“Sugod mga kapatid!”. Pag narinig natin ang mga salitang
yan, ang pumapasok agad sa isip natin ay si Gat. Andres Bonifacio. Minsan ang
bandang Sandwich pero madalas si Bonifacio talaga. Pero hanggang ngayon ay
pinagtatalunan pa rin kung ito ba talaga ang sinigaw ng ating magiting na
bayani noong panahon ng Katipunan. Imagine, gyera at ang magiting at matapang
nating bayani ay sisigaw ng “Sugod mga kapatid”. Machong macho sabay ang itatawag sa mga kasama
sa gyera ay “kapatid”. Sabi nga ni Prof. Ambeth Ocampo, malamang lamang ay na-censored lang ang mga textbook sa mga eskwelahan at ang
isinisigaw ni Bonifacio noon sa gyera ay ang mga salitang malutong na nagsisimula sa
letter “P”
|
Etong astig na mamang ito ba ang mukhang sisigaw ng "Sugod mga kapatid"? |
Pero malamang lamang, hindi lang puro “SUGOD” ang
binabanggit ni Bonifacio noon. Dahil bago sila sumugod, pinagusapan muna nila ang
plano ng kanilang pag-atake. Detalyado. Hindi basta sugod ng sugod. Tipong pagsigaw nya ng sugod, di na nila alam ang gagawin. Panigurado, deads silang lahat nun. Tulad
ngayong eleksyon, dapat lang na ang bawat kandidato na nangangampanya ay hindi
puro slogang walang laman lang ang binabanggit. Hindi puro big words. Dapat ay may detalyadong plano kung paano
nila gagawing posible ang lahat ng nilalaman ng plataporma nila. Hindi puro
motherhood statements lang na masarap pakinggan. Hindi dapat fairy tales lang
ang kampanya, tulad ng mga ito:
1. Pabababain ang mga Presyo - para bang may magic
wand ang mga pulitiko na pag nanalo sila, dyaraaan! Mababa na ang presyo. Pero
sino ba ang nagdidikta ng presyo? May kapangyarihan ba ang presidente, senador,
congressman, gov, mayor, councilor, kapitan, kagawad, o kung sino pa para
magpababa ng presyo ng isang negosyante? Ayun, ang negosyante pala ang may
kontrol.
Pero syempre, hindi naman puedeng magbaba ng presyo basta basta ang mga
businessmen dahil kailangan din nilang kumita at mabuhay kasama na ang mga
empleyado nya na sumusueldo at nabubuhay din sa kanilang kinikita. At marami sa
businessmen ang yumayaman din naman talaga at umaabot na nga sa estado na sila
mismo ang nilalapitan ng ilang pulitiko para suportahan ang kanilang
kandidatura. Alam naman nating lahat kung gano kalaki ang pondong kailangan
para tumakbo at manalo ang isang kandidato. Kaya marami sa mga kandidato ang
malaki ang utang na loob sa mga negosyante.
Kaya kung maniniwala tayo basta basta na mapapababa ng mga nangangako ang
presyo ng bilihin pag nanalo sila, lalabas lang na uto uto tayo. Hindi
ganon kasimple ang pag papababa ng presyo. Unless gagawa sila ng batas para
maghigpit sa biglang pagtaas ng mga presyo, paglaban sa monopolies, pagbibigay ng
patas na karapatan at mas mabilis na proseso sa lahat ng gustong magtayo ng
negosyo, siguradong hindi mangyayari ang pagbaba ng presyo. Pero kung ikaw ay isang
mayamang negosyante, magpapasok ka ba ng pondo sa kandidatong magpapahina ng
pagpasok ng kita sa yo? O kung ikaw naman ay pulitiko, maglalakas loob ka bang
gumawa ng batas laban sa mga potensyal na magpopondo para sa kandidatura mo sa
susunod na halalan?
2. Tatapusin ang kahirapan – Tinanong nyo ba sila kung paano? Ang
sarap pakinggan ano. Pero ganito lang yun. Kung salita lang at wala silang
konkretong plano kung pano ka iaahon sa kahirapan ng mga pulitiko, joke lang
ang lahat ng yan. At kahit pa magaling ang nagpapatakbo ng gobyerno at tamad
tamad ka naman, wala rin. Kaya pagdating dito ay magtutulungan tayo ng gobyerno. Hindi sila lang,
hindi ikaw lang. Pero minsan ok lang kahit ikaw lang. Marami naman ang umaahon
ng hindi umaasa sa tulong ng gobyerno. Pero mas ok sana kung may mga polisiya
ang gobyerno na mas mapapadali ang buhay ng Pilipino para makaahon. At hindi
kasama sa mga polisiyang ito ang CCT o conditional cash transfer. Wala pa sigurong nakaahon sa kahirapan sa
kakarampot na pera na binibigay ng gobyerno sa ilang pamilya para lang mairaos
ang kanilang pang-araw araw lang na gutom.
|
Abrakadabra, maging Forbes Park ka! |
3. Magpaparami ng trabaho – Connected ito sa
number one. Unless mag papalabas ng mga bagong polisiya na magpapaluwag ng
buhay sa mga gustong mag negosyo foreigner man o pinoy para mas lumaganap din
ang kompetisyon, malabong mangyari ito. Kung may maayos na kompetisyon, mas lalago ang mga negosyo at mag-gegenerate din ito ng mas maraming
trabaho. Puede ding may mga malugi at magsara sa kompetisyon. Pero kahit ngayon naman meron na
e. Pero marami rin sa mga nalulugi at nagsasara ngayon ay dahil na rin sa
polisiya at patakaran ng gobyerno na naghihigpit masyado sa mga negosyante lalo
na sa mga maliliit. Kaya mas hirap silang maka survive. Pero kung mas maluwag na
polisiya, mas gaganda ang takbo ng merkado, mas dadami ang trabaho. Balik tayo sa number 1, may mga malalaking negosyante na nagpopondo sa pagtakbo
ng ilang kandidato. At ayaw nila ng kompetisyon.
4. Para sa kabataan, kababaihan, etc – O para sa mga
hayop, mga puno at pati lamang lupa. Marami ang basta ma-attach lang ang
pangalan sa mga adbokasya pero kung susuriing maigi, e wala naman pala talagang
plano para sa mga sektor na ito na binabanggit nila. Para lang mukhang mabango,
aktibo at makakita ng kakampi nila, sasabihin nila na advocates sila ng ganitoat ganyan.
Mas magandang tingnan kung ano ba sila bago tumakbo at kung talagang may
ginagawa sila para sa sektor na ginagamit nila sa kampanya.
|
Victim of "global warming"? |
5. Gumanda ang ating lugar sa panunungkulan ko – Unang una, hindi po
natin yan utang na loob sa kanila. Ok lang na banggitin nila pero hindi para
kunin nila ang lahat ng credit. Mas lalo na pag nilagay nila ang mukha at
pangalan nila sa lahat ng proyekto nila. Kaya sila tumakbo dahil ginusto nila
yan at trabaho nila yan. At kung may naitayo man, naayos, naipamigay, hindi
galing sa bulsa nila yan. Bawat kusing na ginagastos ng gobyerno ay sa tin
galing. Sa buwis na binabayaran natin. Pati yung sinusuweldo nila. Pati na rin
yung perang… alam nyo na yun.
Ilan lang ito sa mga “fairy tales” na binabanggit ng mga
pulitiko tuwing kampanya. Marami pang iba. Pero may ilan naman sa kanila na may konkretong
plataporma. Mahirap lang silang hanapin kasi kadalasan ay sila pa ang hindi napapansin. Dahil siguro wala
nga silang taga-pondo kaya di natin sila masyado maririnig at mapapanood. At wala rin silang apelyidong kilala na ng
mga tao.
Yung salitang binabanggit ni Bonifacio na nagsisimula sa
letter “P”, eto rin yung madalas na mabanggit ng marami sa tin pag may
kinakagalit tayo. Eto siguro yung nasigaw ko nung nabangga kami ng Jeep at
tinakbuhan kami. At malamang, etong “P” na ito pa rin ang masabi ko kapag
nanalo pa rin yung mga pulitikong puro fairy tales lang ang pinagsasasabi at
pinaggagagawa ngayong kampanya.
Potek.