Friday, February 28, 2014

Effect vs Reason



Thinking that things which happen in your life is always for a reason is a passive way of looking into it. Taking responsibility of what you do today will give you more control of its effect later. 

The “effect” mindset spells more accountability thus leads to a better managed future than passive “reason” thinking. Although to minimize errors on tomorrow’s plan will require the lessons you got from your experiences with the latter.

Monday, February 24, 2014

Challenge Everything

We were all gullible when we were kids. That coin trick your uncle performed on you was authentic in your young eyes. It can’t be faked. You know it was real but you have no idea how he did that. You just believed that it’s for real. And you wanted to get the secret. But then, uncle would hide the coin after doing it twice leaving you in awe and with overflowing curiosity. Then you took a coin yourself. You tried to duplicate the trick but failed. Your belief that it was real strengthened even more. You couldn’t do it so probably it was real magic after all.

Then you went out and told your friends about it. You swore to them that it’s true magic.  They got to believe you as you saw it done up close. And you couldn’t do it yourself no matter how you tried to imitate it.  Then one of your friends laughed at you, too loud that your face turned red in humiliation.  It is fake, he said. That was easy according to him. But you defended that it is not. It is fake, he repeated loudly. Then he explained how it was done and how your uncle tricked you. You still didn’t believe him. Then you gave him a coin and challenged to do it. And he did and was successful at first try. Then he laughed again. Then you just wouldn’t accept that he’s right. You said that it’s different. It was not the way your uncle did the trick. Then he did it again and laughed louder. Then you got angry and either you punched him in the face, cried like a baby or ran going home. Or maybe all of them. You just couldn't accept that you believed in something that was wrong. You know you were right.  You saw it and you know it. It’s different than what your friend did and said. But you thought, maybe he’s right. No, he couldn't be.



Every day, traditional and new media bombard us with facts and data. Numbers of books, magazines and articles are written on a rate higher than ever. To merely pick on which to listen, watch, hear or read is hard enough.  It’s like walking in a buffet restaurant where every type of food you can think of is there and you just have not enough appetite and time to taste all of them. You just pick anything without a clue. You don’t usually consider nutrition which is the most important. And who does that at buffets? You only choose which looks good and what seems delicious. It’s the same with how most of us choose the information we chew on. We take on what’s appealing, not on what’s important. We teach media to become more sensational, and media give us what we want.

There are always contradicting ideas. A lot of times we choose one without getting familiar with the other.  Ideas are supposed to be enticing and are always sold and packaged in glitter and gold to make you buy it. And then believe it. It will always be shown as something for a good cause.  Then it will feed you with more facts and data that support its genuine goodness and correctness. Who in their right mind would admit and show you right away the flaws of their idea? And they might be right on some, but there might be others out there which are more accurate. But sometimes, you are too lazy to look at the other side. Or too proud to admit you are wrong.  But wisdom could be found by challenging the things we know and the things which we believe is true then asking why and why not.  And if something is true, it will and can answer and defend on its own.  But it is still up to you to accept it or not.


I think Dave Grohl would be a great uncle


You went home and told your uncle about what happened. You asked him to tell you the truth. You said that your friend laughed at you and humiliated you. But you stood on what you believe. And your uncle laughed as loud as he can. He apologized to you though and said that he did not expect that you would believe so much in it. Then he showed how to do the trick. And it was exactly how your friend did it. He was right. But you can still remember the embarrassment. Your pride got in the way. And even if it’s your uncle who’s telling, you’re still in denial. There has to be a way. Someone might know how to do it like how you thought it could be done. You will still try. You wish and you hope against the glaring truth that maybe someday, you’ll be right.


Friday, February 14, 2014

Equal Love is Unequal Love



Love and demands are two things worlds apart. A starving mother will give food until the last piece to her hungry children. A husband will shield his wife and kids from danger even if it means harm on him. Teachers will be present in their classrooms at the lowest of salaries for their passion for work. A pet dog will wag his tail for his owner who comes two days after leaving him alone. An athlete will do his best to compete in his sport with or without proper support.  A man will wait for his lady. A lady will respect his man.




True equal love is unequal love. It will always want the best for the other party even if it means the worst for the giver. No demands. No expectations. No asking for anything in return. You just love. You just do.  And once you start demanding, then that's the end of love.




Wednesday, February 12, 2014

Hindi Ka Nagsusuot ng Helmet sa Pagmomotor Kung...




1. Sobrang guwapo mo at isang malaking biyaya para sa bawat tao ang makita ang iyong perpektong mukha.

Baka mas pogi ka pa kay Dingdong Dantes


2. Ang kalsadang dinadaanan mo ay gawa sa foam. 

Snake Road


3. Sisigaw ka lang ng "Shaider" pag mababangga ka na at magbabago na ang iyong anyo, mababalutan ka ng bakal at di ka na tatablan basta basta.

 
Alexis

4. Mas matibay pa ang ulo mo kesa sa mga nabibiling helmet.

Kahit wala nang helmet


5. Matindi ang allergy mo sa helmet na pag sinuot mo, isang minuto lang ay di ka na makakahinga at mamamatay ka na agad.
 
Henyo


6. Meron kang sungay kaya hindi magkasya yung helmet sa ulo mo.

 
Puede kang pacustomize

7. Sobrang hina ng kukote mo kaya di mo alam kung paano isuot yung helmet.

 
Hmm, teka

Yan lang ang naiisip ko at matatanggap kong dahilan kapag nakakakita ako ng mga taong hindi nagsusuot ng helmet kapag nagmomotor. Pero parang imposible halos mangyari ang lahat ng ito.

above the law?


Ibig sabihin lang e imposibleng di mo kailanganing maghelmet pag nagmomotor. Bukod sa bawal sa batas e pangunahing dahilan yung kaligtasan mo rin. Pero teka, posible pala yung number 1. Baka nga sa sobrang gwapo mo ay daig mo pa si Dingdong Dantes na naghehelmet samantalang ang iyong mukha ay kailangang makita ng madla at hindi matakpan ng sagabal na helmet. Pero hindi ba ang kagwapuhan mo ay mas lalong dapat takpan dahil baka lalong makapagdulot ng aksidente para sa mga nadidistract na motorista? Isipin mo na lang ang mapapatitig sa iyo, matutulala, mahuhumaling, habang tumatakbo ng matulin sa gitna ng highway. Kawawa naman sila di ba? Kaya please lang, magsuot ka ng helmet. 

Mahirap nang magaya dito.


Wag ka lang sanang maging kasama dun sa gumagawa ng krimen na riding in tandem kaya ka nagtatakip ng mukha. Ibang kaso naman yun.

Saturday, February 8, 2014

Tado Ka Talaga, Salamat



Sa dami ng mga makabagong uri ng panlibang at mga palabas na napapanood ngayon sa telebisyon, paano mo magagawang interesante ang isang programa na nagpapakita ng mga ginagawa ng mga karaniwang tao sa paligid tulad ng magtataho, factory worker, mananahi, panday, sepulturero, magbabalot, maglilitson at iba pang mga dinadaan daanan lang natin sa paligid sa araw araw?

Dagdagan mo pa ng host na hindi kilala ng karamihan, maliit na budget, kaunting gamit, at ilagay mo sa istasyon na maliit kumpara sa kinalalagyan ng mga naglalakihang artista ngayon.



At pagkatapos ay dadagdagan mo ng konting komedya para kahit papano ay hindi masyadong boring ang gagawing mga panayam ng hindi kilalang host na ito sa mga simpleng tao. At dahil konti lang ang mga aktor na puede mong paganapin at mga hindi pa sila kilala, may ilan sa kanila na gaganap ng iba’t ibang mga katauhan tulad ng doctor, taong grasa, nagbebenta ng dvd,  preso at kung ano ano pa. At sa gagamiting komedya, bawal yung panlalait na tulad na ginagawa ng karamihan ng mga bumebentang komedyante ngayon. Dapat wholesome, may konting kapilyuhan na tanggap sa lahat ng manonood at hindi nakakababa sa katauhan ng kinakausap. Tapos pupunta kayo sa mga sulok sulok ng Pilipinas na madalas na naman natin na napupuntahan tulad ng Baguio, Tagaytay, Cubao, Corregidor, Nepa Q Mart, UP, Sementeryo, Batangas, factory ng candy at ng taho, tindahan ng kubeta, etc.

At lagyan mo ng mga paulit ulit na eksena na irerecycle mo lang sa kada episode. Tingin mo bebenta ba ang ganyang set up? Makakakuha ba yan ng mga manonood kung ganyang labo labo lang yung mga ginagawa nyo at wala pang tinatawag na “star factor”?



Kung alam mo ang sinasabi ko, tama, nagawa na ito ng isang grupo ng mga simple pero talentadong mga tao na hindi pa kilala noong mga araw na yun.  Marami ang sumubaybay sa Strangebrew na isang palabas na kinabilangan ng mga bidang sila Angel Rivero(Erning) na ginampanan din ni Julia Clarete ng ilang episodes, Ramon Bautista (taong grasa, tindero, doctor, preso, etc), Jun Sabayton (Jestoni, kontrabida, etc), Arvin ‘Tado’ Jimenez (Tado) at ang direktor nila ay si RA Rivera

Ipinalabas ito noong early 2000s sa UNTV37 na noon ay pag mamay-ari pa ng NU107 na ngayon ay wala na rin sa radio. Nagkaroon ng cultlike following ang palabas. Halos lahat yata ng mga kabataang kilala ko noon ay alam ang palabas. At tipong kahit ilang beses ipalabas sa maghapon ay papanoorin mo pa uli. Maging ang mga magulang ko ay natatawa sa palabas na ito. Informative kasi nakikita talaga yung mga ginagawa ng mga karaniwang tao. Nakakatawa kasi natural ang humor ng lahat ng karakter sa palabas. At walang iniinsulto. Parang luma ang dating pero bago. Parang laos na pero nasa uso. 

Dahil sa palabas na ito, marami akong kilala na nag-alaga ng cactus (isa na ko dun at pinangalanan ko rin siyang Joan), gumamit ng shorts na American Flag ang design pangswimming, ginustong magpunta sa Baguio at maghanap ng buko pie (at ang isa sa pinuntahan ko ay yung tinawag ni Tado na Rizal Park Baguio City Branch) at pagkatapos ay kumain doon ng pagkaing hinahanap hanap na pandesal lang pala (na walang bromate daw dapat), bumili ng balisong, kumain ng taho at balot, ng candy, bumili ng pastilyas, ng mga binurdang tela at kung ano ano pa. Pilipinong Pilipino ang palabas pero hindi pilit. Para kang nanonood ng mga taong lasing na nag uusap. Pero matatalino. Pero hindi halata. Na binubuka na pala ang kaisipan mo sa karaniwang bagay, lugar at tao na di mo pinapansin pero interesante pala at bumubuhay pa sa maraming tao.



Hanggang sa hindi na nasundan ang tatlong season. Paulit ulit na yung episodes pero pinapanood pa rin namin. Hanggang sa mawala na nga sa ere ng tuluyan kasama ng pagkawala ng UNTV37 sa pag mamay ari ng NU. Ito ang naging dahilan para mapansin at magkaroon ng career sa mainstream sila Jun, Angel, Ramon at Tado. Si Ramon ang isa sa pinakavisible sa kanilang tatlo. Si Angel sa radio at hosting, si Jun sa ilang palabas sa TV, at si Tado naman ay naging aktibo di lang sa showbiz kundi pati sa mga social activities na may kinalaman sa kalagayan ng ating bansa.

At kahapon nga ay binigla tayo ng balita na si Arvin ‘Tado’ Jimenez ay pumanaw na kasama ng ilan pa sa naaksidenteng bus sa bandang Mountain Province. Bilang isa sa advocate ng paggamit ng bisikleta at pagkakaroon ng bikelane sa lugar nila sa Marikina hanggang Antipolo para sa mas maayos na kalsada, nakakalungkot isipin na sa paraang ito pa siya mamamatay. Noon ay naging aktibista si Tado kahit nung estudyante pa lang siya sa PUP na siyang pinagtapusan ko ring pamantasan. Limang taon daw niya kinuha ang psychology kasi minaster niya maigi ang mga subjects. Nung napasama siya sa mga banda banda ay dun nagsimulang makita ni Tado ang kanyang kakayahan sa harap ng camera. Nagkaroon na sya noon ng ilang mga indie clips bago pa man nagkaroon ng Strangebrew. Madalas din siyang kasama sa mga music videos ng mga banda tulad ng Parokya ni Edgar at ng Radioactive Sago Project.  Sa kabila nito ay patuloy siyang naging aktibo sa mga adbokasya niya tulad ng patungkol sa kalikasan at paglaban sa korapsyon.  



Bilang ama, tinataguyod nya ng maayos ang pamilya nya ayon na rin sa mga kaibigan nya. Kung konti man ang proyekto niya sa showbiz, meron naman siyang negosyo na Limitado shirts. Ayon na rin sa mga kilala ko na malapit sa kanya, madalas siya na nakikitang kasama ng pamilya at nagsisimba pa nga. Ang mga anak niya ay matatalino at may honor pa nga sa eskwelang pinapasukan. At pag nagpapaayos siya ng kanyang auto (na Volkswagen talaga sa tunay na buhay) sa isa sa mga lugar malapit sa min at napakasimple at seryosong tao niya raw at kaiba ito sa nakikita ng mga tao sa telebisyon na para lang loko loko na siraulong adik. Tanggap ni Tado malamang ang persepsyong ito sa kanya ng tao, lalo kung ito naman ang kabuhayan nya at kinabubuhay ng pamilya nya. 

At ngayon nga ay wala na siya. Iba iba ang pagkakakilala natin sa kanya. Hindi naman tayo lahat ay nakalapit sa kanya. Pero sa mga nakita at napanood ko sa kanya, masasabi kong sayang talaga. Apektado ako sa pagkawala nya dahil sa panahong magulo ang buhay ko, isa siya sa nagbigay ng mga ideya kung paano ang pagiging malikhain. 

Alam mo Tado, sa ilang paggawa ko ng videos noon nung aktibo pa ko sa editing nung nasa dati akong trabaho, ito ay hango sa kung ano ang ginagawa nyo. Sa ilang humor na sinisingit ko sa mga ilang sinusulat ko noon pa o kapag nagbibigay ako ng talk, dahil yun sa kung paano ko nakita na epektibo ang wholesome humor nyo.  Maraming bagay ang sinubukan at ginawa ko kasama ng ilang kaibigan dahil sa napanood namin sa inyo. Isang new year na unforgettable nung binata pa ko na nakinig kami ng mga barkada ko sa radio drama nyo na talagang patok na patok (featuring neneng, ang babaeng patapon na nahawakan sa tuhod, napariwara na).  Yun yung panahon naman na nagreunion kayo sa radio bilang BREWRATS (Brew Ramon Angel Tado Show). At nawala na rin yun kalaunan.



Iba talaga ang dating ng grupo nyo. At kahit nga nagkahiwa hiwalay ay marami pa ring narating ang bawat isa sa inyo. May nagsulat ng libro, may nagdidirect, may naghohost ng mga palabas, may mga shows at may mga kung san san na nga nakarating. Pero ngayon, ikaw ay wala na. Hirap talaga isipin. Di nga ko makatulog kagabi. Naisip ko rin kasi yung kalagayan mo. Paano rin kung sa kin nangyari yun? Maliliit pa ang anak mga ko. Kahapon lang malakas ka pa tapos ganon na lang ang bigla, wala talaga tayong control sa buhay. Nakakagulat pero nangyayari talaga yan. Sabihin na nating maiiwasan sana ang nangyari sa inyo kung may ilang tao na ginagawa ng maayos ang kanilang trabaho. Pero wala, sisihan pa rin ang mangyayari. Ilang beses ko na rin sinulat dito sa blog ko ang galit sa mga ganyang uri ng pangyayari na dala ng kapabayaan ng ilan. Pero wala, ganon talaga. Matitigas ulo natin. Pero ikaw, hanggang huli, bago ka mamatay ay may balak ka pa ring gawing mabuti sana para sa maliliit na tao na tulad natin. Pero dyan na rin pala matatapos ang buhay mo. Di bale, panigurado naman na di pababayaan ng Diyos ang pamilya mo at nandyan pa ang mga kaibigan mo. Sana tuloy tuloy pa yung Limitado shirts at bibili talaga ako.



(Warning: Ang susunod na mga linya ay para lang sa mga nakakaunawa at sumubaybay sa mga palabas ni Tado nung nabubuhay pa siya. Kung hindi, wag mo sanang maisip na adik ako.)

So once again once more, salamat DJ Tado. Sa tinagal-tagal ko nang sumubaybay sa inyo, napaibig na ko sa maraming bagay at marami na ring tao ang gusto kong baguhin ang ugali. Buti na lang, yung gamit kong laptop ay may pula, asul at green na mga wire at may serial number pa para makatiyak sa aking kaligtasan. Noong tumakbo kami sa student council sa department namin nung college, ginamit namin ang isa sa mga bukambibig mo noon para gawing party name. Yun ay ang ASTIG. Short for Alliance of Students Towards the Institution's Growth. Astig di ba? Kaya nanalo kami halos lahat, isa lang nalaglag sa partido. Pero minsan, alam mo ba na gusto ko ring mamitas ng kaimito habang pinapapulot ang sabon sa motor.  Kaso nung bumili ako, nahirapan akong tumawad sa presyo, P 46.50 na nga, naging P 500 pa. Mabuti pa siguro eh magrelax na muna ako ngayon at kakain muna ko ng masusustansyang pagkain gaya ng Oishi prawn crackers at mga prutas gaya ng Juicy Fruit at mango juice. Etong huling paragraph, wala to, wag mo pansinin. Mga brewsters lang ang makakaunawa nito, mapa laking aircon man o laking electric fan sila, magegets nila ito. Ke mahilig man sila sa papaya o sa marang, pareho lang ang epekto. Lahat kami malungkot. Kahit pa kasing self-centered ko sila dahil minsan na rin akong nasabing literate guy ni Angel sa radio dahil nakaka YM ko pa siya noon at hindi pa uso ang FB kaya sa friendster ko nakausap si Ramon nung di pa sikat at tinanong ko siya kung si Jun Sabayton nga ba ang nakasabay namin noon papuntang Galera sa bangka. Pero kahit illiterate na Brewster, wala naman ding problema.  Enjoy lang sa byahe Tado. Pagdadasal ko ang kaluluwa mo at ang kalagayan ng pamilya mo. Marami ka nang natulungan at napasaya kaya ka siguro pinagpahinga na ni Lord. Ayos lang yan. Ganyan talaga. Sabi mo nga, una una lang yan, susunod din yung iba. Wag muna ako. Oki? Pagdadasal ka namin dito Tado. Para sa iyong kaluluwa at para sa hustisya. At pagdating mo dyan sa taas, pagdasal mo rin kami dyan. Astiiiig. Tama!


LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...