Yung MAGNET nga, hindi eepekto kung di mo ilalapit sa bakal at a certain distance. Yung tinatawag na "Law of Attraction" ay hindi ko gusto sa dahilang passive ang dating. Yung idedeclare mo at sasabihin mong "magiging ganito ako" o "makukuha ko ito", kung sa psychology yan, yung pagsabi mo nito sa utak mo ay mas nafofocus siya sa pagiging entitled mo dun sa bagay na gusto mong makuha imbes na magfocus dun sa dapat nyang gawin para maachieve ang gusto nyang mangyari.
Imbes na "Law of Attraction", why not "Law of Direction" (na imbento ko lang kanina, lol)? Which is, ididirect mo ang utak mo sa mga dapat nyang pag-daanan para makuha ang bagay na gusto nyang makuha. Mas naiintindihan ng isip natin ang pagsabi ng bagay na may "action", hindi puro "declaration". Ika nga ng isa sa mga greatest philosopher ng ating panahon na si Marshall Mathers III, "Cause ain't no way I'm let you stop me from causing mayhem, when I say 'em or do something I do it, I don't give a damn what you think. I'm doing this for me."
Hindi mo sasabihin lang na makukuha mo. Sabihin mo sa sarili mo kung ano ang gagawin mo para makuha mo ang gusto mong makuha. Focus on the action
Friday, June 10, 2022
Law of Direction
Subscribe to:
Posts (Atom)