Amoy eleksyon na naman. At ito ang tamang panahon para
makapagbigay paalala sa ating kababayan tungkol sa pagboto. At hindi ako
magbibigay ng mga payo kung paano ang tamang pagpili ng iboboto. Siguradong marami
nang magbibigay niyan. At sa dinami dami ng nagpapaalala sa atin ng tamang
gawin, madalas ay nakakalimutan na natin ang mga hindi dapat.
Ilan lang ito sa mga naririnig natin na paulit-ulit sa marami
nating mga kababayan tuwing napapag-usapan kung sino ang kanilang iboboto sa
eleksyon. At ito din marahil ang mga
pangunahing dahilan kung bakit ganito pa rin kalala ang sitwasyon ng ating
pulitika. Bakit sila ang iboboto/o hindi natin iboboto?
1. “Sayang ang boto ko, di naman yan mananalo.”
Ginawa mong sugal ang boto mo. Dahil dehado, kahit tingin mo e ok naman,
hindi mo iboboto. Ngayon binoto mo yung kahit ayaw mo pero at least malaki
chance manalo. Ok congrats, panalo ka. Para kang tumaya sa karera ng kabayo o
sabong. Panalo ang tinayaan mo. Ano ngayon premyo mo? Ilang taon ka na bumoto
ng ganyan, malaki na ba napanalunan mo? O ganon pa rin sitwasyon mo?
Kaya bumoto ka ng pamilyar na pangalan. Sila uli, dahil sabi nga tutal may
napatunayan na sila. May karanasan na. At naranasan mo na rin ang hirap. At
marami rin may karanasan na sa pangungurakot, expert na. Mahirap nang hulihin.
hmm... |
3. “Di ko kilala mga kandidato. Bahala na sa makikita ko sa balota.”
Napakaraming mga web pages tulad nito na nagpapakilala sa mga kandidato.
Pag bibili ka ng cellphone, nagreresearch ka pa ng sandamukal at nagtatanong
tanong ka kung ano ang okay na bilhin. Naghahanap ka pa kung san ka makakamura.
Andami mong oras na nakalogin sa Facebook pero yung pagbasa man lang ng profile
at list ng mga kandidato online, di mo magawa. Tapos rereklamo ka ng kung sino
sino ang nananalo.
Hindi tamang manghusga dahil lang sa kadugo. Maaari itong makaapekto, sang ayon ako dito. Puedeng sa mabuti, puede ring sa masama. Pero
kung ito lang yung dahilan mo para iboto o hindi iboto ang isang
kandidato, ito ay tatak ng pagiging
bobotante.
Tulad ng dugo o lahi, ang trabahong pinanggalingan ay hindi dapat maging
kaisa-isang basehan ng pagboto. Hindi porke ganito o ganyan ang trabaho nila,
iboboto o hindi na sila ang iboboto. Puede itong maging batayan. Pero marami pang ibang puedeng gawing panukat
kasama nito.
Ok
lang yan, pero wag ka ring masyadong magreklamo. Dahil ang di mo pagboto,
katulad na rin yan ng pagsuporta mo sa taong ayaw mong manalo. Ang di mo pagboto, ay hindi direktang pagboto
sa kandidatong di mo gusto.
Kung may mga gusto pa kayong idagdag sa ating listahan,
ilagay nyo lang sa ating comments section. I-share nyo rin ito sa iba at ng
atin nang maiwasan at mabawasan ang pagiging bobotante sa susunod na halalan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
At dahil 2016 na, may dagdag na dapat. Tulad ng mga ito.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
At dahil 2016 na, may dagdag na dapat. Tulad ng mga ito.
7. “Sino ba yan? Never heard. Ano ba nagawa nyan?”
Ok, ok. Masyadong malawak itong statement na ito. At tama lang na itanong kung ano ang nagawa. Pero ang tanong, yung nagtatanong ba e alam ang trabaho ng posisyong tinatakbuhan ng kandidato? Baka naghahanap ka ng tulay o basketball court na pinagawa nya o kaya e kriminal na napahuli, e yun pala senador ang tinatakbo ng kandidato. Hindi kandidato ang problema pag ganon. At kung di mo kilala, bilang botante, kailangan mo rin magresearch.
8. “Di mo siya iboboto? Siguro supporter ka ng kurakot/kriminal/adik/magnanakaw/cronies/dynasty/pusher/etc”
Sana nga, black and white lang ang pagpili ng kandidato. Pero minsan, yung inaakala mong mabuti, siya pala ang kontrabida and vice versa. Ang dapat mo muna ring suriin ay ang sarili mo. Kung ano ba ang pinapaniwalaan mong tama. Kung ano ba ang basehan ng moralidad at karakter mo at mga plano mo sa buhay. Hindi yung porke tingin mo e matalino, mahusay at matapang ang isang kandidato, e siya na agad. Paano kung yung ginagamitan pala nya ng husay e kabaligtaran ng lahat ng pinaninindigan mo sa buhay? Baka magsisi ka rin balang araw.