Ilang beses na nating narinig, walang pinagkaiba ang alak sa
pag-ibig. Parehong nakalalasing. Tatawa ka ng tatawa ng walang
dahilan. Minsan ay para kang nakalutang. Mawawala ang inhibitions mo pag
nasobrahan. Masasabi mo ang lahat ng bagay na hindi mo masabi sa normal na
sitwasyon. Magagawa mo ang mga bagay na di mo kayang gawin kapag wala ka pang
“tama”.
Alcohol, alcohol, alcohol... |
Pero ang alak, tulad ng pag-ibig ang kadalasan ding sinisisi
kung kinabukasan ay gigising tayong masakit ang ulo. Masakit ang katawan. O masakit ang damdamin. Sa sobrang sakit ng ulo mo sa hangover, sinasabi mo na di
ka na uli iinom. Sinusumpa mo ang alak. Katulad din sa pag-ibig. Pag nasawi
ka, masakit. At sasabihin mong di ka na iibig pang muli. Kasalanan ng alak.
Kasalanan ng pag-ibig.
Dalawang bagay na walang isip. Mga bagay na di ka naman
pinilit na kunin mo. Na angkinin mo sila. At ng napasobra ka sa pagkonsumo, sila na ngayon ang may kasalanan. Sila pa ang masama. Wala
naman silang kinalaman sayo. Ikaw ang walang kontrol. Ikaw ang nagpabaya. Ikaw
ang may isip. Ikaw ang may utak.
So sinusumpa mo na ang pag-ibig ha... |
At bukas, panibagong araw uli. Wala na ang hangover. Wala na
ang sakit. Sabi mo di ka na uulit. Sinusumpa mo na nga eh. Ngayon ok ka na
kahit papano. Buti pa mag unwind muna tayo. Para makalimot lalo sa problema. Sa
sakit.
Alam mo, walang kwenta talaga yun. Kalimutan mo na siya.
Ikaw naman kasi eh. Di ka nakinig. Tama na ang iyak. Pero alam mo, gumaganda ka
pala pag medyo mugto ang mata mo. Walang halong biro. Oo nga. Andito lang
naman ako lagi para sayo e. Oo matagal na. Andyan kasi siya kaya di ako
makalapit sayo. Talaga? Ganon ka rin?
Ows? Tayo na. Yehey, I love you. I love you too. Mwah mwah tsup tsup. Lasing ka
na yata. Hatid na kita. Bukas uli ha.
Sobrang nakarelate ako dito. Lagi kong sinasabi na 'di nako iinom ulet kapag nalalasing ako ng sobra. siguro mga 100 times na. Haha. Nice post. Nice blog. ;)
ReplyDelete"Isang lasheng na lang, bote nako..."
hehehehe. Thanks Denggoy.
DeleteAko rin nung college days pa. After nun,nag-bagong buhay na ko. Pinanindigan ko na. hahahaha.
Di ako umiinom kaya di ako makarelate. hehe. in fairness, 6 paragraphs lang ah. hehe. :P
ReplyDeletehttp://www.dekaphobe.com/
hahaha. binilang mo talaga ah. :P
DeleteDi ka umiinom, pero how about sa pagiging inlove? yihiii!!!
Teka, mali ka ng bilang. 5 lang eh. hahaha
DeleteHahaha binilang talaga ang paragraph.. Dapat binaban ang alak. Hehehe
ReplyDeletewag naman.taasan na lang ng tax para kumonti ang iinumin pag nagmahal na. hehehe.
DeletePano naman ang pag-ibig? :P
wahaha, kahit di ako lasenggo natawa naman ako at mejo naka relate na din naks!
ReplyDeletehmm, di ka lasenggo. So alam ko na kung san ka nakarelate. hahaha. :)
Deletemula ng malasing ako na halos isuka ko pati bituka ko sabi ko hindi na ko magpapakalasing ulet..totoo yun pinaninindigan ko pa rin gang ngaun..pero sa pag-ibig kahit ilang beses na kong nasaktan..hindi ko sasabihin na hindi na iibig muli..naks naman ako na talaga hahaha!ang drama ko shet...
ReplyDeletenaka naman. may moment. hahahahaha. tama yun. part yung masaktan. wag lang uulitin ang dahilan kung bakit. hindi na part yun. hahaha
Deletehaynaku pre! di ako makarelate sa mga ito. lols!
ReplyDeleteseriously, nice one!
hahaha. salamat pre. ako rin di naman ako nakakarelate diyan. Nakukwento lang sa kin. :P
Deletehay pag-ibig! puro pa-tweetums pa ang knowledge ko about sa alak este love. ahohho
ReplyDeletepag-ibig ang kasagutan, sabi ni kabayan. :D
DeleteAko ba naiisip mo dito? Hahaha! Alak pa!
ReplyDelete