Tuesday, June 25, 2013

Forget About Yourself To Perform Your Best

I don't consider myself a writer. I write. But calling myself a writer, for me is a disrespect to those who do writing seriously and professionally. Those people who studied, learned and practiced the art of writing for a long time, they deserve to be called a writer. Not everyone who became famous writers though went through the same path I'm talking about. But I'm sure that they still earned their way to where they are now. It's not that they just wanted to write one time and then they already became what they are now. They still started from somewhere low.  That's why I have this high respect for them.

But even if I don't consider myself a writer, I still created myself some rules to follow.  I might share them later since I think they are helping me. But before listing them all, I would like to emphasize on that one which I find very important in creating my contents. It's my rule on forgetting about myself. 

I read a lot. Not just the works of others but also what I wrote in the past. I notice that there are some of which I remember clearly the time I was working on them. But for some, it seems like I'm reading the works of another person. I don't even remember what was going on when I wrote it. I totally forgot that I even thought of that idea. It's like reading from someone who can express his idea better than me.I admire that person. That's not me. No, I'm not boasting. I just don't know how I did that and I don't know if I will be able to do something like that again.

We all have this kind of moment. It's not just in writing. It can happen in anything we do, like in sports. I know some of you can relate to this. When we are too much into the game, we usually perform better. It's like we're possessed and we're just doing anything right. After the game, you try to think how you were able to do that.

Then on the next game, you try to replicate what you did. Being conscious about it, most of the time you fail. And a lot of times you fail badly. The difference is that during the time you performed better, you were focused on the game itself. While on the next instance, you're concerned about yourself and how you will look like to the other people. It's the same thing in everything we do. It's either we focus on the idea of what we're doing or we're thinking about how we do these things. And the first one is where we forget about ourselves and immersing our mind into what we're doing. 


This is where usually our best performances come out. Sounds easy but considering our little own narcissistic tendencies, it's not that simple. It requires practice. And a lot of it. I know because I am still very far from it. I still need tons of practice to do to totally forget about myself when I do something.


And that's why, I can't call myself a writer. Not yet. Or maybe never at all. But for now, what's important is I am writing. And I guess, that's what matters now.

Wednesday, June 19, 2013

Dealing With Traffic Woes (PUV Terminals Scheduling System)



Hirap na hirap akong pumasok sa trabaho araw araw. Hindi ang trabaho ang dahilan kundi ang pagpasok mismo. Panigurado na kung ang trabaho mo ay nangangailangan ng byaheng mahigit isang oras papasok at pauwi, naiintindihan mo ko.  Parang lagi na lang tayong nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga bumabyaheng pampublikong sasakyan. Sa mga terminal pag tinanghali ng gising ang ilang tsuper o kaya ay ayaw bumyahe dahil marami raw nanghuhuli, wala tayong magagawa. O kaya naman pag sinabing kakain muna sila na kailangan naman talaga nila pero di ko maintindihan bakit kailangang sabay sabay pa minsan, maghihintay na lang tayo. Masaklap pa pag nagstrike sila, wala na talaga tayo magagawa. Minsan naman, naibababa ka sa kung saan saan. Tipong isa o dalawang kilometro pa ang layo sa bababaan mo pero sasabihin ni manong drayber sa yo na hanggang dun na lang sila kasi matrapik na masyado. We are at their mercy.

Kung susumahin natin lahat ng oras na nasasayang sa bawat empleyado at estudyante na sana ay nagagamit sa mas makabuluhan tulad ng trabaho, pag-aaral o kaya e kahit pag-relax relax lang sana na kailangan ng bawat isa sa atin, baka matagal nang umahon ang ekonomiya ng bansa. O baka hindi rin. Pero malamang ay malaking tulong. Kokonti ang pagod, nagkakasakit at mainit ang ulo. Aminin na natin, bukod sa traffic mismo sa kalsada, pati yung tagal sa pagsakay ay kasumpa sumpa na talaga sa ating bansa.

Ituloy na natin sa usapang terminal. Tulad ng nabanggit, kadalasan ay clueless tayong mga pasahero sa mga pilahan kung may darating nga bang mga sasakyan o wala. Madalas ito mangyari sa pilahan ng mga shuttle or FX taxi. Pero minsan ay ganon din sa mga jeep. Mga papasok ng opisina na nakatayo ng 2 oras halos araw araw ang eksena. Nagdadasal na sana ay dumating na ang susunod na masasakyan nila. Minsan ay suerte dahil maraming dumarating. Minsan naman ay malas dahil talagang ilang oras na ay wala pa rin.  Walang consistency. Nangangapa ang lahat. Minsan pati bantay sa terminal ay wala ring maisagot. O kaya ay wala talagang paki. Parang normal na lang na masayangan ng oras ang mga nakapila.  
May mga samahan naman sa mga terminals, may mga officers, may mga meetings na nangyayari. May mga butaw o yung funds nila. Pero bakit parang walang pagbabago at lumalala lang ang sitwasyon? May iba pa na mga drivers na para bang ang trato sa pasahero ay mga commodities na lang. Wala nang respeto. Alam ko kasi marami na kong karanasan sa kanila. Pero marami rin naman sa kanila ang mababait at talaga namang mararamdaman mo ang serbisyo at pagrespeto ng ilang drivers sa pasahero. Pero marami na talaga ang hindi.

Kaya pag ayaw nilang bumyahe dahil maraming nanghuhuli o kaya pag traffic, di muna sila bbyahe talaga kahit nakikita nilang dalwampung dipa mahigit ang pila ng taong naghihintay sa kanila. O kaya naman pag may okasyon halimbawa ay fiesta, kinabukasan ay marami sa kanila ang hindi bumabyahe dahil nalasing nung gabi. Pinaparinig pa sa pasahero ang mga kwentuhan. At marami pang dahilan at palusot para di sila bumyahe pag di nila gusto. Sabagay, kikita pa rin naman sila dahil andun ang pasahero, walang magagawa, walang pagpipilian. Magiintay at magiintay sa kanila at pipila at pipila pa rin. Sa kabila ng pagiging public service ng PUVs, marami sa mga drivers ang di nakakaunawa dito.

Ang solusyon dito marahil ay isang simpleng proseso lang na puedeng hawakan kung hindi ng DOTC ay ng mga local na gobyerno. Ang pagpaparehistro ng mga terminal at pag papaaccredit sa pamamagitan ng pagbibigay ng listahan ng mga units na bumabyahe at pag-aassign ng schedule na kung saan, masisiguro na kada oras ay may mga babyaheng mga units para sa mga pasahero.

Ganito lang, sabihin na natin na sa isang terminal ay may  average na 30 units per day na bumabyahe. Ang buhos ng pasahero sa umaga normally ay mula 4AM-8AM. Yan yung mga pang-umaga na mga pasahero papasok sa kanilang mga trabaho at eskwela. Sa ngayon, walang sistema kaya ang nangyayari, yung mga may pasok ng 6,7,8, sabay sabay dumadating halos sa pila. Tapos minsan mauuna pa makasakay yung ang pasok ay 8 pa kesa dun sa pang 6 am. Tuloy, marami sa kanila ang dumarating ng sobrang aga sa office at marami ring dumarating ng sobrang late. Tapos yung mga shuttle, sabay sabay din dumarating. Minsan sila din nagkakaunahan kaya pagdating naman ng iba sa terminal, antagal nila na nag-aantay dahil yung susunod na buhos ng pasahero naman ay yung mga may pasok ng tanghali.  Hindi nagmamatch dahil pareho nagkakapaan at naguunahan. Andaming oras ang nasasayang sa magkabilang panig.


Kung ang gagawin ay yung 30 units hahatiin sila sa every 30 mins na takbo. From 4AM-8AM, every 30 mins ay may nakaschedule nang unit na tatakbo. Sabihin na nating 5 units every 30 mins.  Sa ganitong paraan, mas matatantya ng pasahero ang oras ng pagpila at nakakasiguro sila na may dadating unlike sa ala tsamba na minsan dumadating ng sabay sabay minsan naman ay sabay sabay ding wala. At ang mga drivers din, magkakaroon sila ngayon ng disiplina. Magiging mas professional na ang dating nila dahil sa schedule na susundin nila, hindi sila basta basta puedeng mawala. Kailangan nila magpaalam sa kasamahan nila kung di sila makakarating sa schedule nila o kung di sila makakabyahe. Puedeng magparelyebo. Kung hindi sila babyahe din sa isang araw, magfa-file din sila ng “leave” para alam ng terminal kung may isisingit ba silang ibang unit para kunin ang schedule nila.


Example ng Schedule. Free ay para dun sa non-rush hour. Kumbaga, free for all drivers.


Sa example, kung kulang man yung 30 units para icover yung every 30 mins, kung masusunod ang schedule ay paniguradong nakabalik na uli yung mga naunang bumyahe sa terminal pagdating ng kasunod na cycle. At sa ganitong paraan, sa Rush Hour lang maghihigpit sa cycle ng mga bumabyaheng mga sasakyang. Sa patay na oras, nasa mga drivers na kung sino ang gustong dumirediretso sa pagbyahe. Tutal naman sa ganitong oras, normally ay nagpupuno na lang ang mga shuttle sa pila habang nakapahinga sila doon. Paniguradong may masasakyan ang mga pasahero. Ang problema lang minsan ay sobrang tagal din talaga bago mapuno at madalas na talagang pupunuin pa ang 20 mahigit na pasahero bago sila umalis. Sa ibang post na natin ito itatackle. Pero itong suggestion ko, malaking bagay ito para maging consistent at hindi nangangapa ang mga pasahero kung may dadating ba na sasakyan o wala. At magiging sagot pa ito sa problema sa mga drivers na babyahe lang pag gusto na nila kahit pa napakahaba na ng pila o pag tinamad ay di na bbyahe. Malaking bahagi ng kanilang serbisyo ay nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa kaya marapat lang na magkaroon ng maayos na sistema ang mga pilahan/terminal ng mga PUVs. Kung susundin itong schedule sa pilahan, maraming advantages ang ating makukuha. Ito lang ang ilan.

1.       Maiiwasan ang matagal na antayan ng pasahero o ng mga drivers dahil sa schedule na meron sila. Mas planado na ngayon ang oras ng pagdating ng tao sa pila pati ng mga sasakyan. Hindi na maghuhulaan.
2.       Makakatulong din sa pagbawas ng mga bumabyahe sa kalye. Imbes na sabay sabay, may oras na ang buhos ng sasakyan. Kung lahat ng terminal ay susundin ito, malaki ang magiging impact nito sa daloy ng trapiko lalo kung rush hour.
3.       Maraming oras ang matitipid mula sa nawalang oras sa pagpila ng tao at pagkaipit sa trapiko. Mas magiging relax ang mga tao at mas magagamit sa kapakipakinabang na bagay ang mga oras.
4.       Magkakaroon ng disiplina at kaayusan ang mga drivers bilang tunay na professionals sa kanilang trabaho at serbisyo sa tao.
5.       Magiging mas kontrolado ng local govt/DOTC ang mga terminals upang mabantayan ang mga hindi disiplinadong mga pampasadang sasakyan.
6.       Mas mamomonitor ng mga officers ng terminal ang buhos ng tao at daloy ng trapiko. Mas mapag-aaralan nila at malalaman nila kung kelan sila dapat magaccomodate ng mga bagong units sa kanilang pila. Mag bubukas din ito ng oportunidad sa mga gusto pang magnegosyo sa public transport.


At marami pang magagandang bagay ang maaaring mangyari pag ginawa natin ito. Alam ko na marami ring disadvantages ang puedeng mabanggit ng iba pero di ko na sinama ito sa post ko. Panigurado na ano man ang disadvantages na ito ay hindi dahilan para hindi tayo gumawa ng paraan para di bumuo ng sistema para sa ikabubuti ng ating PUV transport system.  Hindi perpekto ang aking suhestyon at marami pang puedeng baguhin diyan. Pero ok sana kung tingnan ito ng kinauukulan at subukang gamitin o dagdagan at baguhin man nila ang ibang bahagi, ok lang din. Nakakapagod naman talaga. Ito kasi ay problema natin sa araw araw na parang wala naman tayong ginagawa para masolusyonan. Baka ito na ang oras. Tingin nyo? Ishare nyo rin itong post na ito, i-tag o iforward nyo sa DOTC, MMDA, LGUs o kung sino man tingin nyo na makakatulong pagdating dito. O kaya naman, kahit di pa sa gobyerno ay iimplement na ito ng mga terminal na nakakaunawa sa hinaing ng mga pasahero. Puede nilang simulan na sa kanilang mga terminals ang ganitong paraan. Sana naman ay may makinig. Sana. Nakakasawa na  din talaga e. Kayo ba di pa nagsasawa?



Tuesday, June 18, 2013

Captcha-ing No More

Recently, without touching my blog settings, captcha was enabled. Or was it from the beginning and that I just didn't notice? 

Oh well. I know that it's annoying. Apologies for that.  You can now start typing in your lovely comments without the hassle of reading the unreadable. Thanks for the visit guys.

Monday, June 17, 2013

Dealing With Traffic Woes (Taxi Meter Simulation Phone App)

Apat at kalahating oras na pagmamaneho. Hindi yan papuntang probinsya para mag-out of town gimik o bakasyon. Yan ang nangyari sa akin nung isang araw nung sinundo ko ang asawa ko galing sa opisina. Mula Libis, papuntang Ayala tapos pabalik ng Antipolo. Ganon katindi. At masuerte pa kami dahil walang dinaanang baha. At mas blessed pa dahil kahit papano may sasakyan kaming sarili ng araw na yun at hindi nastranded tulad ng iba pang commuters. Pero lahat ng yan ay nararanasan pa rin naman namin dahil mas madalas na magjeep at mag bus pa rin naman kami papasok sa trabaho.

Bukod sa traffic, lan pa sa dinaranas natin ay ang mapagsamantalahan ng ilang masamang loob. Hindi ang mga holdaper o mandurukot pero kasama na rin sila. Lalo na pag ganitong panahon. Yung mga holdaper na nakahawak sa manibela. Maramin pa rin namang mga manong tsuper na mababait at tapat sa serbisyo pero marami rin sa kabaro nila ang mapagsamantala. Mga Taxi na mabilis pa sa takbo ng kotse ni Schumacher ang metro, mga pedicab at tricycle driver na daig pa ang limo chauffeur ang bayad sa serbisyo, mga jeepney na mahilig mag cutting trip at kung anu-ano pang panlalamang na tayong mga pasahero ang madalas na kawawa.
Nakakasawa na nga minsan at parang immune na tayo sa problemang trapik. Para bang normal na at wala na tayong magagawa. Kaya nga sa Pinas, pag sinabi mong "Traffic", ang ibig sabihin agad ay masikip na kalsada imbes na yung mismong paggalaw ng mga sasakyan. Pero wala na nga ba tayong magagawa? O wala na lang din talaga tayong planong gumawa?

May mga ideya akong naiisip na baka kung sakali, makaabot sa kinauukulan o sa may kakayahang isakatuparan ang mga ito para gamiting solusyon sa mga problema natin sa trapiko. Ito ang unang post ko sa Traffic Solution Series na nasa listahan ko.


Unahin na natin ang patungkol sa madadayang taxi meters. Lalo na nung nasa dati pa kong opisina, halatang halata dahil ang napakaigsi na nasa 6km lang na takbo at wala pang 20mins na andar ay inaabot minsan ng 150 ang bayad ko. Minsan may nasakyan ako na siguro ay iilan na lang sa tapat na mga taxi meters/drivers ay inabot ng 120 lang ang bayad ko sa 45mins na takbo na ang layo ay nasa 12kms siguro ang distansya.  Kada sasakay ako ng taxi noon ay madalas inaabot ng 120 pesos samantalang may mangilan ngilan na ang metro ay nasa 80 pesos lang sa parehong distansya at tagal ng byahe. Hindi ko na tuloy malaman kung ang tama ba ay yung 120 o yung 80 dahil yung 120 ang mas marami.

Sa panahon ngayon na lahat na lang ay may application sa smart phones, android man o ibang OS, ito ang naiisip ko na ideya. Kulang ang kaalaman ko at oras sa pagdedevelop nito pero puede siguro gawin ng iba na alam kong magagaling sa ganitong bagay. Subukan nyong magdevelop ng Taxi Meter App na nasisimulate ang takbo ng well calibrated meter na puede nyong paandarin kasabay ng pagtakbo ng taxi. Alam kong maraming factors ang nagpapabago sa bayad sa taxi tulad ng tulin, layo at tagal ng byahe. Pero alam kong kayang kaya rin yun ng mga mahuhusay nating app developers.

Pagkatapos, pag nadevelop ito ay puedeng bilhin bilang acquisition ng MMDA o ng DOTC na mismo bilang income generation na rin. Then make this one an official application na puedeng gamitin ng mga pasahero ng taxi. At pag hindi nagmatch at malayo ang diperensya ng presyo ng lumabas sa taxi meter at sa application, may button din to send report/text ng taxi plate number sa DOTC.

Puede siguro rin itong ideya para sa nag-iisip ng Thesis nila para ngayong taon. Kung estudyante kayo at balak nyo itong subukan, contact nyo lang ako sa email ko (theignoredgenius@gmail.com) kung halimbawang nammroblema kayo sa finances para simulan ito. Tutulungan ko kayo maghanap ng financers. Panigurado na marami sila.  At kung mabuo nyo man ito, wag nyong isipin ang recognition par asa kin. Ok lang na angkinin nyo na rin ang patent kahit pa ideya ko ito. Ang maishare ko ang ideyang ito sa inyo ay ok na sa kin. At sa iba naman na hindi alam kung pano gawin ito pero gusto ninyong makarating ito sa mga marurunong at mahuhusay, ishare nyo lang itong post na ito para makarating sa kanila.

Abangan pa ninyo ang iba pang post patungkol sa mga ideyang posibleng makatulong sa ating problema sa trapiko. Hindi lang ito puro mga techie stuff, marami sa aking naiisip ay mga praktikal na paraan na madali lang gawin kung ating ipapaimplement ng maayos.

Saturday, June 8, 2013

Forcing Your "Rights" is Never Right



Groups, companies and institutions have their own respective rules that they follow. It’s always part of their systems.  Insiders know and abide them. Outsiders can look. And they can also try to go in, be a guest or maybe aspire to become part of it and be an insider. And as a guest or a new member, it is always his responsibility to familiarize himself with the rules and the culture and abide with them. He may find disagreement with some but he can always ask why there is such. But he must never expect to get an answer that he likes to hear or more so to change them.



We simply do not barge into someone’s door acting like a primadonna demanding the people inside to think, conform and act the way we want them to while insisting that it is our right. It is never a right but an act of arrogance. And we can’t accuse people affected by such disrespect of bigotry since it’s their home and it’s their rules. It is your right to ask and to choose joining them. But if you do not like something about them, you also have the right to leave and choose another . Or if you still can’t find something that suits your taste, you’re also allowed to build your own turf.



A right is never right if you’re forcing someone to change something that is against his or his affiliations’ will just for you to fit in. To begin with, you are never forced to join them anyway. You can always choose to leave, find something else or create a new one.  And that is one of the best rights which is provided for all of us. 

Tuesday, June 4, 2013

Naa-abusong Breadwinner, Ano ang Dapat Gawin?

Masipag siyang magtrabaho at madalas na inuuna niya ang pamilya. Itong isa kong kakilala ang breadwinner na tulad ko, isa ring panganay at unang nakatapos at nakapagtrabaho para sa pamilya nya. May mga kapatid pa siyang maliliit at nag-aaral sa ngayon. Matipid siya. Madalas ay may baong instant noodles na minsan nga ay nagiging pananghalian na niya. Sa kwento pa niya ay nagkasakit siya at tingin ko ay dahil sa hindi niya pagkain ng healthy ang dahilan. UTI ata. Ok naman sya sa trabaho. Maayos naman sana sya yun nga lang, may konti siyang problema.

Nagiging maluho na raw ang pamilya niya. Andaming gustong bilhin. Kakabili lang ng flat screen LCD TV na malaki, gusto na bumili ng bagong ref. At marami pang ibang hinihingi sa kanya. Minsan nagpapalibre pa sa kung saan saan. Mga gamit ng kapatid niya ay siya rin madalas ang bumibili. Normal naman yung siya ang tumulong pero mukhang sobra na nga yung mga ibang gastusin na di naman nila sana kailangan. Kinakapos pa nga ata siya kahit sobrang tinitipid na na nga niya ang sarili niya. Ampayat na nga niya eh.  Pero nagtataka lang ako bakit niya naging problema ito.  Hindi naman mabibili ang mga yun o kaya e di naman siya magigipit kung hindi siya pumayag.  Pero di daw ganon kasimple yun. Saka sakripisyo na rin daw nya para sa pamilya. Pero bakit siya nagrereklamo? At nagiging masama pa sa tingin ng ibang tao ang pamilya nya dahil sa kanyang kwento. Hindi ko tuloy makita ang sakripisyo. Parang pareho tuloy silang talo.

Karaniwang hinaing ng mga breadwinners sa pamilya higit lalo sa mga OFWs ang "pagkakaabuso" sa kanila ng mga kapamilya at kamag-anak sa paghingi ng tulong pinansyal.  Madalas na naririnig natin ang kanilang mga reklamo patungkol sa kawalan ng pang-unawa sa kanilang sitwasyon. Lalo sa ibang bansa na bukod sa hirap ng trabaho ay ang lungkot ng pagiging mag-isa. Madalas ay nangungulila din sila sa pangangamusta ng mga kamag-anak. At ang problema pa raw, imbes na kamustahan ay bawat daw pagtawag sa kanila ay may kasunod na kwento ng problema sa buhay at paghingi ng tulong.  Para daw silang dumudumi ng pera kung makahingi ang iba. At pag di naman daw mapagbigyan ay sila pa ang madalas daw na lumalabas na masama. Maramot at mayabang na raw ang tingin sa kanila at mapagmataas.
Di naman natin lubos na maibubunton ang sisi sa mga kamag-anak ng ilang OFWs ang ganitong pag-iisip dahil meron talagang ilang mga balikbayan na nagbubuhay at nag-aastang hari tuwing umuuwi sa bansa. Hindi naman  lahat at sa ibang post na siguro natin ito pag-usapan. 


Breadwinner


Kung tutuusin, kahit paano gastusin ng ibang tao ang perang pinaghirapan nila ay wala naman dapat tayong pakialam at wala rin tayong dapat ikasama ng loob kung hindi-an nila tayo sa paghingi natin ng tulong. Pero hindi maiiwasan ang ganito sa mga pamilya. At ang kadalasang kinakahantungan ng mga ganitong pangyayari ay ang pagkapunta sa wala ng mga pinagpaguran ng ilang taon at pagkakasira ng mga dating magagandang relasyon sa pamilya.

Pero paano nga ba ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon na kung saan ay pakiramdam ng mga breadwinners ay inaabuso na sila, OFW man o nagttrabaho dito sa bansa? Ito ang ilang simpleng solusyon na puede nyong gawin kung kayo ay nakakaranas din ng ganitong problema:
 

Bago pa kayo umabot sa ganito.

  1. Sabihing "Hindi" at wag nang pahabain pa -  Masyado na kasing madrama ang maraming Pilipino. Kasalanan siguro ng mga palabas natin sa TV kaya di na natin alam tuloy kung ano ang natural at ano ang arte. Parang pareho na lang kasi ang mga kilos at dialogues. Pag sinabi mong hindi mo kayang ibigay ang hinihingi nila, wag mo na pasukan ng drama tulad ng "hirap na hirap na ko dito, magtipid naman kayo dyan!" o kaya yung "ano ba yan, kakahingi niyo lang nung nakaraan eh hihingi pa rin kayo. Ano ba tingin nyo sa kin, tumatae ng pera" at ilan pang mga salitang hango sa script ng bulok na teledrama. Pag may humingi ng tulong at hindi mo talaga kayang ibigay dahil hindi na pasok sa budget, sabihin mo ng direkta. Paalam mo na naiintindihan mo ang sitwasyon nya pero ngayon ay wala ka nang extrang budget para dito dahil nai-allot mo na sa mga gastusin sa pamilya mo ang lahat.  Puede mong sabihin din na matutulungan mo siya pag nakaluwag luwag pero sabihin mo lang ito kung intensyon mo talaga na tulungan siya dahil siguradong aasahan niya ito. Di mo rin kailangang ibigay kung ano ang hinihingi niya. Kung masyadong malaki ang hinihingi o hinihiram, ibigay mo kung ano lang ang kaya mong itulong. At least kung di man ibalik ay di ka na magsisisi. At baka magdalawang isip na syang umutang sa yo sa susunod dahil di pa siya nakakabayad. At kung inuumpisahan ka  uli niya ng sad stories sa susunod at tingin mo ay hihingi uli sya sa yo at wala ka rin naman talagang maibibigay, unahan mo na agad ng dialogue na "...ay naku, kawawa ka naman. O sige, kahit saka mo na lang bayaran yung nahiram mo sa kin pag nakaluwag ka na. Abot mo na lang din sa asawa/nanay ko kasi madalas din kami kapusin ngayon sa budget...".  
  2. Humanap ng "Confidante" sa Pamilya - kung sa loob mismo ng pamilya ninyo ang problema mo at di mo kayang sabihin ng direkta tulad ng nasa number 1, gamitin ang style na ito. Puedeng nanay mo, kapatid mo o kahit sino na ka-close mo. Sa kanya ka magkkwento. Dahil close mo siya, puede mong sa kanya ilabas minsan ang mga dinadala mo tulad ng kinakapos ka na sa budget ngayon, na may kailangan kang bilhin na gamit dahil nasira na, na may inaasahan kang malaking gagastusin sa susunod na buwan, o kaya ay malaki ang kaltas mo ngayong sahod. Sila yung magiging iba mo pang "boses" mo ngayon kung sakali na mapaguusapan ang budget. Hindi na lang ikaw.  Naiintindihan ka nila at tutulungan ka pa nilang ipaliwanag ang sitwasyon sa iba.
  3. Ayusin ang Sariling Budget at Priorities - Hindi lang sa iba ang problema, minsan sa atin din. Minsan kasi akala natin ay sobra ang hinihingi ng pamilya natin pero kung tutuusin ay kaya naman natin dapat. Pero dahil kung ano ano ang prayoridad natin ay hindi natin napagtutuunan ng pansin ang importante. At lumalabas pa tuloy tayong kontrabida. Hindi naman sinasabing tipirin mo ng todo ang sarili. Pero wag mo rin masyado gastusan para lang iimpress ang ibang tao at ipagyabang na kumikita ka na dahil madalas ay nagiging succesful ito. Oo. Succesful ka sa pagimpress at pagyayabang kaya akala ng iba tuloy ay sobrang dami na ng pera mo. Kaya di mo masisisi din na ikaw ang una nilang maiisip na hingian ng tulong. Kung gusto mong mawala sa radar nila, magpaka low profile ka at gumastos ng naaayon sa kaya lang ng budget mo na saktong may matitira pa para sa kinabukasan.

Pero masama ba ang tumulong? O kaya ay masama ba ang umiwas sa pagtulong? Hindi yon ang punto ng post na ito.  Ang gusto ko lang sana ay makita natin na ang problema sa ganitong sitwasyon ay dulot ng mga nagagawa nating "KALABISAN". Kalabisan sa paggastos ng naaayon sa ating kinikita. Kalabisan sa pagiging palaasa sa iba. At ang pinakamatindi ay ang kalabisan natin sa mga kadramahan sa buhay na para bang feeling natin ay bida tayo sa mga telenovela na laging aping api at masyado tayong maraming sinasabi na hindi naman nakakatulong sa sitwasyon. Imbes na isipin natin ng maayos ang problema at magisip ng paraan para maging maayos, dinadaan natin sa kung ano ano.

Ang pagtulong at pagsasakripisyo ay mabuti. Subalit kasama rito ay ang pagtulong sa sarili para makapamuhay tayo ng mas maayos at maging mas kapakipakinabang ang mga sakripisyo nating ginagawa para sa iba. At ang turuan din ang mga tao sa ating paligid para kumilos ng wasto ay kasama rin sa pagtulong na dapat nating ginagawa. At ang bawat pagtulong ay dapat na bukal sa puso at hindi isinusumbat o kaya ay ikinakasama ng loob.

Sana ay may maitulong din ito sa kakilala ko ng medyo maging maayos naman ang sitwasyon nya at ng kanyang pamilya. Unless naghahabol siya ng grandslam trophy for best actress award in an "aping api na martir" role habang ang pamilya niya naman ang best supporting actors for being masyadong mapang-aping kontrabida kahit hindi nila alam na ganon na pala ang nagiging role nila at kung tutuusin ay hindi naman talaga.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...