Friday, December 4, 2020

Kamusta Ka Na Kaibigan?

Para kang dinadagukan ng sunod sunod. Tipong di mo pa naiaangat ulo mo para tingnan kung sino ang humampas, may hahampas na uling isa pa. Hanggang parang mamamanhid na lang ang ulo mo sa hampas, at yuyuko ka na lang. Ganyan na ang sitwasyon ng ilan sa atin ngayong taon.


A short message, an sms or a call. Kaibigan, may nangamusta na ba sa yo, or may kinumusta ka na ba? Sa mga tropa at barkada, kapamilya at kamag-anak, sa mga dating kasama. We've been in quarantine for too long, and some of us already learned to live with it and adjusted perfectly. Some are even enjoying it. But there are those whose personality, character, lifestyle and psychology are not fit for it.


I'm not even talking about those who have mental conditions. Even those who are not clinically depressed are affected by what's happening. We are not just facing the pandemic. We are facing joblessness, natural calamities, losing family members not just from covid, loneliness and other unfortunate situations. We can't even do those activities that were keeping us sane previously. Our releases like doing sports, playing and watching music with friends, going outdoors, socializing, and yes, even the usual work. Yes, we are able to do some of them now with certain limits, but it's still a different world out there. And these precautions are needed to be done though.

We can't control these things. But what we can do is to remind ourselves that we humans are social animals that need connection with our fellowmen no matter what circumstances we are in. Whether you are an introvert, an extrovert or in between, we all still need to connect with one another especially during these times. No judgement. No toxicity. All heart.

Kamusta ka na kaibigan? Ayos ka lang ba? Dito lang ako pag kailangan mo ng kausap.



Friday, May 29, 2020

Aral o Hinto Dahil sa Covid 19

"Ang hirap pumasok! Di lahat may sasakyan. Tapos di pa natin alam if sino ang may virus. Bakit pipiliting magtrabaho at makisalamuha sa maraming tao na di ko alam kung san nanggaling? Oo yung iba puede pa ring mag work at pumasok, pero paano yung mga mahihirap lalo na at walang sasakyan? Mapagiiwanan sila at magugutom. Kaya tama lang yan na wala na lang muna trabaho lahat."

Palitan natin ng salitang "pag-aaral" yung trabaho. Ano, ok pa rin ba yung tunog ng argumento?

Di ko sinabing papasukin nyo anak nyo. Di ko rin sinabing pahintuin. Di ko rin sinabing tama na walang pasok o mali na walang pasok. Ang tanong ko lang, tama ba yung rason mo na hilinging wala na lang talagang klase muna ngayong taon.

Ang pag aaral ay karapatan (sabi ng iba). Ito rin ay pribilehiyo (sabi rin ng iba). Pero ang realidad ngayon, hindi lahat ay nakakapag aral. May iba ay kulang sa kakayahan. May iba naman  choice lang nila. May iba naman e talagang di makapasa. To summarize, hindi lahat nakakapag aral. 

So ano ang bago? Bakit kailangang biglang ngayon, dahil di kaya ng iba na mag aral, e dapat idamay na natin ang lahat? Hindi ito pagiging  insensitibo, kundi pagiging positibo. Idadamay mo yung may kakayahan kahit hindi nila kasalanan na yugn iba ay hindi kaya? Isa pa, di ba paborito naman na "kasabihan" ng mga Pinoy yung mga patungkol sa mga "may pinag-aralan" at pagkatapos ay babanatan? 

At isa pa, bakit, sa eskwela lang ba puede matuto ang tao? Kayo rin ang may paborito nyang kasabihan na yan di ba? So ano ang kinakatakot at kinakagalit natin sa mga gustong mag-aral at may kakayahang mag aral? Choice mo naman yan sa anak mo if ayaw mo siya papasukin. Di ka namin pipigilan. Ang sa kin lang, sana pag isipan mo naman minsan yung sinasabi mo, at baka sunod ka lang ng sunod sa sinasabi ng mga iniidolo mo.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...