Saturday, June 30, 2012

The People and the Stock Market

Another valuable lesson in life which I previously learned from experience are: relationships with people are very much like the stock market; weak hands are shaken off during big value drops or corrections. Though the glaring difference is that when it happens, the stock market does not care but people do.  But as we go on understanding this concept, like the market the person will start to care less and move on.

Another thing is that, lessening the risk is of utmost importance in most of our decisions never much swayed by feelings and emotions.

And lastly, just like in the market, people must not fret too much in the errors of the past. This might cause us missing the chances on the present and the opportunities that lie ahead. Take the lesson from that experience, apply it to the strategy, and then move forward as a more mature and learned person.

(This is a repost from my old Facebook notes)

Thursday, June 28, 2012

Di kaya pinapagastos lang nila tayo?

Nung bata pa ko ay masasabi kong mas konti lang ang pagpipilian ng mga pagkakalibangan, pagugugulan ng oras o pagkakaabalahan kung ikukumpara sa ngayon. Noon e pag dating ng hapon lalo tuwing bakasyon ay lalabas lang ako para maghanap ng kapwa ko bata para maglaro ng mga uso ng panahon na yun. Minsan teks, o kaya tansan, balat ng mga kendi, laste o kaya mga maliliit na plastic na action figures. O kaya naman ay yung mga larong pangkalye ang ginagawa namin tulad ng tumbang preso, agawan base, luksong tinik, luksong baka, tagu taguan, taya tayaan, patintero  at kung ano ano pa.

Pag uwi naman sa bahay, manonood ng tv. Palabas e mga educational tulad ng Batibot, Sesame Street o kaya mga cartoons at mga kiddie shows na hindi pa tagalized. Ingles ang salita pero walang problema naman sa min yun at talagang inaabangan namin sa araw araw ang mga palabas na ito.

Ilang away bata na kaya ang nangyari dahil lang sa tansan?

Ilan pa sa naaalala kong libangan ay magbasa ng mga pambatang komiks. Maraming magagandang kwento at aral ang mapupulot bukod sa nakakalibang talaga noon ang pagbabasa ng komiks. Kaya rin siguro ako naging hooked sa pagbabasa hanggang ngayon ay dahil sa nakagisnan ko ngang pagbabasa noon ng komiks.

Wala pang internet. Wala pang online gaming Wala pang mga cellphone, gadgets at kung ano anong makabagong gamit. Malamang, ma-bo-bore ang kabataan ngayon kung ilalagay sila sa panahon na kinagisnan ko noon.

Kadalasan naman ngayon pag bakasyon sa eskwela, maraming mga iba’t ibang uri ng summer camps na ginaganap kung saan pinapadala ng mga magulang ang kanilang mga anak, gusto man nila o puwersahan. Merong sa iba’t ibang uri ng sports, o kaya ay pag-aaral ng isang kasanayan sa sining o musika at kung ano ano pa. Ang mga hangarin ng mga ganitong mga gawain ay para maimprove ang ilang mga aspekto sa buhay ng kanilang mga anak, pangunahin na rito ang physical, emotional , psychological at kasama na rin ang social skills nila dahil sa pakikisalamuha sa kanilang kapwa batang pumasok sa mga programang ito.  Sa panahong ito ng bakasyon, kinakailangan pa rin ng mga bata na gumising ng maaga para pumasok sa mga programang ito. Pero mabuti naman sa mga bata ang masanay na gumising ng maaga.

Ilan pang mga gawain sa mga bakasyon na ginagawa ngayon ng kabataan ay umattend ng mga review classes para makapasa sa entrance exams sa mga pamantasang gusto nilang pasukan. Noon, hindi pa ito uso pero ngayon e kabi kabilaan na ang mag nagbibigay ng ganitong uri ng serbisyo. Binabandera pa nila ang passing rate sa mga major universities ng mga reviewers nila para talagang makahatak ng mga papasok sa kanilang programa.

This is you.


Ilan pa sa mga nakikita kong mga bagay na pinagkakaabalahan ng kabataan ngayon na wala noon ay yung mga “english lessons” lalo para sa mga gustong makapasok sa mga call centers ngayon. Isa ang Call Center sa mga patuloy na lumalagong industrya sa bansa at talagang dumadami ang pangangailangan nila ng mga empleyado taon taon. Kaya naman marami rin talaga ang nahahatak sa mga trainings na ganito para maging handa sila at matanggap sa mga call center companies. Maganda rin kasi ang suelduhan sa ganitong kumpanya. Malaki rin ang pinapasok nitong pera sa ating bansa.

Isa pang napansin ko ay ang pabata ng pabata ang pinapapasok sa eskwela. Sa kin noon ay nanay ko lang ang nagturo sa kin magbasa sa edad na apat hanggang lima. At sa gulang na anim na taon ang karaniwang pinapasok sa eskwela ang kabataan sa aking henerasyon. Sa ngayon, tatlong taon pa lang puede na.  Ang pinakabago pa nga tulad ng napanood ko kanina sa isang balita ay kahit sanggol raw ay puede nang turuan at ginagawa pa ito sa nangungunang pamantasan sa ating bansa.  Tatlo hanggang anim na buwan raw ay puede nang ipasok sa eskwelang ito kasama ng kanilang mga ina. Ayon daw ito sa pag-aaral ng mga eksperto at makakatulong daw ito sa mas maayos na development ng mga bata.

Kumpara sa kung anong pinagkakaabalahan at pinaggugugulan ng oras ng mga kabataan noon at ngayon, masasabi kong halos pareho lang ng hangarin at binubunga ng mga ito. Physically, mentally, socially and emotionally, nagkakaroon ng maraming positibong epekto sa kabataan ang iba’t ibang aktibidades na ito.

Ang malaking kaibahan lamang, sa ngayon ay pinagkakagastusan  ng ilang mga magulang para maipasok ang kanilang mga anak sa ganitong  mga uri ng programa. May pagkakataon pa nga na mas mahal ang bayad sa ganito kesa sa mismong tuition sa eskwela ng kanilang mga anak. At minsan pa nga ay labag sa kalooban ng mga bata ang makilahok sa ganitong bagay kung di lang sila pinilit ng kanilang mga magulang.  Di tulad noon na kusa at gustong gusto ng mga bata ang mga bagay na pinagkakaabalahan nila.  

Napakarami nang nagbago. Andaming mga bagong sistema na unti unting nadagdag sa pamumuhay ng tao. Marahil ay kaya nawala na rin ang ilan sa mga ginagawa natin noon ay dahil sa maraming pinauso ang mga tao na tingin nila’y mas makakabuti at makakatulong sa pagabot ng pangarap at tagumpay ng kabataan ngayon.  Sa sobrang busy ng mga tao, yung mga bagay na noon ay nakukuha natin ng libre ay kailangan nang pagkagastusan sa ngayon. Sa sobrang gusto nating maging mas simple at madali ang buhay, sinusubukan nating gawing mas organisado ang takbo ng pamumuhay ng mga bata sa pamamagitan ng mga programang nabanggit.

Sa dami ng mga nauusong mga sistema at programa na sinusunod ng maraming tao ngayon na bunga sa mga pag-aaral ng mga eksperto, iiwan ko na lang sa inyo ang pagsagot sa mga katanungang ito. Puede nyong ilagay sa comment section ang sagot:
1.       Mas malaki nga ba ang tsansa na mas maging maayos at matagumpay ang kinabukasan ng mga batang ito kumpara sa mga bata noon?
2.       Nagiging mas malikhain at produktibo nga ba sila kumpara sa mga bata noon?
3.       Worth it ba ang pagkagastusan natin ang mga bagay na ito na ayon sa lipunan ay magbibigay ng bentahe sa ating mga kabataan?
4.       Magiging mas masaya kaya ang buhay ng mga bata ngayon?




Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.   
 

Tuesday, June 26, 2012

Careless Whisper (3DO Cover)

Soundtrip muna guys. I'm feeling nostalgic right now (and doesn't have much time to write, dami work ;) ). That's why I'll just post our cover of the song Careless Whisper by George Michael which was later on popularized by...wag na lang.

We recorded the song in a small studio somewhere in Pasig City. Then we submitted it together with some other songs as our audition demo for a company event. We passed and got chosen. This was a live recording by the way.

Some info about our band:

Band Name: 3DO (it means 3 days old. We met, brainstormed and practiced only thrice prior the event which included our recording. That's how great my band mates were as musicians. My job was the easiest, it's just to memorize the lyrics, hehehe.)
Members: Ken(Lead Guitar/Backup Vocals), Jet (Bass Guitar), Eiffer(Drums), Me (Vocals)
Event: Awards night for our company back then which was held at the SMX. We're the front act for Spongecola that night (you're right, I'm name dropping :P)
Gigs after the event: None. The four of us never met as a group after it. Pinanindigan ang pangalang "3DO". hehehehe.

Enough of the information and here's the song. Enjoy guys! 


Saturday, June 23, 2012

8 Valuable Lessons from Being Betrayed

I’d been betrayed so many times. As hard as they were when they happened, I was able to get out of them alive. I can still clearly recall some of those betrayals that happened to me in details.

One instance that had etched deeply in my memory was when I was accused of stealing a classmate’s money.  He was a seatmate. I never thought that I would become a suspect as I never had a record of doing such deed.  I never stole money in my whole life nor ever thought of it.  But then, I was accused of doing it. People were talking at my back. Well, not really at my back for some as I heard those who were speaking loud enough for me to hear it. I knew that they were talking about me.  I couldn’t speak back as they were not talking to me directly.  

They never gave me the chance to defend myself. I just kept it to myself until somebody was brave enough to call me up and to ask me upfront. It was confirmed that people thought that I stole the money. Then this person told me that she wanted to ask me directly as she didn’t believe that I could have done it based on how she knew me. I was surprised and was thankful to have that call from her. It’s just what I needed at that time. I thanked her and told her that she’s right, I didn’t do it.  

I didn’t know what she did with that information. Maybe she told those people who were accusing me to clear my name. I never asked her about it.  Until the truth came out for the whole class and they discovered who truly did it. I never expected apologies but as far as I remember, I never received one.





It’s easier to forgive than to forget. I admit that I still remember those instances. All of those flashes back in my mind collectively when I’m being betrayed again. And with the many instances that it happened, I knew that these probably happens to all. There are just these lessons too valuable to be missed that make it worthy of being betrayed once in a while:

  1. You’ll learn to care less about how other people think of you. You do good things and still some will think of you badly. So might as well do what you really wanted caring less of what pleases them.
  2. You’ll learn to expect less from people. Expecting too much will just give you major disappointments and will ruin relationships.
  3. You will feel f more freedom and enjoy more time working on things truly worth doing. This is in connection to number 1.
  4. You’ll be able to spend more time with people worthy of your attention.
  5. You’ll also realize that you should not quickly judge other people.
  6. You’ll view life more positively because you will experience firsthand that there’s still life after betrayal.
  7. You'll learn that people have short memory of their own misjudgments. Once you’re vindicated, people easily forget what they’ve wrongly thought of you.  Human mind seems to have a natural storage of mistakes of other persons and instantly cancels all that is positive. Probably, it is an evolved natural defense mechanism for survival. So it's better to move on when you become a victim of it than fret about it. It seems impossible to forget but you can always forgive especially when you understand this human nature.
  8. You’ll learn to reserve and rebuild your trust (yes, you can rebuild it) with the right people as time passes by.
Regarding the people concerned on my betrayal story above, no worries. I rarely hold grudges. Most of those people who did that to me are still friends.  I forgave them a long time ago.  If some of you guys are reading this, don’t worry. I understand that we were very young then. We know better now. And for the person who called me up, I haven’t talked with you after we graduated.  Hope we can still have a chance someday. Thanks to you again. But it's a fact that the people who betray usually forget the act, but to the one betrayed, they will remember. But definitely, they will learn.


If you find this article interesting, you may share this article on your Twitter, Facebook or other social network accounts via the buttons below or thru the floating icons on the right. Thanks for the visit and hope that you also like our Facebook page “The Ignored Genius”(see the like button on the mid-upper right part of this page) or follow me on Twitter @ignoredgenius. Thanks!

Friday, June 22, 2012

I Dreamt of War

I am trying to deny to myself that I'm concerned and alarmed on what’s happening on the West Philippine Sea specifically on the Panatag Shoal but my subconscious mind betrayed me.


Last Wednesday night or noon (I already forgot as I’m working on night shifts and was on sick leave that day due to upper back pain so I slept twice), I had this dream of war in our country. It was a very clear one.  

The setting began on the airport. I’m not sure why we were there. But we were all shocked when one airplane which was on landing mode started going on free fall with smokes on its wings. And then another one followed. It was like a scene in a movie.


Then there was breaking news on tv. Stealth missiles coming from the shores were the culprit. And it was from Chinese ships. We were officially on war mode.


Then the next setting was back home, our family were starting to arm ourselves. My uncle who’s a retired navy even showed his loaded guns to us. We planned on how to protect ourselves, escape and fight for our lives. Then bombs exploded all around.


Then I forgot what happened next and then I woke up.


In my dreams, I felt excitement, fear, confusion, anger all mixed up.  It seemed so true. Thank God it was just a dream. But what if…

Wednesday, June 20, 2012

Pakinggan ang Galit Mong Sarili

Magagalitin akong tao. Lalo sa mga nakakakilala sa kin ng personal, malamang na maririnig nyo ang iba’t ibang kwento tungkol sa pagiging “highblood”, “masungit”, “war freak” at kung ano-ano pang salitang kasing kahulugan ng taong laging nagagalit ang nailalapat sa akin.

Maraming dahilan kaya ako nagagalit, minsan dahil sa tao at pangyayari sa aking paligid, sa sitwasyong kinalalagyan ko o minsan ay sa sarili ko mismo. Madalas din na ang kinakagalit ko ay paulit ulit lang. At hindi ito maganda sa kalusugan. Minsan ay umabot pa sa punto na ilang ulit akong naisugod sa ospital at ang dahilan, pagkikimkim ng sama ng loob kasabay ng stress at pagod. Nung una akong beses nasugod sa ospital, imagine na nakahiga na kayo sa gitna ng aisle ng jeep tapos naninigas ang buong katawan nyo, hirap huminga at di na makapagsalita at pagkatapos maririnig nyo pa ang mga tao habang nakatingin sa akin na bumubulong ng “nangingitim na, nangingitim na”… whew… kwento ko na lang ito ng buo sa susunod.



Madalas nga may mga kinakagalit tayo na pangyayaring paulit-ulit. Alam natin kung ano itong bagay na kinakagalit natin. Lagi lang itong nandyan. Lumilipas din naman ang galit natin dito, makakalimot bukas at magiging kalmado. Pero pag naulit, andyan na naman at nadadagdagan pang lalo ang galit.

Ang gusto ko lang sanang malaman ay kung pinakinggan mo na ba ang sarili mo nung galit ka? Kung oo, sineryoso mo ba ang sarili mo?

Madalas na pag galit tayo sa isang tao, sinasabi natin sa sarili natin na “iiwasan ko na tong tao na to.”, “Lalayo na ko sa kanya.”, “ Di na ko uli magtitiwala sa kanya” at kung ano ano pang hindi mo na gagawin. Pero kinabukasan, lipas na naman ang galit mo at babalik ka na naman sa dating gawi at pakikitungo sa kanya.  Siguro di maiiwasan dahil kailangan, tapos may gagawin na naman siyang hindi mo gusto at babalik uli ang galit at sasabihin mo na naman uli ang mga katagang sinabi mo na nung una kang nagalit.

Ganon din sa mga sitwasyon, halimbawa sa trabaho.  Galit ka sa mga kasamahan mo na pinagtsitsismisan ka kahit wala kang ginagawang hindi maganda. O kaya naman e sa boss mo na tingin mo e pinagiinitan ka.  O sobrang hirap ng schedule mo kaya naaapektuhan na nito ang kalusugan mo. Puede rin naman na ayaw mo lang din talaga ng ginagawa mo at hindi ka na masaya. Isa man o lahat ng ito ang totoo, marahil na pag galit ka na ay nasasabi mong “makpagbakasyon muna para makapahinga”, “kakausapin ko na yung HR bukas tungkol sa nangyayari sa kin”, “ Ire-raise ko na kay boss yung mga issues ko ng malinawan naman siya”, “ayusin ko na resume ko ng makapagapply na ko sa ibang kumpanya” at kung ano ano pang mga litanya ng mga tingin mong dapat mong gawin kapag nagagalit ka na at naaapektuhan na ng mga nangyayari.

O kaya naman sa buhay mo mismo. Hirap ka na sa buhay mo, ayaw mo na ng ganitong buhay. Gusto mo nang magkaroon ng pagbabago, at sa galit mo ay mapapamura ka pa at sasabihing “Pu***ng inang buhay ito! Ayoko na ng ganito! Bukas na bukas ay aayusin ko na ang buhay ko!” Tapos nakatulog, kinabukasan, balik sa dating gawi. Balik sa dating gawain. Wala pa ring pagbabago.

“Di ko na kaya! Eto na ang gagawin ko para di na maulit!”—ganyan kadalasan ang ating tono pag tayo ay nagagalit na. Madalas natin marinig ang katagang “wag mangako pag masaya, wag magdesisyon pag galit ka”. Sang ayon ako rito dahil dapat talaga nating pag ingatan ang bawat katagang bibitiwan natin. Pero sa kabila ng katotohanang ito, kaya rin naman tayo nakakapagbitiw ng salita ay dahil sa ating nararamdaman. Kung galit tayo, may dahilan yun at isa roon ay tayo ay nasaktan. At kung tayo ay paulit ulit na nagagalit, ibig sabihin ay paulit ulit tayong nasasaktan. Kung sa isang dahilan lang, hindi kaya marapat lang na pakinggan natin ang ating “galit na sarili”?

Kung hahayaan natin ang sarili natin na masaktan ng paulit ulit, maaari itong makaapekto sa ating pang-araw araw na gawain, relasyon sa ibang tao at sa ating kalusugan. Hindi mabuti ang galit sa puso. Oo nga, ito’y lumilipas subalit tulad ng isang sugat, maaaring parang humihilom sa labas subalit ang kalooban nito ay patuloy na nananariwa lalo’t hindi tuluyang nabibigyang lunas ang ugat.

Pakinggan ang galit na sarili. Bigyang pansin ang kanyang dinaramdam. Tandaan ang kanyang mga sinasabi, pag-isipan ito at gawan ng pagkilos. Kung alin mang problemang gusto niyang makawala,  isang tao lang naman ang gusto niyang matulungang umayos at gumaan ang buhay. At ang taong ito ay walang iba kundi ikaw.


Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.  

 

Wednesday, June 13, 2012

Baka kasi sabihin nila eh...

Ilang beses na kong nakagawa ng maling desisyon sa buhay. May ilan na inis na inis ako sa sarili ko dahil sa ginawa kong desisyon.  Kung puede ko lang sapakin ang sarili ko e ginawa ko na sana… well technically puede yun pero naisip ko na wag na lang gawin dahil mukhang mas pangit na desisyon yun at mas mahirap magpaliwanag na may black eye ako dahil sinapak ko ang sarili ko. 

Maraming bagay na dapat isaalang alang kapag gumagawa tayo ng desisyon. Iba’t ibang bagay ang puedeng maging dahilan ng ating pagpili. Subalit ang pinakamadalas nating naririnig at nagiging pagkakamali na rin sa ating mga pagdedesisyon ay ang ang sobrang pag-iisip ng sasabihin ng mga tao sa ating paligid.

Ilang trabaho na ba ang hindi nagawa, kursong hindi tinapos, lugar na hindi napuntahan, bagay na hindi nabuo, pag-ibig na hindi natuloy o pangarap na hindi natupad dahil sa pag-iisip sa sasabihan ng iba?

Kadalasan, mas mabigat pa nga kung ano ang sasabihin ng iba kesa sa pansariling kagustuhan. Matapos na timbangin ang lahat ng bagay ay ginagawang panghuling tagahusga ang opinyon ng ibang tao sa bagay na gagawin. Hindi naman masama na isaalang-alang ang iisipin ng ibang tao. Minsan ay kailangan din naman nating pulsuhan ang mga tao sa paligid dahil maaaring sila rin ang magiging kaagapay natin kung magtatagumpay ba tayo o hindi sa desisyong gagawin. 

Pero para bigyan ito ng bigat na higit pa sa maraming bagay na iyong pinagisipan at mas lalong higit sa pansarili mong kagustuhan, ito ay para sa akin ay isang uri ng kahibangan.


Kahibangan sa pag-aakala na lagi na lang tayong nasa isip ng ibang tao. Kahibangan na ipagpalit ang sariling kasiyahan sa sasabihin ng iba. Kahibangan na hindi gawin ang sa tingin nating tama dahil ayaw nating maging mali sa paningin ng iba.


Lagi sana nating tandaan na kung meron man tayong gawin o wala, may masasabi at masasabi pa rin ang ibang tao. Pero sa huli, anuman ang resulta ng desisyong ginawa natin o hindi, tayo lang rin mismo ang magtatamasa ng kung anumang ibubunga nito.



Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.  

 

Saturday, June 9, 2012

Ang Nakakabobong Inspirasyon

Sa maraming mga bagay na nagbigay inspirasyon sa akin na isulat ang karamihan sa mga artikulo dito sa TIG, isa na rito ang awitin ni Loonie at may version na kasama niya si Gloc9 na siyang nakapost dito.

Binanggit na nilang halos ang lahat ng mga eksaktong salita na gusto kong lumabas sa bibig ko. 

Here's the song. Enjoy! ;)


Thursday, June 7, 2012

Pagluluksa sa Kalayaan

Napakaswerte mo. Sobrang malaya ka sa bansang ating kinamulatan. Sa sobrang laya, halos walang limitasyon ang puede mong magawa. Maraming bawal ang nagagawa mo ng di ka nasisita. Maraming mali na nagagawa mo na nagiging proud ka pa. Gagawa ka ng di tama, sasabihin mo lang sa sarili mo ok lang kasi ginagawa rin naman ng iba. 

Sa araw-araw, ilang mga tao sa gobyerno at mga leader natin ang namumura mo, iniinsulto, niyuyurak ang pangalan, sa online man o sa totoong buhay. Nakulong ka ba? Hindi pa naman di ba? Isa pa, malaya ka namang pumili ng karapat dapat na tao sana para sa posisyon nila. Malaya ka namang bumoto ayon sa iyong konsensya at paniniwala. Pero malaya ka ding bumoto dahil tingin mo e ito yung mukhang llamado nang mananalo at yung gusto mo sanang iboto e wala namang pag-asa, ayaw mo namang masayang ang boto mo sa talunan. O kaya e ang kalayaang iboto ang isang kandidato na tingin mo may mas pag-asang manalo kesa sa talagang gusto mo dahil yung ayaw mong manalong kandidato eh makasilat kaya dun ka na lang sa malakas niyang kalaban. Sabagay, pagkatapos naman at pumalpak man sila e malaya pa rin naman tayong magreklamo sa mga pinaggagagawa nila.

Dagdag pa natin ang kalayaan mo na manood ng tv, telenovela man yan o news, bahala ka kung ano gusto mo. Pagdating sa media, sobrang laya din natin diyan.  Lahat ng uri ng balita, kahit sobrang aga e mapapanood mo kahit gaano pa kaselan yan. Malayang-malaya na mapapanood ng kahit sino, matanda man o bata. Malaya rin ang news na ipakita ang gutay gutay na katawan ng mga nasagasaan, nahulog sa building at kung anu-ano pang aksidente na walang pakundangan sa nararamdaman ng mga manonood o kahit pa ng mga kamag-anak ng biktima. Malaya din ang mga reporter natin na magbigay ng opinyon nila sa tv tungkol sa mga isyu na dapat e inilalahad lang naman nila. At ikaw, malaya ka rin naman na paniwalaan lahat ng mga sinasabi nila.  At yun nga ang ginagawa mo.

Malaya rin naman tayong mag isip para sa ating sarili, yan ang sigurado. Pagiisip para sa sarili na malaya mo pang ini-aasa sa iba. Uso daw ang ganito, salbahe daw si ganon, maganda daw yung ganyan, di daw okay yung ganon, masama daw yung ganyan at kung ano ano pang sabi nila.  at walang pagdadalawang isip na tinatanggap na lang basta basta bilang katotohanan yung sinasabi nila.  

Malaya ka rin namang magreklamo  sa pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin, ng tuition fee, ng pamasahe. Malaya kang magalit at isumpa ang patuloy na pagbagsak ng ekonomiya. Malaya ka ring magsalita laban sa mga kapitalista, gahamang negosyante, mga insiders sa trading, mga jockeys at kung sino sino pa. Malaya ka ring dagdagan ang kaalaman mo para makakabig ka man lang sana ng pandagdag sa kinikita mo tulad ng ginagawa ng iba sa legal na paraan. Pero mas pinili mong gawin ang kalayaan mong magreklamo na lang ng magreklamo. Sabagay, malaya ka namang gawin yan.
Pagdating sa pag-aaral, nung estudyante tayo ay malaya rin tayong gawin ang ano mang gusto natin. Puede nating piliing maging palaaral at disiplinadong estudyante. Puede ka ring maging katamtaman lang, wala namang masama roon basta importante e may natututunan ka at di mo sinasayang yung pinampapaaral ng magulang mo. Malaya ka rin na maging sikat kung yun ang gusto mo, sikat bilang isa sa mga may mataas na karangalan dahil sa mga grado mo. O kaya e sikat bilang isang atleta na inilalaban pa sa labas ng paaralan. Puede ring dahil sa talent mo sa pagsayaw, pagkanta o kung ano pang talento na meron ka. Malaya ka rin namang bumarkada, puedeng sa matino, puedeng sa hindi. Malaya ka ring maging sikat dahil siga ka, maangas, kinakatakutan. Malaya kang magbulakbol at sayangin ang pagkakataon mo. Malaya kang tapusin ang pangarap mo at ng mga magulang mo sa yo.

Nabanggit na rin natin ang pangarap, sabi nga eh pangarap na lang ang libre sa ngayon. Tama, malaya tayong mangarap ng mataas. Pero pinili mo pa rin ang kalayaan mo na kulungin ang sarili mo at tipirin hanggang sa pangangarap. Malaya kang tingnan ang sarili mo ng mababa, na hanggang dyan ka na lang at wala ka nang mararating. 

Malaya ka sanang baguhin ang sitwasyon mo sa buhay. Malaya kang piliin ang mas mainam para sa yo, pero tila baga mas madali ang piliin ang kalayaan mong magsawalang bahala na lang at hayaan na lang na dalhin ng agos ng mundo kasama ng ilang nilunod na rin ang sarili sa kanilang walang limitasyong kalayaan.




Kung nagustuhan mo po ang artikulong ito, kung maari po ay i-share ito gamit ang iyong Facebook o Twitter account gamit ang mga button sa ibaba o ang floating icons sa bandang kanan para maenjoy din ito ng iba. At i-like din ang ating Facebook page sa pagpindot ng "like button" sa may upper right at gayun din sa pagfollow sa ating Twitter account para sa updates sa aking blog. Salamat po.  

Tuesday, June 5, 2012

"K to 12", K or Not?

A good system of education is one of the important foundations of a progressive country. A literate populace provides strong manpower that is usually translated into a healthy economy. The Philippines, for the longest time, takes pride of being one of the most literate countries in the world.  This explains why our country is one of the largest providers of professionals and laborers around the globe.  But this does not mean that we do not have any problem on our education system.

Obviously, we have and there are lots of them. The lack of classrooms, chairs and books are just among them. Add the shortage in the number of teachers to that and you get the formula to having a steadily decreasing quality of education.

And to address these problems, the Department of Educationor DepEd , the government’s education arm introduces this system that they call “K to 12” which simply means Kindergarten plus 12 years of primary and secondary education. Before it was in place, there are only 10 years of combined years for elementary and high school. 

According to our DepEd officials, one of the main reasons that they decided to introduce K to 12 in our country is that we are the only country left especially in the Southeast Asia that has only 10 years of basic education. And with that, we are being left behind. They think that this will help improving the quality of education in our country.

K to 12 for them is meant to be an answer to the major problems in education. But if we check on the most obvious issues (i.e. shortage of teachers, lack of classrooms, chairs and books) isn’t it adding up 2 years just aggravates these problems?

I would not want to judge the system totally as I’m sure that there are a lot of other good reasons by the DepEd to put the K to 12 system in place. But I would like to share my analysis and suggestions that might help in improving this new system. And if some lawmaker or DepEd official might stumble upon this blog, I hope they can consider some suggestions from here.

I provided here some key issues that the DepEd is targeting thru K to 12.
  
           a.  Improving the competitiveness of students.

Advantages – With the added years, the curriculum and years of teaching will be lengthened. Teachers will have more time to teach and focus on their specific subjects. Additional subjects will also be introduced that will add value to the students even before they enter college. 

Disadvantages – Unless the lack of resources is addressed, the added 2 years will be a burden rather than a blessing both to the schools and the students. With classrooms already crowded, where will the schools conduct classes for the additional levels? And where would they get the teachers to do the job amidst the shortage? And let’s also remember that there are some numbers of students who cannot even finish the previous length of basic education which was only 10 years due to financial problems. Imagine what the added 2 years would do to them.


My suggestion – They should first focus on each issue one by one. More than the DepEd budget, our lawmakers should provide larger chunk of their pork barrel in building of classrooms and other facilities. The local government should also do their research and feasibility studies to address the problem in school resources. Then the output of this study will be the basis of a long term program targeting, for example a 50 student per classroom or 1 book per student status.


Then on the shortage of teachers, why can’t the government create a separate scholarship program for teachers just like what they do with the DOST SEI program, this time the DepEd being the stakeholder of the program. Thru this, the government will provide budget subsidizing education that includes tuition fees and necessary allowances for all aspiring teachers. With this program, it will encourage more of our students to take up education in college and will also address unemployment rate due to mismatches of skills with the needed manpower in our country.


Then lastly, increase the salary of our teachers.


          b.  Work will be available for our students after K+12 even without entering college.


Advantages – Having partnered with CHED and TESDA, the necessary knowledge and skills will be injected in the K to 12 curriculums. This can address shortage on manpower needed by some industries that do not require college degree. 


Disadvantages – As mentioned earlier, some students cannot even finish the current 10 years of basic education.  And also, we can’t say that the current program is not enough preparation for college as it still produces good graduates who performs well in their tertiary education and succeeds later in career. And by adding 2 more years, this will also add burden to those who seemed not in a need for the added years for their preparation to college.


My Suggestion – Provide options. Like for those who can’t afford going to college after the initial 10 years of basic education can have the +2 years to learn the skills and needed expertise to land them on those jobs that does not require a college degree. And if they want to pursue college education after that, they will be free to do so. 


Or, we can have assessment examinations on students in the fourth year high school regarding their preparedness of entry to college. Actually, we’re already doing it thru the NSAT and before with NCEE. It’s just a matter of customizing it to what this program needs. Those who will pass the exams can go to college and those who are not will be required to undergo this 2 years. Or it can be just a year and after that, another exam will be taken. And if still they are not able to pass, then another year will be added. And these added years required for them will not be wasted even if they are not able to reach college level as it will also include trainings on technical skills which will be suited for them to get jobs after school.


                To summarize it, it’s just like any national concern that we have. It does not necessarily mean that if the other countries are doing it, we should also do the same. We also need to check first if we have the same level of readiness with them for us to apply the same system that they are already using. The case for them may not be the same for us and we might need tailor-made programs to match what our country needs.  In the end, we know ourselves more than anybody else and we are the most capable persons to know what’s good for us and what is not.

If you find this article interesting, you may share this article on your Twitter, Facebook or other social network accounts via the the specified buttons below or the floating icons. Thanks for the visit and hope that you also like our Facebook page “The Ignored Genius”(see the like button on the mid-upper right part of this page) or follow me on Twitter @ignoredgenius. Thanks!

Monday, June 4, 2012

Mindset

Early on in my life, I already had this strong belief on the power of "mindset". I always had this thinking that if one put his mind into it, then it is possible to happen. The brain, being the most powerful and complicated organ, will control every other parts of your body once it is focused on achieving whichever goal that you had been targeting all along.

As I had mentioned on one of my earlier posts, I will be creating this other blog where I would be sharing some information and knowledge that I learned about investing. And that blog is already created with an introductory article regarding "mindsetting".  Hope you can also drop by on my other blog entitled "Layman Investment". All my future articles regarding investments will be posted there and everything outside it will still be published here.

Thanks and see you there.

Friday, June 1, 2012

Ang Ma-inLove sa Pagiging In-Love ay Hindi Biro

Ilang mga programa na ba sa tv at radio na merong tema ng tungkol sa pagpapayo sa mga problema sa pag-ibig? Mula pa sa panahon ata ng mga lolo natin hanggang sa kasalukuyan ay hindi nawawala ang ganitong uri ng programa at talaga namang sinusubaybayan at matataas ang ratings na kanilang nakukuha. Ako man, aminin ko na hooked ako sa mga ganitong uri ng talakayan at programa.  Nakaka-adik makinig ng problema ng iba at nakakalibang din ang pakinggan ang mga payo at reaksyon sa mga callers na minsan ay makakadama ka ng pagkaawa pero kadalasan ay pagkainis na may kasama pang side comments tulad ng “tanga, bobo, martir, baliw, gaga” dahil nga sa minsan e parang andali namang desisyunan kung paano makakalampas sa kanilang mga hinaing pero parang di nila makuha o ayaw lang talaga nila gawin kung ano ang tama.


Sa aking obserbasyon, kadalasan na mga problemang itinatawag  sa ganitong mga programa ay dahil sa “pagsasawaan” at “pagbabago ng ugali at pakikitungo” ng kanilang kapareha.  Normal naman talagang nangyayari ang ganitong bagay pero kadalasan, sa pagkkwento nila ay nalalaman din kung san nagsisimula ang problema sa ganitong mga uri ng relasyon. At isang KATOTOHANAN lamang ang aking nakita. Ang katotohanang ito ay dahil sa HINDI ang karelasyon nila ang kanilang tunay na minahal kundi ang mismong IDEYA ng pag-ibig at ng pagkakaroon nito ang siyang kanilang kinahumalingan.


What do you think?


Karamihan sa atin ay nangangarap ng isang perpektong love story. Yung sobrang romantic, may konting aksyon, drama, suspense pero happy ending. Yun bang parang sa mga palabas sa sine na nagkakaroon ng problema sa umpisa na tipong against all odds ang dating pero sa huli e sila pa rin.  O kaya ay langit at lupa ang pagitan pero magtatagpo pa rin at magkakatuluyan. Kasabay ng pangangarap natin ng isang perpektong pag-ibig ay yung pagkahumaling din natin sa mga ideal na leading lady or leading man sa love story natin. Yung bad boy na romantiko, yung supladang maganda pero malambing naman pala, o yung sobrang sweet and thoughtful na nakakalambingan mo hanggang gabi o yung mahilig magbigay ng surprises o yung handang mamatay para ipaglaban ang pag-ibig sa yo.  Puede ring damsel in distress na naghahanap ng iyong kalinga o kaya knight in shining armor na handang magtanggol at mangalaga sayo kahit anong oras. Yan ang mga kadalasang nakikita nating mga karakter sa mga romantikong kwento na siya ring pinapangarap na maranasan ng karamihan sa atin.


Dahil sa obsesyon na meron ang ilan sa atin na makatagpo ng ideal partner at love story, nagkakaroon tayo ng ilusyon na ang mga kwento at mga karakter na ito sa mga palabas ay ang talagang nangyayari sa tunay na buhay.  Sa kalaunan ay nagiging obsessed na rin tayo na maghanap ng tao na siyang  maikakahon natin sa istorya at karakter na binuo natin sa ating isipan. At sa sobra din nating pagkahumaling, kadalasan na pinipilit na lang natin na i-akma ang ating mga ilusyon sa mga tao na nasa ating paligid gayon din ang ating mga sitwasyon. Nandyan yung kapitbahay na madalas mong makasabay sa jeep o ang kaopisinang madalas mong nakakasabay sa lunch o yung kaklase mo na kagrupo mo sa thesis or sa project o kaya ay yung cute na laging bumibili sa bakery nyo ng pandesal sa umaga. 

Dahil na rin sa ating ilusyon, tayo na mismo ang gumagawa ng hakbang para sumakto sa mga karakter ng istorya natin ang mga taong ito. Nakikita natin sa kanila bigla yung mga bagay, katangian at pag-uugali na ipininta natin dun sa mga karakter na pinapangarap natin.  Nakakakilig.  At syempre, pagkatapos nun ay gagawan na rin natin ng paraan para mapalapit tayo sa taong yun. Nandyang tayo na ang magpapakita ng motibo o maglambing at sumuyo sa kanila hanggang sa magkahulugan ng loob at manliligaw sa kanila at maging karelasyon na nga ng taong ito. At sa pangyayaring yun ay siguradong magiging maligaya na tayo. Happy ending. 


Can be found on books


Pero bakit nga ba humahantong sa hiwalayan ang marami sa mga ganitong istoryang at kadalasan nga, tulad ng nabanggit sa itaas ay nagkakaroon ng “sawaan” o “pagiiba ng ugali at pakikitungo” sa magkabilang panig? Parang masaya naman ang mga pangyayari.  Parang wala namang problema sa umpisa, pero kadalasan ay nagmumula ang gusot doon na sa mga sumunod na pangyayari. 


Dahil sa pagkahumaling sa istoryang binuo sa isip maging sa karakter na siyang kinahumalingan, tila baga ay nakakalimot na rin ang ilan na sa tunay na buhay ay walang director na magpapatakbo ng mga eksena at ang kanilang karelasyon ay totoong tao na di binigyan ng costume at script para sundin kung ano yung pag-uugali ng karakter na binuo nila sa isipan. At sa oras na mapagtanto nila na hindi pala ito ang kanilang pinapangarap na love story,  dito rin nagsisimulang gumuho ang relasyon.
 
Dito na rin lalabas ang katotohanan, na ang kanilang tunay na minahal ay hindi ang taong iyon kundi ang karakter na siyang pilit nila ditong ipinapasuot at ang pag-aakala na sa piling ng kanilang nakarelasyon mararanasan ang kanilang pinapangarap na pag-ibig. Sa madaling salita, umibig sila sa mismong ideya ng pag-ibig at hindi sa taong kanilang nakarelasyon.


Kung sana ay kinilala nila ang taong ito, marahil ay hindi sila umabot sa puntong nagkasawaan. Hindi sana nila binigyan ng mga expectations na ayon sa kanilang imahinasyon ang kanilang karelasyon maging sa pinatutunguhan ng kanilang pagsasama, marahil ay naging mas ok sana ang kanilang love story. 


Tandaan sana natin na walang perpektong love story at walang perpektong leading man or leading lady sa tunay na buhay. At mas lalong hindi tayo perpekto para umasa na magkaroon tayo ng perpektong kapartner at relasyon.  Lahat ng tao ay iba-iba at nagbabago, ganon din sa mga uri ng relasyon. Iba ang pelikula at mga nobela, iba ang sa totoong buhay.  Kung babawasan natin ang matataas na ekspektasyon sa ating kapwa at bibigyan natin ng pagkakataon na kilalanin sila maging ang ating mga sarili, hindi man ito maging kasiguraduhan ng maganda at panghabambuhay na relasyon, higit namang mas malaki ang pagkakataon na magbunga ito ng magagandang bagay sa kahit na anong uri ng pagsasama.

Kung natuwa kayo sa kwentong ito, puede po ninyong i-share ito via Facebook or Twitter using the floating icons. At i-like ang ating Facebook page at i-follow ang ating Twitter account sa pagpindot sa buttons sa may gawing kanan ng pahinang ito para sa mga updates ng aking blog. Salamat. :)

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...