nakahawak sa manibela. Maramin pa rin namang mga manong tsuper na mababait at tapat sa serbisyo pero marami rin sa kabaro nila ang mapagsamantala. Mga Taxi na mabilis pa sa takbo ng kotse ni Schumacher ang metro, mga pedicab at tricycle driver na daig pa ang limo chauffeur ang bayad sa serbisyo, mga jeepney na mahilig mag cutting trip at kung anu-ano pang panlalamang na tayong mga pasahero ang madalas na kawawa.
Nakakasawa na nga minsan at parang immune na tayo sa problemang trapik. Para bang normal na at wala na tayong magagawa. Kaya nga sa Pinas, pag sinabi mong "Traffic", ang ibig sabihin agad ay masikip na kalsada imbes na yung mismong paggalaw ng mga sasakyan. Pero wala na nga ba tayong magagawa? O wala na lang din talaga tayong planong gumawa?
May mga ideya akong naiisip na baka kung sakali, makaabot sa kinauukulan o sa may kakayahang isakatuparan ang mga ito para gamiting solusyon sa mga problema natin sa trapiko. Ito ang unang post ko sa Traffic Solution Series na nasa listahan ko.
Unahin na natin ang patungkol sa madadayang taxi meters. Lalo na nung nasa dati pa kong opisina, halatang halata dahil ang napakaigsi na nasa 6km lang na takbo at wala pang 20mins na andar ay inaabot minsan ng 150 ang bayad ko. Minsan may nasakyan ako na siguro ay iilan na lang sa tapat na mga taxi meters/drivers ay inabot ng 120 lang ang bayad ko sa 45mins na takbo na ang layo ay nasa 12kms siguro ang distansya. Kada sasakay ako ng taxi noon ay madalas inaabot ng 120 pesos samantalang may mangilan ngilan na ang metro ay nasa 80 pesos lang sa parehong distansya at tagal ng byahe. Hindi ko na tuloy malaman kung ang tama ba ay yung 120 o yung 80 dahil yung 120 ang mas marami.
Sa panahon ngayon na lahat na lang ay may application sa smart phones, android man o ibang OS, ito ang naiisip ko na ideya. Kulang ang kaalaman ko at oras sa pagdedevelop nito pero puede siguro gawin ng iba na alam kong magagaling sa ganitong bagay. Subukan nyong magdevelop ng Taxi Meter App na nasisimulate ang takbo ng well calibrated meter na puede nyong paandarin kasabay ng pagtakbo ng taxi. Alam kong maraming factors ang nagpapabago sa bayad sa taxi tulad ng tulin, layo at tagal ng byahe. Pero alam kong kayang kaya rin yun ng mga mahuhusay nating app developers.
Pagkatapos, pag nadevelop ito ay puedeng bilhin bilang acquisition ng MMDA o ng DOTC na mismo bilang income generation na rin. Then make this one an official application na puedeng gamitin ng mga pasahero ng taxi. At pag hindi nagmatch at malayo ang diperensya ng presyo ng lumabas sa taxi meter at sa application, may button din to send report/text ng taxi plate number sa DOTC.
Puede siguro rin itong ideya para sa nag-iisip ng Thesis nila para ngayong taon. Kung estudyante kayo at balak nyo itong subukan, contact nyo lang ako sa email ko (theignoredgenius@gmail.com) kung halimbawang nammroblema kayo sa finances para simulan ito. Tutulungan ko kayo maghanap ng financers. Panigurado na marami sila. At kung mabuo nyo man ito, wag nyong isipin ang recognition par asa kin. Ok lang na angkinin nyo na rin ang patent kahit pa ideya ko ito. Ang maishare ko ang ideyang ito sa inyo ay ok na sa kin. At sa iba naman na hindi alam kung pano gawin ito pero gusto ninyong makarating ito sa mga marurunong at mahuhusay, ishare nyo lang itong post na ito para makarating sa kanila.
Abangan pa ninyo ang iba pang post patungkol sa mga ideyang posibleng makatulong sa ating problema sa trapiko. Hindi lang ito puro mga techie stuff, marami sa aking naiisip ay mga praktikal na paraan na madali lang gawin kung ating ipapaimplement ng maayos.
Aba ayos nga ang naisip mong yan :)
ReplyDeleteSalamat Pao. Share share natin para makaabot sa mga marurunong at magagaling nating mga developers. :)
Deleteokay tung idea mo na to pre! sana gagana pa rin ung app kahit walang internet connection. kumbaga, magagamit sya kahit ofline.
ReplyDeleteoo pre, mas ok pag kahit offline. sana may kumagat dito at magdevelop nitong app na ito.
DeleteMay nakagawa na po ba nito?
ReplyDeletenot sure bro but meron na nagmessage sa akin na ginamit nila ito para sa thesis nila. :)
Delete