Monday, October 24, 2016

Wag Kasing Sobra

Marami na rin ang nagising. Sa wakas. kung tutuusin, dapat masaya pa nga ako. Kasi yung ilang beses na rin naming pinananawagan noon ay tila ba narinig na ng marami ngayon. Kaso ang problema, mukhang nabigla din sa pagkagising. Di pa nagkakape kumbaga. Baka need muna rin natin mag-inat inat at magmumog kaya baka di pa maganda ang pagkakamulat ng mata.

Mahirap ang napapasobra sa kahit anong bagay. Gasgas na ang katagang ito pero tama naman talaga. Ang kulang sa tin madalas ay yung balanse. Lalo na sa usaping panlipunan, pag masyado natin tinodo ang galit o pagsuporta sa isang panig, nagiging bingi tayo o bulag sa posibleng mga tamang punto sa kabilang partido. Pakiramdam natin ay tama na tayo sa lahat ng pagkakataon. Malabo yun. Pero minsan, dumarating nga yung punto na nagigising din naman tayo. Kaso ang problema, pag nagising, biglang kabig naman din sa kabilang side ng todo. Todong kanan papuntang kaliwa. Walang gitna. Samantalang kadalasan, ang pinakaligtas, paborable at malapit sa katotohanang sagot ay nandun lang banda.


Tulad ng mga bumaligtad na sitwasyong ito sa baba. Nakakatawang nakakainis na makita mo sila na napunta na halos dun sa tinuturo mong lugar nila noon pa. Kaso tumodo kabig at lumampas pa. At pinapalabas pa ngayon na ikaw ang di nakakaunawa. Mapapakamot ka na lang minsan dahil di mo na alam ang irereact mo. Ansarap sanang sabihin na "ako pa ngayon".
 
1. Tulad ng marami noon na sobrang puri kay Pnoy na ang tingin nila dati ay "chosen one" sya. Pero nung nadismaya na sa kanya ay naging sobrang galit naman at mas galit pa sila kesa sa min na di bumoto sa kanya na tipong kahit anong maattach sa pangalan nya ay ayaw na nila. 

 2. Yung mga sobrang isumpa si GMA dati kasama na ang asawa at mga anak nya, marami ngayon ay ok na sila at wala na raw kasalanan at inosente ang tingin kay GMA at napaginitan lang daw ng dilawan. 

3. Yung mga dati na sobrang galit naman sa China na pati sa usapang Gilas e dinamay si Chowking at namumula ang mga ilong sa list of richest Pinoy na puro Chinese names ang pangalan na tingin nila ay mga mapagsamantala sa ting mga kababayan, ngayon marami sa kanila sobrang love na nila ang China. 

4. Yung dati na sobrang iniidolo ang US sa mga polisiya nito at nakiki-greatest president pa kay Obama na sana daw ay maging tulad nya ang pangulo natin habang kami sa pro-life advocacy ay matagal nang nagwawarn sa mga pakulo nila sa atin na pagtulong na halatang may hidden agenda, ngayon sila naman ang todo magalit na dinamay na ang buong America na nagkukunwari lang daw na mababait at di na raw natin mapagkakatiwalaan.

5. Yung dati sobrang magshare at magforward pa ng articles dun sa mga news sites na patungkol sa kasiraan ng ibang pulitiko, mga polisiya sa gobyerno na di naman talaga maganda pero pinupush nila, at kung ano ano pang mabibigat na usapin habang dati pa kami nagpapaalala na pag-ingatan ang pinapakinggan, pinapanood o binabasa kahit ano pa yan sa news sa tv man, radyo, dyaryo o social media. Nagwarning na kami na may pondo yung ilan sa mga yan para palaganapin ang ilang mga agenda na di naman talaga pabor sa tao. Tapos ngayon, yung mga sobrang nagpapaniwala sa lahat ng binuhos na balita sa kanila dati, sila ngayon ang nagpuputok ang butsi na "bias bias bias" daw lahat.




Kaya kinakabahan ako para kay Pres. Duterte eh. Malamang nito after 6 yrs, sa kabila ng mga di ko gustong ginawa nya ay inaappreciate ko pa rin ang lahat ng maganda nyang accomplishments habang pinagtatanggol ko na rin sya sa mga hardcore fans nya ngayon na may bago na namang magiging idol pagdating ng panahon at galit na galit na sa kanya. Wag kasing sobra. Wag puro puso. Isip din. Dapat sakto lang at magtira para sa sarili.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...