Uso na naman daw ang nakawan dahil malapit na ang Pasko. Pero bago pa man magpasko, marami na ang naireport at kumalat sa mga social media networks na nabiktima ng Modus na ito sa mga taxi. Ang mga nagpapasinghot ng kemikal para makatulog at manghina ang mga pasahero. At pagkatapos ay nanakawan. Minsan pa ay momolestyahin at sasaktan. At may iba pa raw na pinatay. Nakakalungkot isipin na sa maliit na halaga ay kumikitil ng buhay ang iba.
Dahil dito, gumawa ng rin ng hakbang ang ilang mga tao para ito ay ireport sa LTFRB. Ayon sa aking kaibigan, ibinigay niya ang listahan ng mga naireport na mula sa social media na mga taxi kasama ang lugar ng pinangyarihan, plate number at pangalan ng taxi mismo. At ang sumagot ay ang chief mismo ng LTFRB na si Winston Ginez. Ginagawan na nila ng paraan para imbestigahan ito at pinatawag na nila ang ilang operator sa hearings para sagutin ang alegasyon. At may mga checkpoints na rin na gagawin para sa mga taxi patungkol dito. At nagbigay na rin ng warning ang media tungkol sa bagay na ito. Awareness lang at pagiging vigilant ng mga tao ay malaking bagay na.
Ito nga pala ang link ng listahang naipon ko mula sa mga Facebook posts patungkol sa ganitong gawain. Kung may alam pa kayong hindi kasali dito, iwan nyo sa comments ang impormasyon o kaya ay isend nyo sa aking email. Salamat po.
Click the link below for the compiled list:
LIST OF SUSPECTED TAXI CABS
Friday, October 25, 2013
Wednesday, October 23, 2013
Tingin Mo Napagiiwanan Ka? Ayos Yan.
Muntik na kong di magising minsan. Naranasan ko yung tinatawag nilang bangungot. Masakit pala yun physically. Hindi lang yung nakakatakot na panaginip. Pero dun nagsimula. Na nasa isang lugar ako at may isang di ko makilalang nilalang ang umuupo sa aking katawan at humahalakhak. Nahihirapan akong huminga at hindi makakilos. Hanggang sa halos magising na ko pero hindi ko tuluyang maidilat ang mata ko. Gising ang diwa ko pero di ako makabangon. Nakikita ko ang kapatid ko na kumikilos at sinusubukan kong gumising at sumigaw pero di ko magawa. Puro ungol ang lumalabas sa bibig ko. Masakit ang tagiliran ko. Hindi ako makagalaw. Katapusan ko na ata.
Lahat naman tayo may gustong marating. Malayo man yon o malapit, maliit man o malaki, may gusto tayong patunayan sa sarili natin mismo na may kaya tayong gawin. Na may kaya tayong pagtagumpayan. Pero madalas na hindi madali ang gusto nating mangyari. At marami rin sa atin ang di talaga inaabot ang bagay na gusto nating mangyari. Nahihinto, walang oras, walang panahon, walang kakayahan at kung ano ano pang dahilan. Pero minsan yung dahilan ay gawa gawa lang natin. Ang totoo ay tinatamad lang talaga.
At kung tinatamad, maraming bagay at paraan para magawa mong kumilos at may matapos.Isa na siguro yung pakiramdam na napagiiwanan. Yung kaklase mo noon na nangongopya lang sa yo, manager na siya sa trabaho. Yung tropa mo na madalas manghiram sayo ng 5 piso na di nga nagbabayad, may sarili nang negosyo. Yung dati mong katrabaho na tatamad tamad at laging late at absent, ilang beses nang napromote. Parang lahat ng nasa paligid mo ay maayos ang buhay. Pero bakit ikaw, parang walang nangyari.
Pero kung titingnan mong maigi, marami na rin naman nagbago sa yo. Maayos pa naman ang kalusugan mo. Marami kang nagagawang bagay na gusto mo. Maayos naman ang trabaho mo. Pero tingin mo pa rin ay may kulang at napag iiwanan ka na. Puedeng tama ka. Pero ano ba ang dahilan? Dahil sa tingin mo ay may bentahe ka na sa iba noon kaya naging kumpyansa ka na? O dahil di ka na kumilos dahil nga sa tinatamad ka at hindi ka na naiinspire pa na gumawa ng mga bagay na iba pa? Siguro ay matagal mo na ring hindi nakamusta ang sarili mo kaya nung nakita mong malaki na inasenso ng ibang kakilala mo e saka mo lang napansin na wala pala masyado nangyayari sa buhay mo.
Ang puedeng mangyari sa yo, una ay mainggit ka sa nangyari sa kanila. At sa pagkainggit, magiging bugnutin ka. At malamang na di mo na rin sila pansinin dahil maiinsecure ka at tingin mo e mas karapat dapat ka sa kalagayan nila. Ang pangalawang maaaring mangyari naman ay matuwa ka sa nangyari sa kanila. At magiging parang "wake up call" sa iyo na matagal ka na palang naging stagnant. Hindi ka nagpupursige at masyado kang naging kalmado at kuntento. Pero akala mo lang kuntento ka, hindi mo lang pala natanong ang sarili mo. Pero ayos lang yan, di pa naman huli. Gawin mo lang na positibo ang pagkaramdam mo na naiiwanan ka na. Wag mo gawin yung una, gawin mo yung pangalawa.
At nung halos di na nga ko makabangon, bigla ko na lang naisip ang magdasal. Habang nahihirapan akong kumilos, pinilit kong umusal ng panalangin. At dahil dito, nakalma ang sarili ko. Unti unti nawala ang pakiramdam na may nakadagan at dahan dahan akong nagising. Pakiramdam ko ay masakit pa rin ang tagiliran ko. At bumangon ako agad at bumaba. Uminom ako ng tubig. Marami. Uhaw na uhaw ako. At saka ko lang naisip na muntik na pala ko nun. Ganoon kasi yun sinasabi na bangungot na kumitil na ng buhay ng ilan. Magulong magulo ang buhay ko pa noon. Sabagay, hanggang ngayon naman ay marami pa rin akong dapat ayusin sa sarili ko. Kaya laking pasalamat ko at nabigyan pa ko ng pagkakataon uli. Sana ay maayos ko ang buhay ko at mapatino ko na talaga ang sarili ko.

Batibat, ang tinuturong sanhi ng bangungot. Siya kaya ang babaeng Batibot? Photo credit: kurokuroatbp.com |

Thursday, October 17, 2013
It's Official
I’m afraid of not being able to provide the needs of my
family. What if my job won’t be enough? What if something bad happen to
me? What if I’m not able to give my kids
proper education? What if I’m not able to feed my kids? A lot of what ifs and I
really fear them.
But the good thing about fear is that I know that I have to
do something about it. I need to have contingency. I already started with the
initial steps a couple of years ago. I will share with you what I did in
another post and it’s more about the financial stuffs which is something we can
have more control. But what about the others that are more difficult to get a
hold with?
Like how our kids will behave when they grow up? Will they
be strong? Will they be confident? Will they be successful? We can read a lot
of advice about good parenting. But can we really follow them all and be
assured of bright future for our kids? But I think the right question should
be, are we parents properly equipped with knowledge and character to guide our
kids grow and mature as good citizens? It’s more of who we are more than what
we do which creates bigger impact to our children.
Yes, we do need it. Right, uhmm Pink Floyd? |
Most of us are guilty of focusing on only one thing.
Education. We’re dictated by the system or whatever that our children must do
well in school because if not, they will fail in the future. We push our
children too hard to become part of the honor roll and even sometimes to be the
number one. And there are instances that
it becomes a competition between parents already and not among the children. It’s
because for each parent, their children are the best. That’s understandable.
But do the children understand the reasons why their parents are doing it? Or
are they just trying too hard out of fear of being scolded? Is the simple “we’re
just doing it for you” statement enough for our kids to realize why their parents
do this?
It’s good to have most parents being involved with their
kids’ studies. But hopefully not to the point of exhausting the child’s energy
and getting fed up at the early stages of his life. Try making them realize
that education is important but it is not the end of everything in their lives.
And there are other things that matter more than being confident and
competitive. There are all those other virtues that our children also need to
learn.
More than being the smartest in the class is how they can
get along with all the other people in it.
Try to make them understand that there’s only one top student in a
classroom so the odds that they will not be that person is bigger. Then letting
them know that it is just fine as long as they are able to do good with their
studies at the same time being respectful of their teachers and friends. And if ever they’ll be able to get the highest
award in their class, remind them that it’s also the best time for them to become
the most humble. Imagine parents and
kids competing with each other but this time, trying to outdo each other in
terms of virtues and character. Everyone
trying to be the most humble, oh how peaceful and delightful that competition
would be.
And on the other hand, it’s official. We’ll be having a
daughter before the year ends. My wife and I are so excited. Though our son is
too young to be aware of his incoming sibling, we do our best to make him
realize he already has a baby sister inside his mommy’s growing tummy. When we
ask him “where’s your sis”, he’ll point at his mom’s belly and then kisses it. We will be one big happy four-member family by
Christmas and it would be a very merry one. And I hope and pray that we will be
able to take good care of them so that they may grow as responsible people in the
future.
Monday, October 14, 2013
Ngayon Ko Lang Ito Sasabihin
Nagdugo yung daliri ko. Nahiwa ko kasi ng kutsilyo nung
minsang nagluluto ako ng ulam. Matigas palang balatan ang kalabasa. Hindi ako
madalas magbalat ng kalabasa dahil di naman din ako talaga madalas magluto.
Buti hindi bumaon masyado. Di rin kasi masyado matalim ang kutsilyo kaya rin
siguro nahirapan ako magbalat. Binuhusan ko na lang ng tubig. Wala pa naman
akong gamot. Sinabon ko na lang at pinabayaan ko. Sana ay gumaling agad, kanang hintuturo pa
naman.
Madalas ay hindi na kailangan pa ng maraming bagay para
baguhin ang pananaw ng tao sa iba’t ibang bagay. Ang “salita” ang
pinakamabisang kasangkapan para ang mali ay maging tama at ang baluktot ay
maging tuwid. Isang pangungusap lang ang
kailangan para magmukhang mabuti ang masama. Ilang dagdag na kataga lang para
maniwala ang tao sa kasinungalingan. At ito ay nangyayari din sa kabaligtaran
na ang mabuti naman ay napapalabas din na masama.
Madalas pa ay nasa nagsasalita ang bigat, hindi sa sinasabi.
Dahil sa ito ang unang nakikita at napapansin kaya mas nadadagdagan ang bigat
ng mga katagang binibigkas. Kung may ideya kang gustong ipakalat at ipapaniwala
sa tao, bukod sa kung ano at paano sasabihin, idagdag na rin kung sino ang
magsasabi. Para paniguradong mas paniniwalaan.
At nangyayari lang naman ang ganitong kalakaran dahil sa
katamaran sa pag-iisip ng karamihan. Tatanggapin na lang kung ano ang unang
nakita at nabasa. Dagdag pa sa kung sino ang nagsabi. Sa panahon ngayon na mas mabilis ang mag-react
at magsalita bago mag-isip patungkol sa nabasa, narinig o nakita, ang paggamit
sa salita bilang kasangkapan para gumawa ng sariling katotohanan ay laganap na
laganap na.
At ang paghawa patungkol dito ay mabilis. May maniniwala at
maaapektuhan. Magkkwento sa iba. Maniniwala ang iba. Uulitin, ibabahagi. Kahit
di masyado naiintindihan, makikisali sa pagshare. Minsan di pa nga nababasa
talaga. Ganon kabilis at ganoon kadali. At ang isang bagay na mali, sa isang
iglap lang, magiging tama na.
May paraan naman para malaman kung totoo o hindi ang
sinasabi ng iba. Minsan kailangan lang analisahin ang lahat ng bagay na
nakapalibot sa isyu. Dun ay matitimbang na kung ano ang tama o mali.
Paniguradong may pros and cons naman ang magkabilang panig pero ikaw na rin ang
makakapagsabi kung ano ang dapat mong paniwalaan. Pero tandaan mo rin na hindi
naman din lahat ay dapat mong ayunan.
Karapatan mong makialam pero karapatan mo ring hindi makialam. Lalo na kung ito
ay wala namang epekto sa buhay mo. Hindi naman kailangang laging magreact at
maapektuhan sa lahat. Kailangan mo ring piliin ang bagay na pakikialaman mo. Limitado
din ang oras at lakas natin para lahat ng bagay ay isaalang alang natin.
Kailangan din nating salain ang mga ito at unahin ang kung ano ang dapat. Nasabi ko na ata ito dati sa iba kong post. Pero uulitin ko na lang uli at kunwari ngayon ko lang sinabi.
Ngayon ay medyo ok na yung daliri ko. Hindi ko pinahiran ng
gamot. Hindi ko rin nilagyan ng bandaid. Pero saglit lang gumaling na. Mahapdi
magtype noong una. Pero ngayon ay ok na uli. At masarap naman yung nalutong
ginataang kalabasa na may sitaw at hipon. Sabi nila pampalinaw daw ng mata ang
kalabasa. May nagsasabi na hindi rin naman daw totoo. Naniniwala ako na totoo
yun. Kung hindi man, masarap pa rin naman talaga ang kalabasa at sigurado akong
masustansya. Pano ako nakakasiguro? Sabi kasi ng mga eksperto. Pero hindi ko
naman talaga nakikita yung mga sinasabing nutrients. Nararamdaman ko naman ang
epekto. Pero di ako sure, baka kasi psychological lang sabi ng iba. Pero basta,
naniniwala ako na totoo yun. Gusto mo rin ba ng ginataang kalabasa? Don’t
worry, walang bahid ng dugo ng daliri ko yun.
Monday, October 7, 2013
Redefine Rewards
Companies should redefine their incentive
programs to avoid misunderstanding and disappointments. Majority think that bonuses
help produce better work from people. In reality, rewards and incentives affect
quality of work very minimally. Its
effect is only at the beginning. Then count the days and everything else will
be normal and most employees can’t wait for the next rewards period to come
while whining about how underpaid they are. Rewards should be redefined from something
given for a job well done to an incentive that goes with the freedom to do the
work that people like. That is assuming
that the work and the environment that the employees are in are decent and just
right. If not, then no rewards or incentives can make them stay and satisfied.
Subscribe to:
Posts (Atom)