Saturday, February 8, 2014

Tado Ka Talaga, Salamat



Sa dami ng mga makabagong uri ng panlibang at mga palabas na napapanood ngayon sa telebisyon, paano mo magagawang interesante ang isang programa na nagpapakita ng mga ginagawa ng mga karaniwang tao sa paligid tulad ng magtataho, factory worker, mananahi, panday, sepulturero, magbabalot, maglilitson at iba pang mga dinadaan daanan lang natin sa paligid sa araw araw?

Dagdagan mo pa ng host na hindi kilala ng karamihan, maliit na budget, kaunting gamit, at ilagay mo sa istasyon na maliit kumpara sa kinalalagyan ng mga naglalakihang artista ngayon.



At pagkatapos ay dadagdagan mo ng konting komedya para kahit papano ay hindi masyadong boring ang gagawing mga panayam ng hindi kilalang host na ito sa mga simpleng tao. At dahil konti lang ang mga aktor na puede mong paganapin at mga hindi pa sila kilala, may ilan sa kanila na gaganap ng iba’t ibang mga katauhan tulad ng doctor, taong grasa, nagbebenta ng dvd,  preso at kung ano ano pa. At sa gagamiting komedya, bawal yung panlalait na tulad na ginagawa ng karamihan ng mga bumebentang komedyante ngayon. Dapat wholesome, may konting kapilyuhan na tanggap sa lahat ng manonood at hindi nakakababa sa katauhan ng kinakausap. Tapos pupunta kayo sa mga sulok sulok ng Pilipinas na madalas na naman natin na napupuntahan tulad ng Baguio, Tagaytay, Cubao, Corregidor, Nepa Q Mart, UP, Sementeryo, Batangas, factory ng candy at ng taho, tindahan ng kubeta, etc.

At lagyan mo ng mga paulit ulit na eksena na irerecycle mo lang sa kada episode. Tingin mo bebenta ba ang ganyang set up? Makakakuha ba yan ng mga manonood kung ganyang labo labo lang yung mga ginagawa nyo at wala pang tinatawag na “star factor”?



Kung alam mo ang sinasabi ko, tama, nagawa na ito ng isang grupo ng mga simple pero talentadong mga tao na hindi pa kilala noong mga araw na yun.  Marami ang sumubaybay sa Strangebrew na isang palabas na kinabilangan ng mga bidang sila Angel Rivero(Erning) na ginampanan din ni Julia Clarete ng ilang episodes, Ramon Bautista (taong grasa, tindero, doctor, preso, etc), Jun Sabayton (Jestoni, kontrabida, etc), Arvin ‘Tado’ Jimenez (Tado) at ang direktor nila ay si RA Rivera. 

Ipinalabas ito noong early 2000s sa UNTV37 na noon ay pag mamay-ari pa ng NU107 na ngayon ay wala na rin sa radio. Nagkaroon ng cultlike following ang palabas. Halos lahat yata ng mga kabataang kilala ko noon ay alam ang palabas. At tipong kahit ilang beses ipalabas sa maghapon ay papanoorin mo pa uli. Maging ang mga magulang ko ay natatawa sa palabas na ito. Informative kasi nakikita talaga yung mga ginagawa ng mga karaniwang tao. Nakakatawa kasi natural ang humor ng lahat ng karakter sa palabas. At walang iniinsulto. Parang luma ang dating pero bago. Parang laos na pero nasa uso. 

Dahil sa palabas na ito, marami akong kilala na nag-alaga ng cactus (isa na ko dun at pinangalanan ko rin siyang Joan), gumamit ng shorts na American Flag ang design pangswimming, ginustong magpunta sa Baguio at maghanap ng buko pie (at ang isa sa pinuntahan ko ay yung tinawag ni Tado na Rizal Park Baguio City Branch) at pagkatapos ay kumain doon ng pagkaing hinahanap hanap na pandesal lang pala (na walang bromate daw dapat), bumili ng balisong, kumain ng taho at balot, ng candy, bumili ng pastilyas, ng mga binurdang tela at kung ano ano pa. Pilipinong Pilipino ang palabas pero hindi pilit. Para kang nanonood ng mga taong lasing na nag uusap. Pero matatalino. Pero hindi halata. Na binubuka na pala ang kaisipan mo sa karaniwang bagay, lugar at tao na di mo pinapansin pero interesante pala at bumubuhay pa sa maraming tao.



Hanggang sa hindi na nasundan ang tatlong season. Paulit ulit na yung episodes pero pinapanood pa rin namin. Hanggang sa mawala na nga sa ere ng tuluyan kasama ng pagkawala ng UNTV37 sa pag mamay ari ng NU. Ito ang naging dahilan para mapansin at magkaroon ng career sa mainstream sila Jun, Angel, Ramon at Tado. Si Ramon ang isa sa pinakavisible sa kanilang tatlo. Si Angel sa radio at hosting, si Jun sa ilang palabas sa TV, at si Tado naman ay naging aktibo di lang sa showbiz kundi pati sa mga social activities na may kinalaman sa kalagayan ng ating bansa.

At kahapon nga ay binigla tayo ng balita na si Arvin ‘Tado’ Jimenez ay pumanaw na kasama ng ilan pa sa naaksidenteng bus sa bandang Mountain Province. Bilang isa sa advocate ng paggamit ng bisikleta at pagkakaroon ng bikelane sa lugar nila sa Marikina hanggang Antipolo para sa mas maayos na kalsada, nakakalungkot isipin na sa paraang ito pa siya mamamatay. Noon ay naging aktibista si Tado kahit nung estudyante pa lang siya sa PUP na siyang pinagtapusan ko ring pamantasan. Limang taon daw niya kinuha ang psychology kasi minaster niya maigi ang mga subjects. Nung napasama siya sa mga banda banda ay dun nagsimulang makita ni Tado ang kanyang kakayahan sa harap ng camera. Nagkaroon na sya noon ng ilang mga indie clips bago pa man nagkaroon ng Strangebrew. Madalas din siyang kasama sa mga music videos ng mga banda tulad ng Parokya ni Edgar at ng Radioactive Sago Project.  Sa kabila nito ay patuloy siyang naging aktibo sa mga adbokasya niya tulad ng patungkol sa kalikasan at paglaban sa korapsyon.  



Bilang ama, tinataguyod nya ng maayos ang pamilya nya ayon na rin sa mga kaibigan nya. Kung konti man ang proyekto niya sa showbiz, meron naman siyang negosyo na Limitado shirts. Ayon na rin sa mga kilala ko na malapit sa kanya, madalas siya na nakikitang kasama ng pamilya at nagsisimba pa nga. Ang mga anak niya ay matatalino at may honor pa nga sa eskwelang pinapasukan. At pag nagpapaayos siya ng kanyang auto (na Volkswagen talaga sa tunay na buhay) sa isa sa mga lugar malapit sa min at napakasimple at seryosong tao niya raw at kaiba ito sa nakikita ng mga tao sa telebisyon na para lang loko loko na siraulong adik. Tanggap ni Tado malamang ang persepsyong ito sa kanya ng tao, lalo kung ito naman ang kabuhayan nya at kinabubuhay ng pamilya nya. 

At ngayon nga ay wala na siya. Iba iba ang pagkakakilala natin sa kanya. Hindi naman tayo lahat ay nakalapit sa kanya. Pero sa mga nakita at napanood ko sa kanya, masasabi kong sayang talaga. Apektado ako sa pagkawala nya dahil sa panahong magulo ang buhay ko, isa siya sa nagbigay ng mga ideya kung paano ang pagiging malikhain. 

Alam mo Tado, sa ilang paggawa ko ng videos noon nung aktibo pa ko sa editing nung nasa dati akong trabaho, ito ay hango sa kung ano ang ginagawa nyo. Sa ilang humor na sinisingit ko sa mga ilang sinusulat ko noon pa o kapag nagbibigay ako ng talk, dahil yun sa kung paano ko nakita na epektibo ang wholesome humor nyo.  Maraming bagay ang sinubukan at ginawa ko kasama ng ilang kaibigan dahil sa napanood namin sa inyo. Isang new year na unforgettable nung binata pa ko na nakinig kami ng mga barkada ko sa radio drama nyo na talagang patok na patok (featuring neneng, ang babaeng patapon na nahawakan sa tuhod, napariwara na).  Yun yung panahon naman na nagreunion kayo sa radio bilang BREWRATS (Brew Ramon Angel Tado Show). At nawala na rin yun kalaunan.



Iba talaga ang dating ng grupo nyo. At kahit nga nagkahiwa hiwalay ay marami pa ring narating ang bawat isa sa inyo. May nagsulat ng libro, may nagdidirect, may naghohost ng mga palabas, may mga shows at may mga kung san san na nga nakarating. Pero ngayon, ikaw ay wala na. Hirap talaga isipin. Di nga ko makatulog kagabi. Naisip ko rin kasi yung kalagayan mo. Paano rin kung sa kin nangyari yun? Maliliit pa ang anak mga ko. Kahapon lang malakas ka pa tapos ganon na lang ang bigla, wala talaga tayong control sa buhay. Nakakagulat pero nangyayari talaga yan. Sabihin na nating maiiwasan sana ang nangyari sa inyo kung may ilang tao na ginagawa ng maayos ang kanilang trabaho. Pero wala, sisihan pa rin ang mangyayari. Ilang beses ko na rin sinulat dito sa blog ko ang galit sa mga ganyang uri ng pangyayari na dala ng kapabayaan ng ilan. Pero wala, ganon talaga. Matitigas ulo natin. Pero ikaw, hanggang huli, bago ka mamatay ay may balak ka pa ring gawing mabuti sana para sa maliliit na tao na tulad natin. Pero dyan na rin pala matatapos ang buhay mo. Di bale, panigurado naman na di pababayaan ng Diyos ang pamilya mo at nandyan pa ang mga kaibigan mo. Sana tuloy tuloy pa yung Limitado shirts at bibili talaga ako.



(Warning: Ang susunod na mga linya ay para lang sa mga nakakaunawa at sumubaybay sa mga palabas ni Tado nung nabubuhay pa siya. Kung hindi, wag mo sanang maisip na adik ako.)

So once again once more, salamat DJ Tado. Sa tinagal-tagal ko nang sumubaybay sa inyo, napaibig na ko sa maraming bagay at marami na ring tao ang gusto kong baguhin ang ugali. Buti na lang, yung gamit kong laptop ay may pula, asul at green na mga wire at may serial number pa para makatiyak sa aking kaligtasan. Noong tumakbo kami sa student council sa department namin nung college, ginamit namin ang isa sa mga bukambibig mo noon para gawing party name. Yun ay ang ASTIG. Short for Alliance of Students Towards the Institution's Growth. Astig di ba? Kaya nanalo kami halos lahat, isa lang nalaglag sa partido. Pero minsan, alam mo ba na gusto ko ring mamitas ng kaimito habang pinapapulot ang sabon sa motor.  Kaso nung bumili ako, nahirapan akong tumawad sa presyo, P 46.50 na nga, naging P 500 pa. Mabuti pa siguro eh magrelax na muna ako ngayon at kakain muna ko ng masusustansyang pagkain gaya ng Oishi prawn crackers at mga prutas gaya ng Juicy Fruit at mango juice. Etong huling paragraph, wala to, wag mo pansinin. Mga brewsters lang ang makakaunawa nito, mapa laking aircon man o laking electric fan sila, magegets nila ito. Ke mahilig man sila sa papaya o sa marang, pareho lang ang epekto. Lahat kami malungkot. Kahit pa kasing self-centered ko sila dahil minsan na rin akong nasabing literate guy ni Angel sa radio dahil nakaka YM ko pa siya noon at hindi pa uso ang FB kaya sa friendster ko nakausap si Ramon nung di pa sikat at tinanong ko siya kung si Jun Sabayton nga ba ang nakasabay namin noon papuntang Galera sa bangka. Pero kahit illiterate na Brewster, wala naman ding problema.  Enjoy lang sa byahe Tado. Pagdadasal ko ang kaluluwa mo at ang kalagayan ng pamilya mo. Marami ka nang natulungan at napasaya kaya ka siguro pinagpahinga na ni Lord. Ayos lang yan. Ganyan talaga. Sabi mo nga, una una lang yan, susunod din yung iba. Wag muna ako. Oki? Pagdadasal ka namin dito Tado. Para sa iyong kaluluwa at para sa hustisya. At pagdating mo dyan sa taas, pagdasal mo rin kami dyan. Astiiiig. Tama!


Friday, February 7, 2014

6 Lessons from Flappy Bird



My highest score so far is 10. I haven’t played it so much though. Just twice since last Monday and for not more than 15 minutes each. I can’t have it on the 5 year old phone I’m using  so I just borrowed my wife’s device to try FlappyBird as I got curious on what this thing is that a lot of people go gaga with. I’m afraid that I will get hooked into it once I play more so I’m not trying it again. 



“.GEARS Studio” made it big here being one of the top downloaded free app right now and earning big bucks on ads. I don’t know if they put in some psychological and behavioral studies before releasing this but whatever magical potion they used while creating it, it is definitely working. The tons of criticisms seemed to add more curiosity to it. And in that short period I played Flappy Bird, I realized right away a lot of stuffs that we can apply in real life from this game.



  1. With patience, you can always out do your personal bests.
  2. Competition with others might help you to improve but it can also be a cause of disappointment and envy.  Competing with yourself rather can save you from these side effects.
  3. Repetition makes difficult things easier.
  4. Some things look harder than it looks.
  5. Simplicity can be attractive or addictive.
  6. Time is expensive. It’s either you spend much of it trying to beat the other guy and both of you ending up with an empty achievement of sorts or making use of it on things more worthwhile.  The keywords here are “more” and “much”


I don’t consider myself a gamer but I spent a lot of times with many video games already. Until now, I’m still playing this one Pokemon version  (Emerald) during my free time.  If you ask me if I regret the hours I spent finishing those games before, my answer is NO. I enjoyed a lot while playing them and felt accomplished though a bit sad after completing them. I can compare the feeling after finishing a good book. After that, I look for something else to do and apply what I learned from them. Once I’m done with them, I move on. And I’m done with Flappy Bird. Thank you .GEARS Studio.

Thursday, February 6, 2014

Let's Just Write

I created this blog with a fear that people would start thinking about me differently and at the same time getting excited about it. I always tell others that how people look at you should be the least of your concerns but it’s an advice that I find myself difficult to follow.

I started with an excuse of what I will do, then a re-post, then a new one and then another. And every time I publish something new, I always hope that people would actually read it, like it and then share it. There are some who tell me they appreciate my posts. Though there are those people close to me who seemed not to care nor are aware of what I do even up to this moment. Then there are some who see my blog as a punchline. They make fun of it during gatherings. Ironically, these people haven't read even one content of my blog. Or maybe they really did and they found it hilarious and they just care about my feelings so they pretend not to have read anything in it, maybe only the title and then cracked jokes about it.

All these thoughts run through my mind about what I’m doing here. Now, let’s remove all of them. Scratch them out. Imagine that I didn’t say these things. These are all heavy baggage which could have affected what I’m doing now, so heavy that it might have forced me not to start.  Every day, I’m realizing a lot in life which interests me to write about and I can’t imagine myself not doing it. I can’t contain these things easily so it’s either I speak about them or write about them. I choose writing most of the time because it reminds me easily about these realizations later on.

I just want to write and share what I learned and what I am learning. I began and now I continue.  I am alive and I am happy.  There are those who say they enjoy what they read here. While some tell me they aren’t and some doesn’t care. And even if I did something else, it will still be the same scenario. Right now, I’m doing one thing that I love to do without hurting anyone and without hurting myself while making you occupied and entertained for a while. And I hope that you are. Tell me. Don’t be shy. Just write. Thanks.

Tuesday, February 4, 2014

Doing it Right While Doing The Right Things

You do the right things for the sole reason of being right most of the time though we may have different ways to it. Not one approach is inferior than the other as each piece is expected to do a move based on an individual's capability and circumstances. Each move is not expected to be visible to one another thus we can't be certain if one's doing enough, and what's enough cannot even be measured. You can only be fully aware of what you do and only you can honestly say if you're utilizing your given skills and capabilities to their full potential. And more so, one can't be the enemy of another with the same objectives but doing a different (but righteous) approach. Working together with them though might bring you closer and quicker to your target.

Be Aware That You Can't Be Aware of Everything

It is one thing to speak about the things you have knowledge with and another to make a conclusion about things you know nothing about. Not seeing nor hearing does not always mean they do not exist nor happen. The only thing certain is you didn't see or hear about them and in itself does not mean anything about the subject but to the person's limitation and awareness.

Sunday, February 2, 2014

Tama Na Sana, Minali Pa


Kumplikado na masyado ang buhay ngayon. Mahirap. Pero hindi yung katulad ng sinasabi ng iba na mas simple ang buhay noon na may “nostalgic” na dating na dati daw ay wala pang polusyon, walang traffic, maraming mga puno, malinis ang tubig, hindi daw nagugutom dahil nagtatanim daw sa likod bahay ang mga tao noon at nag-aalaga ng mga hayop tulad ng baboy, manok, baka atbp.

Pero hindi rin naman noon kadali ang mga bagay. Tulad ng pagbyahe kahit pa sabihing walang traffic. Dati kalabaw lang gamit o kaya naman, may kotse nga pero ang takbo naman e 20-40kph lang.  At wala pang mga tren, mga tulay, mga barkong malalaki at kung ano-ano pa. Wala pa halos tv ang karamihan lalo na ang may cable, wala pang cellphone, internet, etc. Telegrama na ang pinakamabilis na paraan para makapagsabi pag may emergency ka na pangangailangan at pag nakatanggap ka nito, kinakabahan ka na naeexcite (masama o mabuting pangyayari lang naman kasi talaga ang laman ng telegrama).  Ngayon ay 24 hours na ang mga bilihan ng pagkain. May mura may mahal, depende sa budget mo at kahit san halos e makakabili ka na rin ng kahit ano.

Simpleng araw.



Kahit ganon pa man e iba pa rin naman kasi yung sinasabing hirap noon sa hirap ngayon. Pero ang pagiging simple ng buhay noon na napansin ko ay hindi patungkol sa pinansyal o pisikal na katayuan ng lipunan, kundi ito ay ang sa mga kaisipang noo’y madali lang unawain subalit sa pag-usbong ng mga bagong ideya at kaalaman, imbes na maging mas simple ay lalong naging kumplikado pa. Ang masama ay pinapabuti. Ang inosente ay binibigyan ng malisya. 



Kung noon ay mabuting bagay ang magtimpi at magpahayag ng saloobin ng may paggalang sa kausap, ngayon ay ang pagiging taklesa na madalas ay may kasama pang paggamit ng mga di magandang pananalita para idiin ang kanyang mga pahayag ang siyang sinasabihan ngayong “pagpapakatotoo”. At ang gumagawa ng mga nauna ay tinatawag na ipokrito at nagmamalinis.

At lagi pa raw kailangan na nakikiayon tayo sa paglipas ng panahon. Ang pagsunod sa mga bagay na matagal na nating pinapaniwalaang tama kahit pa nagbubunga ng mabuti ay pangit at atrasado na para sa iba. Buti pa si Blakdyak e alam na sila lolo at lola ay namulat sa mas matinong mga uso. Pero sa iba, dinosaur ka na kung masyado ka pa ring tradisiyonal at naninindigan sa mga kinagisnan mong bagay, kahit pa mabuti naman ito.



 Ang katotohanan ayon kay Blakdyak


Noon ay ayos lang kung magkaiba kayo ng paniniwala ng iyong kapwa. Hangga’t walang masama sa ginagawa nyo pareho, ayos lang. Pero ngayon, kung naninindigan ka sa paniniwala mo at hindi mo tinatanggap ang paniniwala ng iba, ikaw pa ang lalabas na sarado ang utak. Kailangan mong tanggapin ang konsepto ng iba at para sa iba, ito ang paggalang sa kanilang paniniwala. Pero wala silang pakialam sa paniniwala mo. 

Kung noon ang simpleng karapatan na mamuhay bilang isang indibidwal ay isang konseptong madaling unawain, ngayon ay pinasukan na ng ibang ideya na ang paggawa ng kabaligtaran ay naging katanggap tanggap na.  Kung noon ay karapatan ang mabuhay, ngayon ay mas mabigat pang pinaglalaban ang karapatang pumatay at mamatay. Aborsyon, mga gyera, death penalty at euthanasia. In order yan mula sa pinakamarami nang napatay sa nakaraang dekada pababa.

Kung alin ang normal noon, yun na ang pinupuntirya ngayon. Sabi kasi natin noon, karapatan natin ang maging iba. At sumobra naman ata. Ginusto na ng marami sa atin ang maging iba na umabot sa punto na nagkapare-pareho na sila. At kung ano ang natural, yun ang naging kakaiba. At yun ang kanilang pinagkakaisahan. Bandwagon lang kadalasan at hindi pinagiisipan. Kasi nga, baka yun kasi ang uso. Na lahat e karapatan na lang natin at wala na yung responsibilidad. 
Baka may magreklamo dahil nakatali ang aming aso.

Pag prayoridad naman ang paguusapan, nagkakandaletse-letse na rin.  Kung ano na lang ang ating madatnan, yun na ang bibirahin at babanatan. Nakakalimutan nating isaalang-alang ang mga dahilan kung bakit nandun ang mga bagay bagay na nandyan na noon pang una at kung bakit natin ginagawa ang ilan sa mga importanteng bagay na napagdesisyunan ng mga nauna na sa atin. Andali nating magbago ng isip at makalimot sa kung ano ang mahalaga at kung ano ang nakaraan. Makarinig lang ng bola ng isang kausap, sasakay ka na. Masarap kasing pakinggan. Mukhang tama nga naman. At di ka na magiisip, sasang ayon ka na lang.

Maging sa pagpapamilya na ang desisyon ay nasa magulang noon, ngayon ay marami nang nausong karapatan na para daw sa kapakanan ng mga bata. Kung ikukumpara natin ang mga kabataan noon at ngayon sa ating bansa, masasabi ba nating naging mabuti ang resulta ng mga bago nating pauso? Hindi ko naman masisi ang nakaraang henerasyon sa pagpapalaki ng kasalukuyang henerasyon na nagpauso ng mga bagong bagay na ito. Karamihan kasi ng mga konsepto na pinapasok natin sa kukote ng kabataan ngayon ay hindi naman bunga ng kung ano ang mga konsepto ng mga ninuno natin. Marami rito ay galing sa banyagang kaisipan na basta na lang nating tinanggap kahit pa taliwas sa ating kultura na sa aking palagay ay naging bunga na rin ng mas madaling komunikasyon sa mundo ngayon. Kung noon si Rizal ay nagpunta pa sa Alemanya para kumopya ng isang buong libro sa isang library sa pamamagitan ng sulat kamay, ngayon e isang click mo lang ay makakakuha ka na ng kopya ng sulatin ng iba. Libre pa nga madalas. At dahil masyado na nga tayong makabago at mapagsakay sa mga konsepto, lahat na lang ay gusto nating ipayakap sa mga tao ng di naman masyadong napag-aaralan at napagiisipan. 

Kumplikado na talaga ang buhay ngayon. Kung noon, simple lang ang tama at mali. Ngayon ay meron nang tama, merong mali, meron pang tamang medyo tama, merong maling itinatama, may tamang minamali, at meron namang nasa gitna lang na di mo mawari kung ano. At kung tayong may edad na ay naguguluhan na, paano pa kaya ang mga batang nagsisimula pa lang magkaisip? Bilang mga magulang ay kailangan pa rin nating ipaliwanag sa mga bata kung ano ang dapat nilang sundin. Madali lang naman malaman kung ano. Balikan lang natin kung ano ang mga nakaraan, ang mga pundasyon at pinagsimulan. Dun natin matutunton kung ano nga ba talaga ang tama.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...