Hindi ko na gustong isa-isahin pa ang maraming bagay patungkol dito. Pero bilang buod, ito na ang nangyayari ngayon. Ang taong gumagawa ng maraming mali, bulgaran, nagsasalita ng hindi maganda at walang pagtatangkang itago ang mga ito, ang tawag sa kanya ng marami ay totoong tao. At kung magsalita lang siya ng kahit isang patungkol sa kabutihan, papalakpakan na ng marami at lalong sasabihing totoong tao nga talaga siya. Marami pa ang iidolo at susundin ang kanyang ehemplo. Dadami ang pilosopo.
Pero kung ikaw naman ang isang tao na sa kabuuan ng buhay mo ay sumusubok na magtimpi, magpasensya, gumawa at magsalita ng mabuti at pagkatapos ay nakitaan ng kahit isa lang na di kaaya-ayang pagkilos, ikaw na ngayon ang pinakamasama. At lahat ng sasabihin mo ay di na kapani-paniwala dahil ikaw ay ipokrito. At sa kabila ng mabubuting gawa, siya na ngayon ang kasuklam suklam at pinakawalang kwenta at kabastosbastos na tao sa paningin ng marami. Wala na siyang gagawing tama at wala nang magtitiwala.
Gusto nyo ba ko magbigay ng example ng mga nasa itaas? Wag na. Alam nyo na kung sino o ano ang mga yan at paniguradong may naiisip na kayong halimbawa kung sino sila sa buhay nyo. At sana, di mo pagsisihin sa huli na kasama ka pala sa may ganitong pananaw.