Being actively campaigning sa unang 2 presidential elections na binotohan ko (2004 and 2010), na sumama rin ako sa rallies, nangampanya sa mga kakilala at nagvolunteer as watcher, marami akong naging realizations noon. Naiintindihan ko yung mga tao ngayon lalo ang mga kabataan na nagiging aktibo at sobrang zealous and aggressive sa pagkampanya.
Nung sumunod na election, (2016), narealize ko kung paanong kahit anong kampanya gawin ng isang tao, hindi basta basta mababago nito ang perception na ng ilan tungkol sa mga kandidato na kanilang iboboto.
Maaaring may maimpluwensyahan pa rin naman sa pangangampanya, pero hindi yun direkta dahil sa kinampanya mo sila, kundi dahil nandun na talaga sa loob nila, paniniwala at karakter na hinubog ng ilang taon kung bakit siya boboto o hindi sa kinampanya mo. Maaring may narinig siya na nag align sa sinusupport mo kaya siya boboto dun. Kaya may impact din naman ang pangangampanya para dun sa mga taong may pagkakapareho sa prinsipyo mong pinaniwalaan din naman na maaaring na-bullseye mo sa impormasyong ibinigay mo patungkol sa kandidato. Kaya tama lang ang kampanyang nag bibigay impormasyon at linaw.
Pero may ilan talaga na kahit anong paliwanag mo, since hindi aligned ang inyong karakter at paniniwala, wala pa ring magiging impact yan.
I started blogging in 2012 because of my experiences in the first 2 elections na nakboto ako, na umasang baka may posibilidad na may mga ilang tao na makakabasa ng aking mga saloobin at makapag impluwensya kahit paunti unti. Naging aktibo ako dito ng ilang taon at naging daan pa nga para makakilala ng maraming tao mula sa ibat ibang panig ng bansa, ng mundo, ng iba’t ibang larangan. Nandung naimbitahan na rin sa ilang programa sa radio at tv, at magsulat sa ilang mga pahayagan. Kahit pano nagkaroon ng ilang tagasunod na siguro, kahit pano, may naibahaging kaunti sa kanila para magamit sa pag dedesisyon sa mga sitwasyong katulad ng eleksyon. Though recently, medyo di ko na rin actively naupdate ang blog ko (last 2020 ang huli) pero actively posting my thoughts pa rin sa mismong page ng aking blog.
Yung kampanya, yes, may impact na magagawa yan para ma-sway natin ang botante para piliin ang kandidatong tingin natin ay dapat iboto. Pero tulad ng nasabi ko, ito ay may impact para lang dun sa may parehong paninindigan mo mula umpisa. Tanggapin mo na may iba talagang hindi aalign kahit ano pa ang sabihin mo. Kaya may mga botante na talagang may kandidatong totally EKIS na agad kahit ano pa iprisinta mo sa kanila dahil malamang ay opposite nun ang kanilang paniniwala kesa sa yo. Kaya yung pang matagalan, tuloy tuloy na pagshare ng mga aral, karanasan at mga importanteng impormasyon na makakatulong sa paghubog ng isip ng mga tao para magkaroon ng matibay na prinsipyo at paninindigan, yan ang mas napagtuunan ko ng oras at pansin. Sobrang optimistic and idealistic. At walang impact agad agad. Pero umaasa pa rin na may maging epekto paunti unti kahit papaano. At may ilan ding mga tao na sinusundan ko na ganito rin naman ang ginagawa.
Apolitical nga ba? Fence sitter? Sabihin na lang natin na ang kampanya, ginagawa ko sa araw araw, pero hindi na para sa isang kandidato kundi para sa mga dahilang pinaniniwalaan kong dapat ipaglaban at ipush ng mga mahahalal sa puwesto. Boboto ako dahil sa tingin ko may mga taong tumatakbo na kapareho ng mga adhikaing pinapaniwalaan ko. Susuportathan ko sila. At totoong may iba na hindi ako sigurado pero tatayaan ko. Susuporta ako at boboto, pero not to the point na ipagtutulakan ko sila sa inyo, dahil mas importante pa rin sa huli na malinaw sa inyo ang paninindigan nyo at inalam nyo at pareho kayo ng pinapaniwalaan nung iboboto nyo kesa dahil sinabi lang ng iba na iboto nyo sila.
(P.S., Laging talo po ang kandidato kong sinusuportahan sa pagkapangulo, at madalas hindi pa pumapasok sa top 3 man lang. Kaya if gusto nyong manalo kandidato nyo, wag nyo na ko piliting iboto sila. Kaya iboboto ko ngayon ay kung sino yung gusto kong matalo. Joke lang syempre.)