Magagalitin akong tao. Lalo sa mga nakakakilala sa kin ng
personal, malamang na maririnig nyo ang iba’t ibang kwento tungkol sa pagiging
“highblood”, “masungit”, “war freak” at kung ano-ano pang salitang kasing kahulugan
ng taong laging nagagalit ang nailalapat sa akin.
Maraming dahilan kaya ako nagagalit, minsan dahil sa tao at
pangyayari sa aking paligid, sa sitwasyong kinalalagyan ko o minsan ay sa
sarili ko mismo. Madalas din na ang kinakagalit ko ay paulit ulit lang. At hindi
ito maganda sa kalusugan. Minsan ay umabot pa sa punto na ilang ulit akong
naisugod sa ospital at ang dahilan, pagkikimkim ng sama ng loob kasabay ng
stress at pagod. Nung una akong beses nasugod sa ospital, imagine na nakahiga
na kayo sa gitna ng aisle ng jeep tapos naninigas ang buong katawan nyo, hirap
huminga at di na makapagsalita at pagkatapos maririnig nyo pa ang mga tao habang
nakatingin sa akin na bumubulong ng “nangingitim na, nangingitim na”… whew…
kwento ko na lang ito ng buo sa susunod.
Madalas nga may mga kinakagalit tayo na pangyayaring
paulit-ulit. Alam natin kung ano itong bagay na kinakagalit natin. Lagi lang
itong nandyan. Lumilipas din naman ang galit natin dito, makakalimot bukas at
magiging kalmado. Pero pag naulit, andyan na naman at nadadagdagan pang lalo
ang galit.
Ang gusto ko lang sanang malaman ay kung pinakinggan mo na
ba ang sarili mo nung galit ka? Kung oo, sineryoso mo ba ang sarili mo?
Madalas na pag galit tayo sa isang tao, sinasabi natin sa
sarili natin na “iiwasan ko na tong tao na to.”, “Lalayo na ko sa kanya.”, “ Di
na ko uli magtitiwala sa kanya” at kung ano ano pang hindi mo na gagawin. Pero
kinabukasan, lipas na naman ang galit mo at babalik ka na naman sa dating gawi
at pakikitungo sa kanya. Siguro di
maiiwasan dahil kailangan, tapos may gagawin na naman siyang hindi mo gusto at
babalik uli ang galit at sasabihin mo na naman uli ang mga katagang sinabi mo
na nung una kang nagalit.
Ganon din sa mga sitwasyon, halimbawa sa trabaho. Galit ka sa mga kasamahan mo na
pinagtsitsismisan ka kahit wala kang ginagawang hindi maganda. O kaya naman e
sa boss mo na tingin mo e pinagiinitan ka.
O sobrang hirap ng schedule mo kaya naaapektuhan na nito ang kalusugan
mo. Puede rin naman na ayaw mo lang din talaga ng ginagawa mo at hindi ka na
masaya. Isa man o lahat ng ito ang totoo, marahil na pag galit ka na ay
nasasabi mong “makpagbakasyon muna para makapahinga”, “kakausapin ko na yung HR
bukas tungkol sa nangyayari sa kin”, “ Ire-raise ko na kay boss yung mga issues
ko ng malinawan naman siya”, “ayusin ko na resume ko ng makapagapply na ko sa
ibang kumpanya” at kung ano ano pang mga litanya ng mga tingin mong dapat mong
gawin kapag nagagalit ka na at naaapektuhan na ng mga nangyayari.
O kaya naman sa buhay mo mismo. Hirap ka na sa buhay mo,
ayaw mo na ng ganitong buhay. Gusto mo nang magkaroon ng pagbabago, at sa galit
mo ay mapapamura ka pa at sasabihing “Pu***ng inang buhay ito! Ayoko na ng
ganito! Bukas na bukas ay aayusin ko na ang buhay ko!” Tapos nakatulog,
kinabukasan, balik sa dating gawi. Balik sa dating gawain. Wala pa ring
pagbabago.
“Di ko na kaya! Eto na ang gagawin ko para di na
maulit!”—ganyan kadalasan ang ating tono pag tayo ay nagagalit na. Madalas
natin marinig ang katagang “wag mangako pag masaya, wag magdesisyon pag galit
ka”. Sang ayon ako rito dahil dapat talaga nating pag ingatan ang bawat
katagang bibitiwan natin. Pero sa kabila ng katotohanang ito, kaya rin naman
tayo nakakapagbitiw ng salita ay dahil sa ating nararamdaman. Kung galit tayo,
may dahilan yun at isa roon ay tayo ay nasaktan. At kung tayo ay paulit ulit na
nagagalit, ibig sabihin ay paulit ulit tayong nasasaktan. Kung sa isang dahilan
lang, hindi kaya marapat lang na pakinggan natin ang ating “galit na sarili”?
Kung hahayaan natin ang sarili natin na masaktan ng paulit
ulit, maaari itong makaapekto sa ating pang-araw araw na gawain, relasyon sa
ibang tao at sa ating kalusugan. Hindi mabuti ang galit sa puso. Oo nga, ito’y
lumilipas subalit tulad ng isang sugat, maaaring parang humihilom sa labas
subalit ang kalooban nito ay patuloy na nananariwa lalo’t hindi tuluyang
nabibigyang lunas ang ugat.
Pakinggan ang galit na sarili. Bigyang pansin ang kanyang
dinaramdam. Tandaan ang kanyang mga sinasabi, pag-isipan ito at gawan ng
pagkilos. Kung alin mang problemang gusto niyang makawala, isang tao lang naman ang gusto niyang
matulungang umayos at gumaan ang buhay. At ang taong ito ay walang iba kundi
ikaw.
Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.
Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.
madalas ang galit na hindi naman malalim ang pinag-ugatan ay madali lang mapawi. kung hindi talaga maiiwasan na makisalamuha sa isang taong laging ikinakagalit mo, bakit hindi subukan ayosin ang pakikitungo dito? magugulat ka na alng, besprend mo na pala yung taong yun.
ReplyDeleteeto ay ang sa aking pananaw lang naman
Hi Lawrence,
DeleteTama, isa yan sa mga angkop na aksyon na ating puedeng gawin para maalis o maibsan ang paulit ulit na galit na ating nararamdaman. It's a case to case basis naman po and tayo lang ang nakakaalam ng nararapat na aksyon na dapat nating gawin. Salamat po.
- Rogie
Panindigan ang galit. Pero dapat nasa tama ka, hindi naman pwede magalit na ikaw ang mali eh.. hehe! kapal mo na nun..
ReplyDeleteNakakaasar lang talaga yung mga bagay minsan na paulit ulit na lang.. Mahirap minsan talaga iwasan, pero hindi rin, nasa tao lang talaga..
hehehe, sabagay. pag nagalit ka ng mali ka, puedeng dahil guilty lang tayo sa mali natin at galit tayo sa sarili natin mismo. kaya siguro, ang dapat nating ayusin pag ganon ang sitwasyon ay ang sarili natin.
DeleteSalamat sa pagdalaw :D
- Rogie