Tuesday, May 29, 2012

How to Make Money from the Impeachment Decision

After the impeachment trial, it seems that there are more questions than answers that arose on the Filipino minds. These are just some:

-          -  Who will replace Corona as the Chief Justice of the Supreme Court?
-          -  What will be the impact of the Senators’ votes on their election bids?
-          -  What is Malacanang’s reaction?
-          -  Will the legislative create a new law regarding SALN and Foreign Currency Accounts?
-          -  Will there be next in line (GMA and Corona’s case) and who are they?

These are all valid questions.  Many of us will probably talk about these issues in the following days.

But the thing that I'm most curious with regarding today's verdict is on which way the stock market will move tomorrow. No dramas happened. There are no violent reactions. The impeached chief justice accepted his fate willfully. Everything seems to be in order and the general ambiance looks very positive. Therefore, my “tsambanalysis” is that the stock market will bounce big tomorrow especially the 1st and 2nd liners which are mostly laggard on the previous days due to the cyclic market correction. If one’s early and have some money to trade, I believe that it’s a good day to do some “tsupitas” and earn some extra tomorrow. But again, it's just my analysis and I might be wrong of course. Just like what they say, "caveat emptor". ;-)

Well, it’s just one thing that I think has a quick direct impact on the individual Filipinos especially the investors and the traders. 

Apologies for those who are not able to comprehend the above paragraph. But I have good news for you.  I’m planning to create a new blog regarding fundamentals of investments and money making tips. I’ll try to share you some of my basic understandings using the layman’s term for easy reading and understanding.

I’m relatively new in this stuff as well but if you are interested to learn further, hope you can join me on my journey thru the world of investments.  I’ll announce the details very soon.  

Thanks for the visit and hope that you also like our Facebook page “The Ignored Genius”(see the like button on the mid-upper right part of this page) or follow me on Twitter @ignoredgenius. Thanks!

Sunday, May 27, 2012

I Saw the Sign Again

I wrote this follow up article on the “waiting for a sign” topic as I believe that the first one was too short and too direct that it might have caused confusion and misinterpretation to some.

It doesn’t mean that I don’t believe in signs. Signs are important. These are indicators that tell us if something’s good or bad. I go to the doctor when there’s a sign of illness.  I do the same workout if there’s a sign that it’s doing well for my body.  I slow down when the traffic sign tells me to do so.

It’s not really the sign per se that I am against with but the “waiting” part. By waiting, it means putting things outside our control. And why wait for a sign if there were lots that preceded it.  Obviously, the needed signs were already there, hence you wouldn’t have been contemplating to do that decision. Besides, the sign being waited on will depend on personal interpretation according to the bias of that person.

So rather than wait, one must act but not carelessly. Calculate the risks and possibly mitigate them. Then decide.

Kaya ako naging ganito ay dahil sa iyo... di nga?

Sa mga eksena sa mga documentaries sa tv ng mga kabataang kriminal, adik, maagang nabuntis o kung ano pang kapariwaraan sa buhay ay mga batang tinatanong ng reporter tungkol sa kung anong dahilan kung bakit nila nagawa ang mga bagay na yun. Madalas na maririnig natin na sagot ay tulad ng “kasi si tatay lagi ako ginugulpi kaya ako nagkaganito”, o kaya e “si nanay kasi lagi wala sa bahay tapos iniwan pa kami ni tatay”. Minsan naman eh “kasi nagsusugal lagi mga magulang ko saka naglalasing tapos pag uwi pinapalo pa kami kaya ako nagkaganito”.  At marami pang ibang mga pangungusap na ang pattern ay “kaya kasi ako naging ____ ay dahil si ____ saka si _____ ay _____ “.

Mapapanood din sa mga tv shows ang mga nagbabangayang mga magkakamag-anak, magkakapitbahay o kaya ay mag-asawa. At tuwing may isa sa kanila na nagloko, ang idadahilan kadalasan ay “kung ano-ano kasi inuuna mong bisyo kaya ako naghanap ng iba”. Meron din na “palagi ka kasing wala kaya napalapit tuloy ako kay kumare/kumpare”. At ang very dramatic na “may pangangailangan din kasi ako at di mo nagawang ibigay at natagpuan ko sa kanya yun”


Pero kala nila lahat ng mayaman e tulad mo. Ang drama kasi.

Sa ganitong pagkakataon, bigla na lang parang dumarami ang “psychologist”. Alam nila bigla kung ano ang dahilan ng pagsira nila sa sarili nilang buhay. Aware sila sa nangyayari. Conscious.

O marahil ito ay bunga lamang ng pagkahilig ng mga Pilipino sa drama at telenobela na madalas na may mga ganitong mga batuhan ng dialogue ang mga eksena.

Sa pag-aaral ng mga eksperto, ang mga epekto ng mga masamang pangyayari sa buhay, kadalasan sa mga pamilya, ay nakakaapekto sa “subconscious mind” ng tao.  Nangangahulugan lamang na ang resulta ng mga masasamang pangyayari sa buhay ay hindi ginagawa ng may kusa o kaalaman. Unconscious.

Samakatuwid, kung ang isang tao ay conscious sa ginagawa niya at aware siya na mali ito, hindi niya maaaring gawing dahilan ang hindi magagandang bagay na nangyari sa kanya sa nakaraan kaya niya ito ginawa. Sa pagiging “aware” sa tama o mali, ibig sabihin ay may kontrol ang isang tao na gawin sana ang tamang decision.

Di sa hinuhusgahan ko ang mga taong gumagawa ng ganitong pagdadahilan dahil talaga namang nakakagulo ng isipan ang mga hindi magagandang pangyayari sa buhay. Hindi biro ang makaranas ng matitinding problema sa tahanan lalo na sa murang kaisipan. Malaki ang epekto nito sa aspektong pisikal, pandamdamin, kaisipan at ispiritwal ng isang tao.  Kung ang tanong ay kung may epekto ba o wala ang ganitong bagay sa kinabukasan ng isang tao, ang sagot ay oo.

Pero kung ang tanong ay may kakayahan pa ba ang isang tao para baguhin ang direksyon ng buhay sa kabila ng mga dinanas na hirap, ang sagot din dito ay oo. Unang hakbang na rito ay ang pagiging “conscious and aware” sa mga maling bagay na nangyari na sa nakalipas. Huwag itong gawing dahilan upang hindi maging matagumpay sa buhay.  May pagkakataong piliin ang tama. Huwag gawing dahilan ang nakalipas na mali na dulot ng ibang tao para sirain ang pansariling kinabukasan o ng kung sino man. Tama na ang kadramahan.

Thursday, May 24, 2012

I Saw the Sign

Waiting for a “sign” is another way of saying “Ok. I really know what I should do but I'm just afraid to leave my comfort zone. So I’ll just trick myself into believing that I should wait for something which is improbable to happen or let some event, people, animal, thing or whatever out there to decide and think for me before I act”.

Why not act on it yourself? Be brave. Be accountable for yourself. For once, stand up, think and make that bold decision. In the end, it’s just between you and that crossroad. And no one’s getting blamed nor is benefited directly of the outcome of that decision, but you.


--> And I saw the sign again.

Sketches - The Familiar Path


Just combined some colors, shapes and memories of a familiar path.
1 hour express drawing. Parang gawa lang ng bata, hehehehe :)

Monday, May 21, 2012

Popopopoker Face, Popopoker Face

I really don’t want to discuss about the Lady Gaga concert but since I saw a lot of reactions from both sides and noticing some people “clueless” on what the issues really are, I can’t help but try to jump in the mud and join the fray.  Well, not really. Just voicing out my opinion here. 

Straight to the point.

First, to the rallyists, I admire your courage in voicing out what you stand for. You risk (again) of being called the losers, the hypocrites, the narrow-minded, and everything else negative that the Lady Gaga fans can think of about you. In a way, I understand your point. Your protest doesn’t mean you’re saying you are innocent. You are old enough to know these things.  Your message is that you want to avoid having those “unguided youth” getting swayed easily by the bold acts of the artist on her concerts. If one had watched videos of her previous concerts, they’ll know what you’re saying.

But I hope that your attempt on preventing the “perceived negative influence” not just of Lady Gaga but of all bad elements of todays media to the youth does not end on these rallies.  Begin with the foundation of morals of the youth. Start with the most basic element of society, the family.  If a child’s moral foundation and ethics are built strongly by their parents, they won’t get swayed easily by external factors, especially by a just a 2-night concert of a famous pop artist.

And second, to the fans especially the “die-hard ones”,  I do agree with you on this: Lady Gaga is an artist and what she’s trying to do is an art.  But I hope that you refrain from giving the statement that  what she’s doing is just an expression of art and implying that everything that she’s doing there are “innocently” done. We might be born this way but we were not born yesterday.  Like what one of my Facebook pal Obed Dela Cruz mentioned on his status,that arts are messages of an artist. The products of an artist’s mind are not accidental. They are talking to us thru their works. Artists have ways of sending messages, and it’s obviously thru their art. I just hope that the parents who supports their child’s following of Lady Gaga aren’t clueless of what possibly their children can witness on her concerts (is there an age restriction for the concert? I hope so) and what messages that their children might get from supporting their “idol’s works of art”.

And also, Lady Gaga is very open with her beliefs and it’s her right to try swaying and influencing people with them. Well, it’s the same rights that the protesters have in telling people not to support Lady Gaga’s advocacy.

And lastly to Lady Gaga, I admire you for using  very well the issues and controversies to your advantage and benefit: sold-out concerts, big sales on albums, front page on news, awards, and more money.  You really had stirred the water. You know how to use your cards well with only few people noticing. That’s quite a great “pokerface”.  ;-)

Saturday, May 19, 2012

Selfcentered Films Videos: GMA Kapusong Pasko Entry


This is from TIG's sister group, Selfcentered Films Production.

Scenes were shot in our house and parts of the subdivision starring my cousins.

Version of the video uploaded here is of phone video quality only (was not able to find my main copy) .
This was our entry for GMA Kapusong Pasko video making contest last December. Unfortunately, we didn't win. :)

Thursday, May 17, 2012

Rebolusyon Para sa Edukasyon

Ilang linggo na lang at magsisimula na naman ang pasukan. Ibig sabihin ay mas masikip na naman ang traffic. Yung mga magulang ay magkakandakuba na naman sa tuition fees, allowances at pambiling gamit sa eskwela. Ang mga estudyante excited na naman sa first day lalo na ang mga may bagong mga gamit at uniform. Meron naman na kahit walang bago basta makita lang yung mga classmates at barkada nila muli ay ayos na. Meron naman na gusto nang makasilay sa mga crush nila. First day of classes, nakakamiss din minsan.

Bukod sa mga yan, magsisimula na rin ang mga rally. Mananawagan na taasan ang budget ng mga public schools. Magmamartsa sa mga ahensya ng gobyerno para sa pagpapaayos ng pasilidad ng mga paaralan. May mga guro din na mananawagan para sa dagdag na pasahod at benepisyo. Kung titingnan naman natin ang kalagayan ng maraming mga pampublikong paaralan ay talaga namang kalunos-lunos.

Laging sinasabi na mataas ang budget para sa edukasyon kumpara sa ibang gastusin ng gobyerno taon taon. Kung sapat man ito o kulang, makikita na natin ang sitwasyon sa ating paligid.May mga silid na pang 40-50 lang ang kaya pero 100 ang nagsisiksikang mag-aaral. May mga nakaupo sa sahig at may nagkklase sa ilalim ng mga puno. Ang mga libro aykulang-kulang ang mga pahina.Ang mga gamit sa laboratories ay mga luma, kulang at sira na. Dahil sa pangangailangan ay marami ring mga guro ang pinipili na lang mangibang bansa at ipagpalit ang propesyon sa mas malaking sueldo.

Pero hindi ito ang ating pangunahing pag-uusapan sapagkat ang lahat ng mga bagay na ito ay alam na naman nating lahat. Ilang beses nang pinagusapan, naisulat sa dyaryo, naipalabas sa tv at kung saan saan pa. Marami na ring nagbigay ng suhestyon sa kung anong mga dapat na gawin para solusyonan ang lahat ng problemang nabanggit. Sa kabila ng pagiging bukas na pahina ng sitwasyong ito ng edukasyon sa bansa, ano ba ang ginagawa nating mga pangkaraniwang mamamayan para pabutihin ang sitwasyon?

Sa gitna ng mga rallies para sa pag-taas ng budget ng edukasyon, may mga mag-aaral na pinipiling wag seryosohin ang pag-aaral at inaabot ng ilang taon sa eskwela hanggang sa tamarin at hindi na makatapos. Sa paghihikahos ng mga magulang para mapag-aral ang mga anak ay may mga estudyanteng pinipili pang unahin ang pagbubulakbol at pagliliwaliw kasama ang barkada na ganon din ang ginagawa at kadalasan ay pinagyayabang pa sa iba. Kulang ang mga libro, mga gamit sa laboratory at mga pasilidad ng mga paaralan pero marami pa rin ang nagagawang mag-vandalize sa mga pader, upuan, magpunit at magsira ng mga pahina ng libro at walang ingat na paggamit ng mga laboratory materials. 

Sa mga guro naman ay may iilan na tila walang gana sa kanilang ginagawa. Sa sobrang dalang na pasukan ang klase ay walang nakikilala ni isa man lang sa mga estudyante. May ilan na buong taon e puro pareport ang ginagawa habang nasa likod lang o kaya ay iiwan pa sa student teacher ang pagbabantay. Minsan nga ay iniisip ng mga estudyante kung paano sila nabigyan ng grades ng isang teacher na 3 beses lang nila nakita sa buong semester. May mga pagkakataon pa na mga mali ang naituturo sa estudyante. Kulang sa research o tinamad lang na aralin ang itinuturo ang ilan lang sa maaaring dahilan.

Sa mga magulang naman, nakakapagtaka na may ilan na tila hindi nagtataka kung bakit palaging wala man lang assignment ang anak na paguwi sa bahay, araw araw ang unang kaharap ay computer games o kaya ay tatakbo agad sa labas para maglaro. May ilan naman na pag sinabi ng anak na ayaw pumasok dahil masakit ang ganito o ganyan o kung ano pang palusot ay pababayaan na lang basta basta kahit halata namang wala talagang valid na dahilan. May iba pa nga na tila natutuwa pa pag hindi pumasok ang anak dahil “nakatipid” daw sa baon. Sa kabilang banda naman ay may matino ang anak pero kulang naman sa suporta galing sa magulang.Tuwing may hihinging pera na pambili ng pangangailangan sa eskwela ay palaging tingin ng ilang magulang ay niloloko lang siya ng anak niya. May ilan na hindi pinapayagan ang mga anak sa mga ilang gawaing makakatulong sana sa pagunlad ng kanyang pagkatao dahil sa tingin nila ay pagsasayang lamang ito ng oras.

Kung tungkol sa budget para itaas ang antas ng edukasyon ng bansa, wala talaga tayong direktang magagagawa roon. Gayundin sa korapsyon. Subalit may mga bagay na mismong tayo ang may kontrol. Bilang mga estudyante, ang prayoridad ninyo sa eskwela ay mag-aral at hindi ang maging celebrity, astiging siga o maging cool sa paningin ng inyong kabarkada. Sa mga guro, ang pangunahing responsibilidad ay ang magturo, magdagdag ng values at kaalaman at maging ehemplo ng kasipagan sa mga bata at hindi magpalipas lang ng oras para makipagkwentuhan sa kapwa faculty o maghintay ng checker na magiikot sa classrooms. At sa mga magulang, ang pagiging gabay sa disiplina, tagatulak ng kasipagan at tagapagtaguyod ng inyong mga anak ang syang pangunahing prayoridad.

Kung tutuusin, kahit pa gaano kataas na budget ang maibigay, kung hindi rin naman natin ilalagay sa ayos ang ating mga sarili malamang na wala rin itong patutunguhan. Kung maaari lamang ay simulan sana natin ang sariling pagkilos sa darating na pasukan. Ibalik sana ng bawat isa sa atin ang “passion”sa pag-aaral na siyang pagsisimulan ng tunay na rebolusyon para sa edukasyon.

Monday, May 14, 2012

Sinong Rizal?

Si Rizal ay maihahalintulad na rin sa Bibliya sa ating panahon. Ginagamit ng maraming tao ang mga kataga para bigyang diin ang kanilang paninindigan o paniniwala. Ngunit kadalasan, dahil sa maliliit na bahagi lamang ang nakukuha o nababanggit, madalas na nawawala ang tunay na konteksto ng ilan sa kanyang mga salita at parang kinakahon na natin sa ating sariling ideya kung sino o ano ang gustong ipahiwatig ng nakasulat.

Ang salitang "Damaso" tulad ng ilang mga kinabisadong berso sa bibliya ay tila baga punyal na handang itarak sa kaaway ng ilang taong may mga adbokasyang pinaglalaban at nais na gamitin ang ideya ng ating bayani bilang pananggalang.

Nandyan din ang ilan pang karakter at salita na minsan ay itatanong mo na sa iyong sarili kung tunay nga bang sinabi ni Dr. Jose Rizal ang mga bagay na iyon dahil sa tila baga malayong paggamit ng ilang tao ng mga salitang minsang binitiwan ng ating magiting na bayani sa ating kasaysayan. Sa pananalita ng ilan, nagiging tila isang “radikal” na tao na may “saradong pananaw” ang ating dakilang bayani sa mga bagay na nauukol sa ating mundo.

Mula pagkabata ay naging hilig ko nang basahin ang mga aklat patungkol sa kanya. Mula sa kanyang kabataan hanggang kamatayan at maging ang ilang mga sinulat niya ay naging bahagi na rin ng aking pagtanda. 

Nakakalungkot din minsan isipin na may ilan sa ating mga kababayan ang walang pakialam sa kanya. Subalit mas nakakalungkot na tila bigla na lang bang parang eksperto na sa mga aralin kay Rizal ang ilan sa atin kung “gamitin” ang kanyang pangalan at mga salita sa mga bagay na gusto nilang paniwalaan o ipaglaban samantalang ni hindi pa nakakabasa man lang ng buo ni isa man sa kanyang mga sinulat na nobela, sanaysay o tula.

Sabi nga ni Claro M. Recto na aking nabasa sa aklat ni Prof. Ambeth Ocampo, na kadalasan ay tila baga pinagbabangga natin si “Rizal” laban kay “Rizal” gamit ang mga bagay na kanya ring sinabi o ginawa. At sa huli, lumalabas hindi kung sino si Rizal kundi kung ano ang “prejudices and convictions” ng taong nagsasalita patungkol sa kanya.

Minsan, naiisip ko tuloy kung tunay nga bang kilala natin ang ating pambansang bayani?



Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.  

 

Saturday, May 12, 2012

The "CEO" Mom


If you are aspiring to be a manager or a CEO someday, try to have a “mom’s” character. The world would surely be a better place if we all aspire to have the "mom" attitude. Imagine if all of us having these great attributes:

  • Mom’s patience – when a baby cries endlessly and seems without any reason at all, mothers are the last person who can stand it.
  • Mom’s endurance – nine months carrying a human being from being a tiny group of cell up to weight ranging 4-7 lbs inside her tummy and hours of labor pains during birth, now that’s endurance.
  • Mom’s strength – even after a very tiring whole day’s work, she will still have enough strength to carry her growing baby for longer time with eagerness and care.
  • Mom’s sacrifice – skip meals, lack of sleep, and sometimes totally forget about herself just to provide comfort and care for her family.
  • Mom’s time management –  no matter how busy she is, she’ll find time to cook, clean the house, bathe the kids and a lot more things for the family.
  • Mom’s memory – if you’re looking for something around the house, she’ll tell you exactly where it is and she knows almost all special dates such are birthdates and anniversaries of the family members.
  • Mom’s financial intelligence – for just about any amount, the whole family will not lack the essentials under mommy’s budgeting skills.
  • Mom’s ability to multitask – she can do almost anything at the same time just for the sake of the family. 
  • Mom’s sensitivity – even if you’re not saying anything, she’ll know if something’s not right.
  • Mom's vision - before you speak of what you need, mom is already a step ahead of you and already prepared for it..
  • Mom’s wisdom – all of us will realize that what our moms tell us especially during our childhood are rightful and for our own benefit and better future.
Truly, the best people in the world are our “moms”.  There are no actions that can be done nor words that can be said to explain and equate your worth to mankind. 

This post is dedicated to my mom friends, grandmothers, aunts, in-laws,cousins, my mom-in-law, my mom and my wife. This also goes to all the moms in the world. Thank you and we love you. Happy mother’s day to all moms!

Thursday, May 10, 2012

Si Gat. Andres Bonifacio

Sa mga di nakakaalala (o nakakaalam), ngayon ay ang ika-115 taon ng araw ng kamatayan ni Gat. Andres Bonifacio. Di tulad ng ibang bayani, ang paggunita ng araw para sa kanya ay sa araw ng kanyang kapanganakan sa ika-30 ng Nobyembre. Kadalasan kasi ay sa kamatayan ginugunita ang mga araw ng bayani tulad ni Dr. Jose Rizal na Disyembre 30 at hindi sa araw ng kanyang kapanganakan na Hunyo 19. 

Maraming bagay ang pumapalibot sa kwento ng kanyang kamatayan, pero hindi yan ang nasa aking isipan sa araw na ito. Naisip ko lang, kung nabubuhay kaya si Gat. Andres sa panahong ito, ano kaya ang iisipin o gagawin ng isang rebolusyonaryong tulad niya sa nagaganap na "Scarborough Standoff"?

Wednesday, May 9, 2012

The “Person” in the Middle of Mon Tulfo, Raymart and Claudine and the Cebu Pacific


So who’s the guy in the middle? Let’s try to map it out.


Raymart’s wife Claudine is the sister of Gretchen Barretto who is married to businessman Tonyboy Cojuangco who’s one of the bosses of tv station TV5 which is now under the major ownership of PLDT group under the leadership of Manny V. Pangilinan.


Meanwhile, Mon Tulfo has 3 brothers named Ben, Erwin and Raffy who have a show called T3 which airs regularly on TV5, which is again under Manny V. Pangilinan’s overseeing.


Then finally, the Cebu Pacific airline company is owned by the Gokongweis who have minor shares and are still part of the bosses of Digitel/Sun Cellular telco company which now has Manny V. Pangilinan’s PLDT group getting the major shares.



 
Now, we all know who’s the guy between Mon Tulfo, Raymart, Claudine and Cebu Pacific. He’s none other than Mr. MVP. :)


But sorry guys, he’s just too busy to try fixing their scuffle. Besides, malalaki na sila, alam na nila ginagawa nila. Hehehehe.

Saturday, May 5, 2012

Saan Patungo ang Lumalalang Disiplina ng Kabataan?

“batang bata ka pa at marami ka pang
kailangang malaman at intindihin sa mundo,
…iyan ang totoo”.

Mga salita mula sa isang klasikong awitin ng grupong APO Hiking Society na tumatalakay sa kakulangan  pa sa kaalaman sa mga bagay bagay sa mundo ng mga kabataan. Subalit tila sa panahon ngayon, sa dami ng maaaring panggalingan ng impormasyon at maging sa pananaw na rin ng nakatatanda ay tila nawawala na ang kahulugan nito.

Sa internet maging sa social and traditional media araw araw tayong inuulanan ng iba’t ibang impormasyon. Kadalasan sa hindi, walang kontrol ang mga impormasyon na nakukuha ng kabataan kung kaya humahantong ito sa maling pag-aakala na alam na nila ang lahat ng bagay. 

Marami tayong makikita sa mga social networking sites na mga bata na may mga account na kung hindi sila ang gumawa ay mismong mga magulang pa ang bumuo para sa kanila. Puedeng ito ay para sa komunikasyon rin lalo na kung nasa malayong lugar ang magulang. Wala sigurong problema kung nababantayan ng maigi ang mga kabataan sa paggamit ng mga sites na ito. Pero mas madalas na hindi sila naoobserbahan.  

Maraming bagay ang nakikita rito. Ang mga bagay na ito ay nagkakaroon ng iba't ibang epekto sa isipan ng mga nasa menor de edad. Maaaring ito ay mabuti, pero maaari ring masama. Makikita pa natin minsan na sa mga usapang pang-matanda ay may mga bata na “sumasali” na sa usapan at kadalasan pa ay makikipagtalo sa mga higit na nakakatanda sa kanila. Wala na yung panahon noon na pag sumasagot ang bata sa matanda o kaya ay sumasabat sa kanilang usapan ay siguradong mapapagalitan o di kaya ay mapapalo.

At isa sa malalalang pangyayari na dahil sa kawalan ng pagantabay ay ilang beses na ring may mga kabataang napahamak at napariwara sa walang disiplinang paggamit ng social networking sites.

Malaki na ang pinagbago sa uri ng pagdidisiplina sa kabataan. Nakikitang “marahas” ng marami kung paano dinidisiplina ang mga kabataan noon kumpara sa ngayon. May ilan pa na may batayan pang mga pag-aaral sa psychology ang pagpuna sa pagdidisiplina sa kabataan at kadalasan na ang pag-aaral na ito ay galing sa kanlurang bahagi ng mundo. Ang “child spanking” bilang bahagi ng disiplina ay mas laganap rin sa silangang bahagi ng mundo tulad dito sa tin sa Pilipinas maging sa malaking bansang tulad ng China. May mga aklat pang naisulat patungkol sa ganitong uri ng pagdisiplina at paanong nahubog ang pagkatao ng sumulat nito. Sa west naman,sa panahon ngayon ay maaaring ika-kulong  pa ng mga magulang kung pagbubuhatan ng kamay ang kanilang anak. Maaari pa itong mangyari kapag ang anak pa mismo ang nagsumbong sa kinauukulan at pag naipasa pa ang isang sinusulong nilang batas, maaari pa itong humantong sa "habambuhay na pagkakakulong" sa magulang.

Sabi sa ilang pag-aaral na nagbubunga raw ng “anxiety and aggression” sa kabataan ang pagbubuhat ng kamay sa kanila. Sa paglaki raw ng kabataang napapalo ay mas malaki ang tsansa na maging mas agresibo at bayolente sila kumpara sa hindi. Tulad ng nabanggit sa itaas, hindi normal sa kanluraning mga bansa ang pamamalo ng anak bilang pagdisiplina. Pero bakit tila mas marami tayong nalalamang mararahas na mga krimen na ginagawa ng kabataan sa mga bansa tulad ng Amerika? May mga namamaril, nambubugbog at pumapatay ng hindi lang iisang tao kadalasan at ang gumagawa ay mismong kanilang mga kabataan. Mas nakikita rin natin ang pagiging mas agresibo at kadalasang pagsuway sa magulang kumpara sa mga kabataan sa mga bansa sa silangan. Pero sa panahon ngayon, tila dun na rin papunta ang ating bansa sa ganoong sitwasyon.

Dalawang bagay ang mainit na napaguusapan sa ating bansa ngayon na nauukol sa kabataan, una ang “Juvenile Justice Law” at pangalawa ay ang ruling ng Dep Ed sa teachers na “Bawal Sumimangot”.  Sa Juvenile Justice law, maraming karapatan ng kabataan ang pinatibay sa kabila ng kanilang maaaring pagkasangkot sa krimen. Hindi sila maaaring kasuhan at itrato na tulad ng matatanda na nagkasala sa parehong krimen at kung sakali man na gumawa ng di maganda ang biktima o kahit sino laban sa mga batang nagkasala ay maaari pa silang kasuhan ng child abuse. Sa “bawal sumimangot rule" naman ng DepEd ay pinagbabawal na ang pagsimangot ng mga guro sa kanilang mga estudyante. Hindi ko lang alam kung kahit tipong may dysmenorrhea, migraine sila o talagang may ginawang kabulastugan ang mga bata ay bawal pa rin silang sumimangot.

Sa ngayon ay napakarami nang kabataang nasasangkot sa krimen. Gaya ng mga tinaguriang “hamog boys” na nagnanakaw sa mga pumapasadang drivers at kadalasan ay nananakit pa. Meron ding mga pumapatay at nanggagahasa pa. Talagang kalunos lunos ang sitwasyon ng mga kabataang ito. Ang tanong ay nasan kaya ang kanilang mga magulang? Hindi ba nila kayang kontrolin o disiplinahin ang kanilang mga anak hanggang humantong sila sa ganito?

Sa kabilang banda naman, ipinagbabawal na daw ang pagsimangot ng mga guro sa mga mag-aaral sa kadahilanang marami ang “nadidiscourage” na mga kabataan at nahahantong pa ito sa kawalan ng gana na mag-aral. Pinakita pa sa isang balita na may isang kinse anyos na bata na hindi na pumasok sa eskwela dahil palaging pinapagalitan ng guro at maging ng principal. Grade 2 lang ang inabot ng batang ito. Ano kaya ang ginawa ng magulang at hinayaan na ganito na lang ang abutin ng kanilang anak? Kung pinag-iinitan man ang kanilang anak, ano kaya ang dahilan? At bakit hindi nila kinausap man lang ang guro at ang kanilang anak para maayos ito? 

Sa aking karanasan, marami akong mga naging guro na masasabi nating “terror”. May ilan na matalim talaga ang mga salitang binibitawan at may ilan pa na may mga pisikal na pagdidisiplina sa estudyanteng matigas talaga ang ulo tulad ng pagpalo sa kamay, pag pingot , pagpapalabas sa klase at iba pa. Subalit ang mga gurong ito ang siya ring mas tumatak at nakapagbigay ng disiplina sa maraming mag-aaral na kanilang nahawakan. 

Sa dalawang kautusang ito ay para nating ginapos ang kamay ng dalawang ahensya para disiplinahin ang ating kabataan. Una ang kapulisan at pangalawa ay ang mga paaralan. Inalisan natin ng ngipin ang mga ito para disiplinahin sana sa maling gawa ng ating mga kabataan. Ayos sana ito kung sa mga tahanan pa lamang ay nadidisiplina nang maigi ng mga magulang ang kanilang mga anak. Subalit ayon na rin sa ating mga nakikita sa paligid ay humahantong pa sa mas malalang bagay ang dulot ng kawalan ng disiplina ng mga bata mula sa mga pabayang magulang.

Kung hindi kayang disiplinahin ng maraming magulang ang kanilang mga anak, at aalisan pa natin ng kakayahang disiplinahin ng lipunan ang ating mga kabataan, sino na lang ang matitirang magdidisiplina at magtuturo ng tamang pamumuhay sa mga musmos na kaisipan?


LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...