Wednesday, February 27, 2013

6 Bobotante Guides para sa Eleksyon 2013


Amoy eleksyon na naman. At ito ang tamang panahon para makapagbigay paalala sa ating kababayan tungkol sa pagboto. At hindi ako magbibigay ng mga payo kung paano ang tamang pagpili ng iboboto. Siguradong marami nang magbibigay niyan. At sa dinami dami ng nagpapaalala sa atin ng tamang gawin, madalas ay nakakalimutan na natin ang mga hindi dapat.
 

Ilan lang ito sa mga naririnig natin na paulit-ulit sa marami nating mga kababayan tuwing napapag-usapan kung sino ang kanilang iboboto sa eleksyon.  At ito din marahil ang mga pangunahing dahilan kung bakit ganito pa rin kalala ang sitwasyon ng ating pulitika. Bakit sila ang iboboto/o hindi natin iboboto?



               1.  “Sayang ang boto ko, di naman yan mananalo.”  


Ginawa mong sugal ang boto mo. Dahil dehado, kahit tingin mo e ok naman, hindi mo iboboto. Ngayon binoto mo yung kahit ayaw mo pero at least malaki chance manalo. Ok congrats, panalo ka. Para kang tumaya sa karera ng kabayo o sabong. Panalo ang tinayaan mo. Ano ngayon premyo mo? Ilang taon ka na bumoto ng ganyan, malaki na ba napanalunan mo? O ganon pa rin sitwasyon mo?




          2.  "Wala pa naman silang napatunayan. Mga bago lang yan. “


Kaya bumoto ka ng pamilyar na pangalan. Sila uli, dahil sabi nga tutal may napatunayan na sila. May karanasan na. At naranasan mo na rin ang hirap. At marami rin may karanasan na sa pangungurakot, expert na. Mahirap nang hulihin. 

hmm...


           3.  “Di ko kilala mga kandidato. Bahala na sa makikita ko sa balota.”


Napakaraming mga web pages tulad nito na nagpapakilala sa mga kandidato. Pag bibili ka ng cellphone, nagreresearch ka pa ng sandamukal at nagtatanong tanong ka kung ano ang okay na bilhin. Naghahanap ka pa kung san ka makakamura. Andami mong oras na nakalogin sa Facebook pero yung pagbasa man lang ng profile at list ng mga kandidato online, di mo magawa. Tapos rereklamo ka ng kung sino sino ang nananalo.



            4.  “Boto ko tong anak/kapatid/asawa/pinsan ni kwan. Ok naman kasi siya kaya  malamang ok din itong kadugo niya.”. 


Hindi tamang manghusga dahil lang sa kadugo.  Maaari itong makaapekto, sang ayon ako dito.  Puedeng sa mabuti, puede ring sa masama. Pero kung ito lang yung dahilan mo para iboto o hindi iboto ang isang kandidato,  ito ay tatak ng pagiging bobotante.



            5.  “Artista/atleta/ekonomista/sikat yan, kaya iboboto/hindi ko yan iboboto.”


Tulad ng dugo o lahi, ang trabahong pinanggalingan ay hindi dapat maging kaisa-isang basehan ng pagboto. Hindi porke ganito o ganyan ang trabaho nila, iboboto o hindi na sila ang iboboto. Puede itong maging batayan. Pero  marami pang ibang puedeng gawing panukat kasama nito.



            6.  “Di na ko boboto, wala rin naman magbabago.”


Ok lang yan, pero wag ka ring masyadong magreklamo. Dahil ang di mo pagboto, katulad na rin yan ng pagsuporta mo sa taong ayaw mong manalo.  Ang di mo pagboto, ay hindi direktang pagboto sa kandidatong di mo gusto.



Kung may mga gusto pa kayong idagdag sa ating listahan, ilagay nyo lang sa ating comments section. I-share nyo rin ito sa iba at ng atin nang maiwasan at mabawasan ang pagiging bobotante sa susunod na halalan.



----------------------------------------------------------------------------------------------------------



At dahil 2016 na, may dagdag na dapat. Tulad ng mga ito.





7.  “Sino ba yan? Never heard. Ano ba nagawa nyan?”

Ok, ok. Masyadong malawak itong statement na ito. At tama lang na itanong kung ano ang nagawa. Pero ang tanong, yung nagtatanong ba e alam ang trabaho ng posisyong tinatakbuhan ng kandidato? Baka naghahanap ka ng tulay o basketball court na pinagawa nya o kaya e kriminal na napahuli, e yun pala senador ang tinatakbo ng kandidato. Hindi kandidato ang problema pag ganon. At kung di mo kilala, bilang botante, kailangan mo rin magresearch.

8.  “Di mo siya iboboto? Siguro supporter ka ng kurakot/kriminal/adik/magnanakaw/cronies/dynasty/pusher/etc” 



Sana nga, black and white lang ang pagpili ng kandidato. Pero minsan, yung inaakala mong mabuti, siya pala ang kontrabida and vice versa. Ang dapat mo muna ring suriin ay ang sarili mo. Kung ano ba ang pinapaniwalaan mong tama. Kung ano ba ang basehan ng moralidad at karakter mo at mga plano mo sa buhay. Hindi yung porke tingin mo e matalino, mahusay at matapang ang isang kandidato, e siya na agad. Paano kung yung ginagamitan pala nya ng husay e kabaligtaran ng lahat ng pinaninindigan mo sa buhay? Baka magsisi ka rin balang araw.







 

14 comments:

  1. Ang hirap dagdagan ng iyong katha dahil halos nabanggit mo naman ang mga pinakaimportante.

    Siguro lang 'yung utang na lood na part na kahit alam namang hindi karapat-dapat, hinahalal dahil sa personal na pabor na nakuha.

    Tss... Hindi talaga maganda ang sistema ng ating pulitika. Ang isa sa dahilan ay ang kawalan ng edukasyon ng mga botante.

    Naniniwala akong may pag-asa pa!
    Lalo na kung isasaisip at isasapuso ang mga nabanggit mo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy, maganda ang nabanggit mo na yan. Yung patungkol sa mga pabor pabor at utang na loob. Sige, idagdag ko yan sa part 2 ng list na ito. Salamat Senyor.

      Delete
  2. Yung sa #1 & #6, mejo guilty ako jan. May isang election period na akong pinalampas at di bumoto >_< dapat talaga hindi ganyan ang attitude ko.

    #5, I still remember binoto ko nung 2010 si Bong Revilla haha :D

    Kaya this 2013 eleksyon, magiging matalino na ako sa pagpili ng mga kandidatong aking ihahalal sa pwesto. Ang daming sources sa internet. Magbasa-basa para maging maalam sa iyong mga kandidatong napupusuan.

    ReplyDelete
  3. ganyan nga ang mentality nating mga pinoy tungkol sa pagboto.

    ayun , kailangan ko pla amgresearch kung sino ang deserving para sa boto. Wala p kong list hanggang ngayon.

    As in wala pa. hahah

    ReplyDelete
  4. Haay naku. Sa tingin ko naging guilty ako niyan nitong mga nakaraang eleksyon. Ngayong eleksyon 2013 babawi ako. Hindi na ako magpapaka-bobotante.

    ReplyDelete
  5. wow! I share the same sentiment! isa pang kinabubwistan kong naririnig ung,"Di na muna ako boboto, nakakatamad / anlayo ng presinto e" tapos sila pa ung pinakareklamador kung bakit di umuunlad ang buhay nila at ang Pilipinas...hay!!!!!

    ReplyDelete
  6. yung kababayan/hindi kababayan kaya iboboto/hindi iboboto... prominente ito sa mga ilokano/mga taga-tarlac. Nang tumakbo si Aquino sa pagka-Pangulo, mangilan-ngilan lang ang nasisiguro kong bumoto sa kanya galing ng Norte, pero, naging balwatre ito ni Sen. Bongbong Marcos

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabagay, isa pa po yan sa mga nagiging batayan ng ilang botante na di isinasaalang alang ang kakayahan ng kandidatong kanilang sinusuportahan.

      Delete
  7. napakagaling! maari ko ba itong irepost sa aking blog kaibigan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po. sige po, paki link back lang po dito yung repost. :)

      Delete
  8. Can I share this Blog entry of yours on my facebook page and to some of my friends too?? I would like them to be enlightened too Haha . More Power to you and your blog.

    ReplyDelete
  9. May nanggaya sa iyo oh... http://njaymaldito.wordpress.com/2013/05/08/bobong-botante/#comment-448

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...